Chapter 21-ExYZ

8 0 0
                                    

Nagtext sakin si Ate Maggie, gusto daw niya kong dalawin. Sabi ko sa condo unit ko nalang kasi wala ko sa cafe, maaga ako umuwi kasi medyo nahihilo ako.

Pinapili ko siya sa mga chocolates na pinadala ni Sean. Eh paano naman kasi, ako lang mag-isa kakain tapos napakarami pa. Kailangan pa naman bantayan ko ang sugar level ko, mahirap na baka maging diabetic pa ko.

"Kahit ilan ah? Hindi na ko mahihiya sa 'yo." she chuckles.

"Yes, Ate kahit ilan pa kuhanin mo. Hindi ko kayang ubusin yan."

Busy siya sa pagpili sa mga chocolates, bigla kong nagsalita.

"Ate Maggie..." I called her attention. "Hmmmm?" she paused for awhile.

Nang hindi ako sumagot, nilingon niya ko and asked me again. "What?" nakasalubong kilay niya.

Tumawa muna ako bago ko sumagot sakaniya. "I'm seven weeks pregnant."

Lumapit siya sa 'kin then she hugged me. "Congrats girl! Ang bilis ni Sir Sean ah. Alam na ba niya?"

Umiling ako. "Hindi pa ate."

"Oh e kailan mo sasabihin?" nagsasalita siya habang binubuksan ang chocolate na hawak niya.

"Sa birthday niya. This coming friday."

Tumango-tango siya. "I see. Naunahan mo pa kami ni Rica."

"Hala.... Eh kasi naman.." nahiya tuloy ako.

"Joke lang, ikaw naman." then she smiled.
"Ano kaya baby niyo? Sana girl." excited din siya for me.

"Kahit boy or girl pa siya, basta ang mahalaga kumpleto saka healthy, Ate." hinimas ko ang tiyan ko.

"Alagaan mo sarili mo ah. Mag doble ingat ka lagi. Ikaw pa naman lagi ka lang mag-isa lang dito." sinasabi niya to habang sinusuklay-suklay ang buhok ko.

"Opo. Mag-iingat ako lagi, Ate." I smiled.

Ginabi na siya, hindi na namin namalayan ang oras.

"Ate Maggie, dito ka na matulog, para may kasama rin ako. Okay lang?" naghahanap na ko ng puwede kong ipahiram sakaniya na damit pantulog.

"Sure. Ikaw pa ba? Lakas mo kaya sakin." she winked at me.

Nagtawanan kami.

Kinabukasan maaga ako nagising. Nagluto ako ng breakfast namin ni Ate Maggie, saka dinaan ko siya sa sakayan papuntang DH, at ako naman papunta ng cafe.

"Thank you Summer." niyakap niya ko at nagbeso.

"No, Ate. Thank you... Kasi sinamahan mo ko kahit isang gabi lang. Naging okay ako, kasi buong araw ko rin hindi nakausap si Sean kahapon." gumanti ako ng yakap sakaniya.

"Wala iyon. Oh siya, ingat sa pagdadrive ah?" kumaway siya bago bumaba at tuluyang isinara ang pinto ng kotse ko.

Pagdating ko ng cafe, nagpapark pa lang ako, nakita ko na naman siya. Bago ko bumaba ng kotse, tinitigan ko siyang mabuti hanggang sa may bigla nalang magflashback sa isip ko. Naalala ko na kung sino siya! Napatakip ako ng aking bibig.

Ex-girlfriend ni Sean.

I took a deep breathe bago ko bumaba ng kotse. Dumiretso ako sa guard, nagsabi ako kung puwede bantayan nila iyong babae na nakita ko. Baka kasi pumasok na naman ng cafe at kung ano nanaman ang gawin sakin.

Pagkapasok ko ginawa ko ang usual na ginagawa ko. Pinupuntahan ko sila isa-isa, chinecheck ang inventory ng mga stocks.

Minsan nagtake rin ako ng mga orders para pagdating sa cashier, ilalagay nalang sa system.

Give It A TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon