Chapter 17-Knight and Princess

8 0 0
                                    

Three days nalang flight na niya pabalik ng Canada. Hindi rin kami masyadong nag-uusap dahil sa sinabi niya sa 'kin noong isang gabi.

Handa na ba talaga ko? Kaya ko bang panindigan ang pumasok sa ganitong sitwasyon?

Parang gusto ko ng umatras. Pero mahal ko talaga siya, handa akong sumugal.. Kahit na alam kong malaki ang tsansa na matalo ako.

Nandito ako sa office, wala pa si Sean. Nakatulala ako sa table ko, pinag-iisipan ko 'yung offer niya sa 'kin.

Naisip ko, sa mismong araw ng flight niya, maiiwan ako dito, magmumukmok ako. If I will accept his offer to attend the seminar in Australia, puwede naman siguro akong malibang kahit papano. Kahit papano hindi ko siya masyadong maisip. Kahit papano makakalimutan ko siya ng konti. Hindi ako makakaramdam ng lungkot kapag nasa seminar na ko.

Ang lalim na ng iniisp ko....

May biglang kumatok at pumasok.

"Hi." nilingon ko kung sino ang nagsalita.

Si Clifford.

"Can I talk to you? Five minutes only." tumango ako.

"I just want to say sorry for everything, sorry for being a jerk, sorry, sorry. Really, I am sorry Summer."

Nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

"Forgiven." matipid kong sagot.

Yes, napatawad ko na siya. Hindi ko rin naman siya masisisi. Nagkagusto siya sa taong may mahal ng iba. Ikaw din naman mismo, kung ikaw ang nasa kalagayan niya gagawin mo ang lahat mahalin ka lang ng taong mahal mo.

Pero sa sitwasyon namin, oo gagawin niya ang lahat. Pero ako, hindi ko siya kayang mahalin gaya ng pagmamahal niya sa 'kin.

"Can we still be friends?" he smiled then I answered him. "Yes. Pero sana naman wag ka ng umasa Clifford." diretso kong sagot sakaniya.

Sumang-ayon siya at nakipag-kamay siya sa 'kin, ganito ang eksena na naabutan ni Sean pagkapasok niya ng office.

Sean clears his throat. "May I ask, what are you doing here Mr. Vinoya?" nakatiim bagang siya.

Nagulat kaming dalawa ni Clifford, pero wala naman kaming ginagawang masama. Siguro naman walang dahilan para madagdagan pa ang away namin.

"I came here to say sorry to Summer. And also to you Sir. Sorry for crossing the line between you and to Summer. I hope you can forgive me."

"You may go." walang reaksyon ang mukha niya. Tinignan niya ko ng matalim. "Did he tried to flirt you again?" na may kasamang pagsalubong ng kilay niya.

"NO!" mabilis kong sagot. "Ang bilis mo naman humusga. Napatayo ako, lumayo ako ng konti sakaniya. "Nagsorry na nga siya di ba, umiwas na siya. Pati ako iniiwasan ko na rin siya. Hindi pa ba sapat 'yun? Ayokong masira tayo! Ayokong masayang ang lahat. Tell me honestly Sean, wala ka bang tiwala sa 'kin?!"

"Of course I trust you baby. Pero si Clifford? Tss." umiiling siya. "I don't trust him."

Iniwan niya kong nakatayo. Pumasok na siya sa office niya nang wala siyang narinig na sagot mula sakin.

Umupo ako at yumuko sa table ko. Sumakit ang ulo ko sa nangyari kanina.

Hindi ko namalayan lumabas siya ng office niya. Ang tagal ko rin sigurong nakayuko halos makatulog ako. Bigla niya kong niyakap mula sa likuran ko.

Naramdaman ko ang pagbuga niya ng hangin sa likod ng tenga ko. "I'm sorry, please don't hate me, my weakness." sinandal niya ang ulo niya sa may leeg ko. Hindi ako sumagot. Tinanggal niya ang pagkakayakap sa 'kin at saka lumuhod sa harapan ko.

Give It A TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon