Chapter 16-Be There

23 1 0
                                    

Binigyan ako ni Sean ng duplicate key ng unit niya. Para daw pag namiss ko siya, punta lang daw ako doon. Nasa meeting siya kasama ang mga board members, late na raw siya makakauwi kaya hindi ko na rin siya hinintay. Pagkauwi ko, nagbihis muna ako saka pumunta sa unit niya.

Pinakialaman ko 'yung ref niya. Wala naman sigurong masama, siya rin naman kakain ng lulutuin ko. Kahit lalaki siya, ang ayos ng loob ng ref niya, naka-food container halos lahat. Pati laman ng cabinet niya, for the condiments and chips ang ayos din. Siya kaya talaga nag-aayos nito? O may taga-ayos siya?

Hmmmm.. 

Nagreready na ko ng mga ingredients, biglang tumunog ang phone ko.

Yumi calling...

"SISSSSSS!!!! I miss you!" bungad sa 'kin ni Yumi.

"Grabe, sakit sa tenga ah! I miss you too." kung katabi ko lang to, baka naitulak ko siya.

"Malapit na umalis 'yung pinsan ko, hindi pa rin kayo nagkakakilala. Sama ka samin sa Friday, hatid namin siya sa airport." nakaloudspeaker ako para makagawa pa rin ako, kahit na kausap ko siya.

"May lakad ako sa Friday eh. Yaan mo na, baka hindi talaga kami meant to be magkakilala." baka magalit pa si Sean kapag pumayag ako na sa gusto ni Yumi.

"Ganoon? Sige, bonding nalang tayo. Kailan ka free?" 

"Next week siguro, text nalang kita. Basta weekends, go ako." naghuhugas ako ng broccoli saka bell pepper.

"Busy ka? Nagluluto ka 'no? Ang dami kong naririnig na kung ano-ano." kung kaharap ko siguro si Yumi, malamang tinaasan na niya ko ng kilay. Ayaw niya kasi ng habang kinakausap ka niya, may ginagawa ka.

"Sorry, nagluluto kasi ako." natatawa ko ang talas talaga ng tenga nito. "I'll just call you pag free ako next week. Okay?" tumigil muna ako saglit sa ginagawa ko.

"Hmp. Okay. Siguro may boyfriend ka na kaya hindi ka na rin interesado sa pinsan ko." nagtatampo siya, halata mo sa boses niya.

"Wait lang. Kwento ko sayo pag nagkita tayo. Wag ka na magtampo." gusto ko ng sabihin sakaniya, kaya lang mas maganda kung sa personal.

"So, meron na ngang nagmamay-ari ng puso mo? Wala ng chance 'yung pinsan ko?"

"O-o, meron na. Wala ng chance 'yung pinsan mo. Next week kwento ko sayo lahat. Ang hirap kapag sa phone eh." chinecheck ko yung dori kung okay ba yung hiwa ko.

"Fine. I'll wait for your call, kung hindi guguluhin kita sa unit mo. Saan nga ba 'yan?" narinig ko ang padabog na pagbagsak niya sa paa niya. Parang bata na nagtampo kasi hindi binili ang gusto niya.

"Text ko nalang rin sayo. Sorry na ah." 

Nakipagkulitan pa siya sa 'kin. Ayaw magpatalo. Well, naging unfair din naman ako sakaniya, kasi hindi ko siya sinabihan. Ayoko muna kasi dati, baka may chance pa na maudlot. Mas masakit naman 'yun.

7:30pm.

Halos katatapos ko lang magluto. Sweet and sour fish fillet saka beef broccoli ang niluto ko. Kinuha ko phone, magtetext ako kay Sean.

To: My Weird Guy 

"Dinner is ready. :) Sana maaga ka makauwi."

After 10minutes nagreply siya.

Sean: "Oh, so... you're ready?"

Me: "SEAN ASHLEY ENCARNACION!!!" with matching angry emoji.

Give It A TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon