Siguro ganito talaga pag natutunan mo na kung paano magmahal.. Kahit alam mo na masasaktan ka lang, sa huli susugal ka pa rin.
Kasi malay mo....
Ikaw naman ang manalo.
Gabi na ng lumabas ako ng room namin. Nagkakasiyahan na sila. Pagkalabas ko may nakita akong bag. Medyo malaki pang gym na bag tingin ko.
Weird. Kanino kaya 'to?
Hinayaan ko nalang, baka pag chineck ko tapos sabihin may nawala ako pa may kasalanan.
Naglakad ako papunta sa mga kasamahan namin, nagsisimula na silang kumain. Iba ang ngiti ni Ate Maggie sa 'kin.
Anong meron?
Kinakabahan ako pag ganyan eh.
Lumapit ako sakanila.
"Kain ka na girl." inabutan niya ko ng disposable spoon and fork saka paper plate.
Wala akong ganang kumain. Prutas lang ang kinuha ko. Melon at saka mangga.
Lumapit si Clifford sa 'kin, may pagahawak pa sa balikat ko bago siya umupo sa tabi ko.
Nilingon ko siya. "Hindi ka galit sa 'kin?"
"Bakit naman?" nakatitig siya sa 'kin, halata mong malungkot siya.
"Kasi hindi ko talaga kaya, Cliff." pinaglalaruan ko lang ang prutas na kinuha ko.
Ang hirap naman. Hindi kasi ako sanay ng may nasasaktan ng dahil sa 'kin.
Ngumiti siya sa 'kin. "Okay lang Summer. Hindi ba sabi ko, hindi naman ako nagmamadali. Hindi kita mamadaliin.Halos pabulong na siyang nagsasalita.
"Ito tatandaan mo, kahit kailan hindi ako mawawala, hindi kita iiwanan...."Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. "Kahit walang tayo."
Pinagpawisan ako kahit malamig naman.
"K-kain ka na." nauutal kong sabi sakaniya. Medyo nailang ako sa ginawa niya.
Nakatingin sa 'kin si Ate Maggie. Tingin na may gusto siyang sabihin. Pagkatapos siniko niya si Ate Rica.
Natapos na kaming kumain, halos lahat nasa tabi ng dagat, may gumawa din ng bonfire. Gusto nila maglaro ng Spin the Bottle -Truth or Dare.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
'Yung iba umiinom, iba naman kumakain lang ulit. Chips, chocolates, bbq at kung ano ano pa. Pumagitna ako kay Ate Maggie at Ate Rica. Naka-jacket ako dahil malamig.
Nagsimula na ang laro. Ang pwesto namin ay nakapaikot kami sa bote. Medyo marami rin kami. Ang iba may sarili ring mundo sa kabilang side.
Nahinto ang unang ikot ng bote kay Ate Rica. Si Jean ang nagtanong. Isa siya sa mga kasamahan ni Cliff sa Corniche. Truth ang pinili niya.
"Nagkaroon ka na ba ng relasyon sa isang may asawa na?" tinignan kami ni Ate Rica bago siya sumagot.