Third wheel na naman ako. Kailan kaya ako magkakaroon ng partner?
Unknow number calling....
Nakatitig ako sa phone ko, sino kaya 'to? Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba.
"Hello? Sino 'to?" nakatingin ako kay Yumi feeling ko kasi pinamigay niya number ko.
"Hi, is this Summer?" gwapo ng boses ah.
"Ah yes. May I know who's on the line?" maingay sa mall, kaya tinatakpan ko 'yung isa kong tenga para marinig ko siya.
"Maggie gave me your number. Is it okay if we can be friends?" the tone of his voice, may halong lambing.
"I'll think about it. Depende. Can I talk to you later? Maingay kasi dito sa mall eh." hinhila na 'ko ni Yumi.
"Aw. Okay. I'm sorry." sinabi ko okay lang, nagbye na 'ko sakaniya.
Nako si Ate Maggie. Binebenta ako. Baka sunod nito si Ate Rica naman.
Pagkauwi ko, chineck ko kaagad phone ko.
Nakalimutan ko magtext kila dad. Lagot ka Summer!
5 messages from unknown number.
Hi Summer. Pwede ka na ba makausap?
Nakauwi ka na?
Ingat ka ah.
Please don't be scared at me. Promise, goodboy ako.
Btw, I'm Clifford Earl Vinoya.
Hala. 'Yung totoo loner ba 'to? Badly needed ng kausap?
Nakaupo ko sa sofabed habang pinaglalaruan ko 'yung pillow.
To Ate Maggie:
"Bakit Ate? Grabe binebenta mo na ko. :(" sana magreply kaagad siya.Message from Ate Maggie "Uy, hindi ah. Naghahanap lang 'yan ng makakausap. Eh, kaw lang naman single. Malay mo naman may madevelop."
I typed my message again, nakahiga na ko ngayon "Develop? Ano 'yun? Picture? Ate naman eh. Susunod po niyan baka pati si Ate Rica ipamigay na din number ko. Sabi ko naman po sa'yo Ate, hindi naman ako nagmamadali eh. Okay pa ko."
She replied "Hindi naman kita pinagmamadali. Bakit hindi na ba kayo pwedeng maging friends? Haha."
Grabe siya. Hindi na 'ko nagreply sakaniya.
To unknown number:
"Sorry, just got home. So, you are Clifford. Hmmm... Sa DH ka din ba nagwowork?" sinave ko na number niya while waiting for his reply.Tumunog phone ko, ayan na, nagreply na siya.
"Yup. sa Corniche ako. :)" hindi pa ko nakakapunta sa Corniche ng DH. Isang araw nga, punta ko para makita ko din 'tong makulit na 'to.
Nagreply ako "Nagkita na ba tayo sa DH or nagkakasalubong?" napapaisip tuloy ako.
"I saw you twice sa canteen with Maggie and Rica. :) Cute mo pag tumatawa, nawawala mata mo. " he replied.
May konting kilig akong naramdaman. Kasi naman lahat ng nagparamdam sa 'kin, dinedma ko lang hanggang sa sila na rin ang napagod. Ganito pala ang feeling.
Kahit papaano nawala 'yung pag-iisip ko kay Sean.
Magkatext kami hanggang madaling araw. Dami ko din nalaman sakaniya.
BINABASA MO ANG
Give It A Try
General FictionSiguro ganito talaga pag natutunan mo na kung paano magmahal.. Kahit alam mo na masasaktan ka lang, sa huli susugal ka pa rin. Kasi malay mo.... Ikaw naman ang manalo.