Chapter 6-Ulan

22 2 0
                                    

Hinatid niya ko hanggang sa pintuan ng unit ko, siya pa nagbuhat ng lahat ng pinamili ko. Siya rin ang nagbayad sa kinain namin kanina.

Ipagluluto ko nalang siya bukas, pa-thank you ko.

Habang nag-iisip ako, inaayos ko na din 'yung mga pinamili ko.

Nasa side table cellphone ko, biglang nagring.

Dad calling...

"Hi dad!" nakaipit sa pagitan ng tenga at balikat ko ang cellphone habang kinakausap siya.

"Are you free tomorrow, nak? Dalawin ka sana namin. Namimiss ka na namin. Wala ng nagluluto ng paborito ko dito sa bahay, hindi naman makuha ni manang 'yung timpla ng luto mo." kahit hindi ko nakikita si dad, alam kong napapailing siya.

"Sure dad. What do you want me to cook for our lunch tomorrow?" miss ko na din sila.

"Syempre ang paboritong kong napakaasim na sinigang na baboy saka daing na bangus." narinig ko sa kabilang linya si mommy, wag daw masyadong maasim dahil hindi niya makakain. Nagtawanan kami.

"May ipapadala ka ba? Isasabay na namin bukas." tapos ko ng ayusin mga pinamili ko.

"Laptop ko po, saka charger." umupo muna ako sa sofabed at binuksan ang tv.

Napasarap ang kwentuhan namin ni dad, busy daw si mommy, nagtatahi. Libangan niya 'yun pag wala siyang ginagawa sa bahay.

"Okay dad, see you tomorrow. Iloveyou! Please tell mom i love her too." malambing kong sabi.

"Yes nak, I will. Iloveyoutoo." and then dad ended the call.

While watching tv, hindi ko namalayan nakatulog pala ko. Nagising ako, tinignan ko ang oras, malapit na pa lang mag alas sais.

Almost two hours akong nakatulog. Magluluto pa ba ko? May mashed potato pa naman ako sa ref, initin ko nalang siguro sa microwave saka tinapay.

Lumabas na muna ko sa may balcony ng unit ko. Nagpapahangin. Nagpatugtog na din ako, mahilig din kasi ako sa music. 90's songs ang pinili ko sa playlist tapos naka-connect sa speaker.

Girl if I told you I love you
That doesn't mean that I don't care, oooh
And when I tell you I need you
Don't you think that I'll never be there, ooooh

Baby I'm so tired of the way you turn my words into
Deception and lies
Don't misunderstand me when I try to speak my mind
I'm only saying what's in my heart

Cupid doesn't lie
But you won't know unless you give it a try
Oh baby, true love
won't lie but we won't know unless we give it a try
give it a try

Cupid - 112

Unless we give it a try.

Unless I give it a try.

Am I starting to fall for him? Ito na ba 'yun? Naiinlove na ba talaga ko? Ganoon ba talaga kabilis. Naalala ko 'yung mga nangyari, the first time I saw him, the jeepney scene, sa LRT, until kanina.

Kahit na madalas masungit siya, mukhang seryoso lagi, tipo ng lalaki na kapag bumanat ka ng joke titignan ka lang.

Tapos isang ngiti lang galing sakaniya wala na lahat ng pangamba ko? Nasaan ang hustisiya?

Kumain nalang ako, after ko ligpitin ang pinagkainan, nagreready na 'ko sa pagtulog, para makabawi. Kailangan ko din maaga gumising bukas para maprepare ko mga lulutuin ko.

Give It A TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon