Three days na ang lumipas simula nang sinabi niya na malapit na siyang umalis.
"Balak ko pa talagang ipakilala ka kay Sir Sean. 'Yun pala...." panunukso ni Ate Rica. Siya din ang unang bumasag ng katahimikan namin. Nandito sila sa unit ko.
May company outing kami bukas. Dito sila matutulog, bubukod kami ng pagpunta. Ayaw kasi nila sumabay sa shuttle bus.
Kumakain lang ako ng salad. Pinipigilan kong wag mangiti. Mabanggit lang kasi ang pangalan ng lalaki na 'yun, lakas na kagad ng tama sa'kin eh.
"Wag mong pigilan." lakas ng tawa ni Ate Maggie. "Swerte mo, Summer." tumabi siya sa 'kin at sinandal ang ulo sa balikat ko.
Naalala ko nanaman malapit na siya umalis. Nalungkot ako bigla.
"Hindi naman po kami. Saka malapit na siya umalis...." Tumayo ako. Pinipigilan kong wag maiyak. "Iiwanan niya din ako." kinuha ko ang phone ko magtetext ako kila dad na next week na ko uuwi ng Laguna when I received a message from him.
Message from Sean:
"Summer, I can't make it tonight. Our seminar is extended until the next day. I'm sorry, baby."I bit my lower lip at huminga ng malalim. Lagi nalang akong binibigo ah.
Nakanguso ako habang nagrereply sakaniya.
"Okay. :(" chineck ko ang gamit ko baka may nakalimutan pa ko mahirap na. Medyo malayo din ang Bataan.
'Yung feeling na konti na nga lang ang natitirang araw para magkasama kayo pero pinagkakait pa ng panahon.
3:00 am.
Nagreready na kami paalis, nagring phone ko.
Umupo ako sa sofabed, habang nilalagay pa ang iba kong gamit.
"Hello?" inipit ko sa tenga at balikat ko ang phone ko para makakilos pa rin ako.
"Good morning."
Di ko kinaya. Bedroom voice lang ah.
"Good morning. Why so early?" nilalagay ko ang powerbank saka charger ko sa bag.
"Matutulog pa lang po ako. Just finished my draft speech for my talk later. Ingat sa pagdadrive." Tumigil siya ng ilang segundo. "I miss you." kinilig naman ako. Hindi ko napigilan ang hindi mangiti. Niyakap ko ang unan na nasa gilid ko.
"I miss you too." ayokong ipahalata sakaniya na kinilig ako. Casual lang.
Ang landi. Grabe naman talaga oh. Ang kulit ng puso ko. Kahit ilang beses ko ng pinaalalahanan na dapat pigilan ang nararamdaman ko para sakaniya. Eto, patuloy pa rin ako.
Siguro ganito talaga pag natutunan mo na kung paano magmahal kahit alam mo na na masasaktan ka lang sa huli, susugal ka pa rin. Kasi malay mo, ikaw naman ang manalo.
Nagpaalam na 'ko sakaniya. Tama na muna ang kilig baka masobrahan, magka-diabetes na ko.
Nakaalis na rin kami, mag-dalawang oras na akong nagdadrive pero parang hindi ko na kaya.
Patay!
Sabi ko sa dalawang kasama ko 'wag akong tutulugan. First time ko kasi magdrive ng medyo malayo.
Nagstop over muna kami. Bumaba ako ng kotse. Ang sakit sa puwet! Nagpabili rin ako ng coffee kila Ate Rica. One hour mahigit pa na pagdadarive. Pasikat na din ang araw.
Habang nasa stop over kami, nagpicture kaming tatlo.
Nilagyan ko ng caption ang photo.
"With my two Ates. I love you both big time."
BINABASA MO ANG
Give It A Try
Художественная прозаSiguro ganito talaga pag natutunan mo na kung paano magmahal.. Kahit alam mo na masasaktan ka lang, sa huli susugal ka pa rin. Kasi malay mo.... Ikaw naman ang manalo.