Ako si Summer Leigh Lopez, 21, from Laguna, college grad, Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management.Mahilig akong magluto, madali lang din akong pasiyahin. Kahit only child ako at may kaya ang pamilya namin, hindi ako lumaki sa luho.
Minsan nga kahit pinaglumaan nalang ng mga pinsan ko, ayos na ko dun. Branded din kaya yun. Kasi itatapon nalang daw nila. Ang ginagawa ko hinihingi ko o kaya ibinebenta ko online. Preloved items.
******
Nandito ako ngayon sa Manila, parents ko nasa Laguna dahil nandoon ang family business namin.
As my graduation gift, binilhan ako ng parents ko ng kotse yung H ang logo at kinuha nila ako ng condo malapit sa isang mall sa Quezon City.
I want to be independent on my own ways. Kahit ayoko sa gusto nila, napa-oo na din ako. Kasi sabi ng parents ko, may kaya naman daw kami bakit ayaw ko pa daw. Yun na nga lang daw ang regalong mabibigay nila sakin dahil hindi naman ako mahilig magpabili sakanila.
Nagdebut ako, ang hiniling ko lang sakanila isang simpleng family dinner kasama mga relatives and friends ko.
Ako ang pumili ng kulay at design para sa condo ko.
Pagpasok mo ng pinto, makikita mo ay isang small kitchen, kumpleto sa mga gamit, may gas stove with oven medyo malaki, natuwa ako dahil magagamit ko yun, mahilig din kasi akong magbake.
Kasunod nito living area, may 42-inch LED TV, sofa bed, may maliit na center table na gawa sa kahoy at side table na may lamp sa ibabaw.
May dalawang pinto ng bedroom, na may tig isang cr sa bawat loob. Ang isang bedroom ay para sa parents ko kapag dinalaw nila ako. At isa naman syempre sakin.
Pinili ko ang color cream para sa mga wall, wooden brown para sa mga cabinet at off white naman para sa mga pinto at wooden brown ulit para sa door jamb at casing para lumutang ang kulay.
4:15 am - Tuesday
Mommy calling...
"Hello ma?" nakapikit pa ang isa kong mata while answering the call.
"Sweetie, gising na. It's your first day at work baka malate ka." yung tono ng boses niya, mas excited pa siya kaysa sakin.
"Yes ma, babangon na po." pero gusto ko pang matulog ulit kahit 10 minutes pa. Kasalanan to ng korean drama na pinanood ko, hindi ko namalayan ang oras kagabi.
I ended the call, nag set ako ng alarm for 10 minutes. Nag set ulit ako ng 10 minutes. Nakatatlong set ng alarm yata ako. Hanggang sa.......
4:45 am.
Tumunog ang alarm ko.....
"Sh!t" iyon na lamang ang nasabi ko. Dali dali akong pumunta ng banyo, naligo, nagbihis.
First day of work ko sa isa mga pinakamalaking hotel sa Maynila. Kailangan makaalis ako bago mag 5:30 am. Pero sa bagal kong gumayak, goodluck nalang sa akin.
Sabi nila ang uniform ko daw sa hotel ko na kukunin, may laundry din para doon. Chef's jacket, checkered na gray pants, clog shoes ang uniform ko.
Okay lang na casual na lamang ang isuot pagpasok. Kasi magpapalit ka lang din naman pagdating mo sa locker room.
Sa cold kitchen ako for three months, after nito sa back office na talaga ko.
Jeans, t-shirt na color black at sneakers na white ang napili kong isuot. Isang sling bag na sakto lang ang laki ang dadalhin ko. Kasya naman ang cellphone, wallet at susi. Hindi ako mahilig mag make-up, lipstick lang okay na ko.
7:00 am ang duty ko, from Quezon City to Roxas Boulevard dapat may 1 hour and 30 minutes ako depende pa sa traffic.
"Yan kasi Summer, puro ka 10 minutes. Malelate ka na." madalas kinakausap ko ang sarili ko pero hindi ako baliw, sigurado ako.
Kukunin ko na sana susi ng kotse ko na nakasabit sa wall malapit sa ref, nang mabasa ko ang nilagay kong sticky note:
Every Tuesday coding.
"Arrggghhhh! Pag dinala ko kotse ko baka maabutan ako ng coding, mahuli pa ko. Hindi naman ako mabilis magpatakbo. Commute na nga lang. Sana umabot ako." ayokong masira ang araw ko, pinilit kong kumalma. Inhale exhale. Chill.
5:40 am.
Late na talaga ako...
Mabilis ako naglakad papunta sa elevator. Nasa 10th floor ang unit ko. Marami rami na ang naghihintay sa may elevator, may apat na pinto ng elevator sa floor, sabi ko sa sarili ko kung alin ang maunang magbukas dapat makasakay kagad ako.
Habang naghihintay tumunog ang cellphone ko.
Mommy calling....
Mabilis kong sinagot ang tawag.
"Nakaalis ka na ba, nak? Ingat ka sa pagdrive ha?"
"Commute po ako, coding pala ako today nakalimutan ko. Sana hindi po ako malate. Nakatulog kasi ulit ako. Magiingat po ako. Iloveyou!" sabay pindot ng end call button.
Hindi ko na hinintay sagot ng mom ko, maiintindihin niya ko alam ko. Dahil ang gusto ko lang talaga ngayon makasakay kagad ako ng elevator.
Nang bumukas na ang isa mga pinto ng elevator, nagmamadali ako, isiningit ko ang sarili ko, nabunggo ko iyong lalaki na nasa harapan ko. Nagsorry naman ako.
Ako ang huling nakasakay, papasara na ang pinto ng elevator ng makita ko ang mukha ng lalaking nabunggo ko.
Kayumanggi, nasa 5'10" ang height niya, brush up ang kulay itim niyang buhok, chinito, pahaba ang mukha, may balbas siya, pero sakto lang hindi pangit tignan, mas nakakadagdag ng appeal, ayos lang din ang pangangatawan, makikita mo na may biceps siya dahil halata sa long sleeves na suot niya.
May abs din kaya siya? Ngayon lang ako naattract sa isang lalaki. Hindi naman ako tomboy. May nagiging crush din ako. Mga local artists nga lang. James Reid. Enrique Gil. Joao Constancia. Siguro focus lang talaga ko sa pag-aaral ko dati. Pero iba ngayon, hindi siya isa sa mga local artists. Kung magkakaboyfriend siguro ako, siya na ang bet ko. Napangisi ako.
"Tama na nga Summer." bigla kong nasabi. Pinagtinginan ako ng mga kasabay ko sa elevator. Kinakausap ko nanaman ang sarili ko. Yumuko nalang ako dahil sa hiya. Naisip ko pa kasi iyon, eh late na nga ako.
Hindi siya nakasakay dahil sakin. Sorry na, nagmamadali lang talaga ako.
BINABASA MO ANG
Give It A Try
Fiksi UmumSiguro ganito talaga pag natutunan mo na kung paano magmahal.. Kahit alam mo na masasaktan ka lang, sa huli susugal ka pa rin. Kasi malay mo.... Ikaw naman ang manalo.