Dumiretso ko ng comfort room. Kasi naman nakakaihi talaga sa kilig. Totoo pala 'yun.
Pumasok na 'ko ng cold kitchen.
Nakangiti ako. Naman eh. Hindi ko talaga kinaya. I was like a teenager first time to experienced this kind of feeling.
Nagturuan ang dalawa kong ate kung sino ang unang magsasalita.
"Nililigawan ka na ni Cliff?" si Ate Maggie na ang nauna.
Akala nila si Clifford ang dahilan ng mga ngiti sa 'king labi.
"Hindi po ah. Friends lang kami. Saka hindi ko pa nga po siya nakikita eh." todo tanggi ako.
"Eh bakit abot tenga ngiti mo pagpasok mo?" may something sa tingin ni Ate Rica. Pero natatawa ako.
"Soon mga ate, kwento ko po sainyo." kunwari mga nagtatampo sila.
Nagtawanan kami.
Lunch na. Nasa canteen na kami. Alam kong may nakapila rin sa likuran ko. Nilugay ko muna ang buhok ko, kumulot na, kasi kanina pa ko naka-bun.
May biglang nagsalita.
"Hi!" tinignan ko siya. Tapos tinawag siya ni Ate Maggie. So, siya si Clifford.
"Oh, hi!" I smiled to him, pero konti lang.
"Wag ka ng kumuha ng tray mo, ito nalang din sa'kin. Dito mo nalang din ilagay 'yung food mo." pag-alok niya.
"Baka hindi kasya. Saka bibigat." nag-iisip ako kung ano kakainin ko.
"It's okay. I can manage." pinilit niya pa rin.
"Okay. Drinks nalang sa 'kin. Tapos una na ko doon sa table." he just nodded. kumuha nalang ako ng dalawang baso ng juice. Pumunta na kagad ako kung nasaan sila Ate Maggie.
Nilabas ko lang 'yung phone ko saka coinpurse, pinatong ko sa table namin.
Dumating na siya, dala 'yung tray ng pagkain namin. Tahimik lang siya sa personal. Unlike sa text.
Tinutukso kaming dalawa. Tinitignan ko lang sila. Si Clifford naman, natatawa siya.
Sobrang bait niyang tignan. Gwapo siya, oo. Pero hindi siya 'yung type ko eh. Mas gusto ko pa rin 'yun masungit, seryoso lagi, badboy look.
Kagaya ni Sean. Kumain na kaya siya?
Sean calling...
Speaking. Nagmamadali akong sagutin. "Hello?" mahina lang boses ko, tinakpan ko ng konti bibig ko para malakas pa rin ang dating ng sinasabi ko sakaniya kasi medyo maingay sa canteen.
"Kumain ka na?" ang husky ng boses niya.
"Kakain pa lang. Ikaw?" sinusulyapan ko mga kasama ko busy naman sila sa pagkain.
"I'm not starving." humikab siya.
"You need to eat. Please." nakatingin ako sa sahig.
"I want your carbonara." narinig ko ang pagtunog ng upuan niya. Umayos siguro siya ng upo.
How about me? Carbonara ko lang talaga? May something na ba talaga? Pero ayoko pa rin umasa.
"Mamaya po. Pero kain ka na, kahit sandwich."
Hoy Summer, hindi ka girlfriend. Wag kang ano!
"Wait." he puts the line on hold. After ilang seconds, nagsalita na ulit siya. Nagpaorder na daw siya ng sandwich. Tatawagan daw niya ulit ako mamaya, sabay daw kami uwi.
Tinanong nila kung sino kausap ko, sabi ko si dad. Natapos na ang lunch break namin hanggang sa nag-uwian na.
4:20 pm.
Kadarating ko lang dito sa waiting area, wala pa din siyang tawag or text. Hawak ko lang ang phone ko. Browse ng konti sa facebook and instagram.
4:45 pm.
I was about to text when I received a message from him.
"Summer, sorry to keep you waiting. I'm still at the meeting. Is it okay if you go home alone?" nakagat ko ilalim ng labi ko. Ang bigat sa dibdib.
Wala naman akong magagawa. Business yan eh. Malamang mas importante 'yun.
Hindi ako nagreply sakaniya. Inayos ko na ang bag ko, then Clifford came.
"Sabay ka na Summer. Alam kong out of way pero kahit hanggang LRT?" pinaglalaruan niya 'yung susi ng kotse niya.
"Sige." nauna siya maglakad, nakasunod lang ako sakaniya.
Pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse.
"Malungkot ka, halata sa mga mata mo." sumusulyap sulyap sa 'kin.
"Ha? Hindi ah. Mukha lang pero siguro dahil sa inaantok na ko." humikab ako kunwari.
Ngumiti na lang siya.
Bumaba na 'ko ng kotse niya at nag thank you.
*****
Pagkauwi ko niluto ko na kagad 'yung request ni Sean.
Anong oras kaya siya makakauwi?
To Sean:
"Your carbonara is ready. :)"
9:30 pm.
10:20 pm.
11:45 pm.
12:10 am.
Gising pa rin ako, naghihintay ng reply niya. Nanonood nalang ako ng korean drama, pero hindi ko na naiintindihan. Naka-on ang tv ko pero naka mute. Sobrang tahimik dahil halos lahat siguro tulog na.
May narinig ako na boses ng babae, medyo maingay, lumapit ako sa pintuan ko, the girl must be drunk. Sumilip ako. Buhat niya at nasa balikat na 'yung babae.
Kaya pala wala siyang reply.
Kaya pala naghintay ako sa wala.
Kaya pala.
Ang sakit.
Kakasimula pa lang, nagtapos na kagad?
Kinuha ko ung pinaglagyan ko ng pasta niya. Lumabas ako, kahit ang sakit sakit. Alam ko naman na wala kaming label.
Wala kang karapatan Summer!
Kumatok ako sa pinto niya. Nagulat ako binuksan niya.
Nangangatog ang kamay ko hawak ko ang disposable container na may pasta. Kagat kagat ko ang ibaba kong labi. Pinipigilan ko ang pagluha.
"K-kanina ka pa hinihintay nitong pasta." konting konti nalang talaga babagsak na mga luha ko.
Nakatingin lang siya sa mga mata ko. May gusto siyang sabihin pero bakit ayaw niyang magsalita?
Nakita ko may damit na nasa sahig. Tapos siya naka jersey shorts lang.
Inabot ko na sakaniya at mabilis akong bumalik sa unit ko. Kulang nalang takbuhin ko.
Kinabukasan absent ako. Nagtext nalang ako, magang maga mata ko.
Daig ko pa ang galing sa break up.
Hindi ako makakain. Ang bigat ng pakiramdam ko.
Hindi ulit ako nakapasok ng sumunod na araw. Sinabi ko nalang emergency kailangan ko umuwi ng Laguna.
Si Clifford, Ate Maggie and Ate Rica lagi silang nakatext sa'kin pero ni isa sakanila wala kong nireplyan.
BINABASA MO ANG
Give It A Try
Ficción GeneralSiguro ganito talaga pag natutunan mo na kung paano magmahal.. Kahit alam mo na masasaktan ka lang, sa huli susugal ka pa rin. Kasi malay mo.... Ikaw naman ang manalo.