Isang linggo akong hindi pumasok. Ilang araw nalang din ililipat na 'ko sa back office.
Kaya ko ba?
Kaya ko bang makasama siya sa trabaho?
Ako daw kasi ang papalit pansamantala kay Mrs. Garcia, maglileave siya ng two weeks.
After ng gabi na nasaktan ako ng sobra, hindi siya nagparamdam.
Naguilty siguro.
Gumagawa ako ng ceasar salad, nagring ang phone sa cold kitchen si Chef Chico ang nakasagot. Pinapatawag daw ako sa office sa 27th floor.
Sana hindi siya ang nagpatawag sa 'kin. O kaya sana wala siya doon.
Inayos ko ang sarili ko, tinanggal ko ang toque at apron ko.
Kumatok muna 'ko bago ko pumasok.
Si Mrs. Garcia ang bumungad sa 'kin.
Hay salamat po at hindi siya.
"Pinatawag niyo daw po ako, ma'am?" lumapit ako ng konti sa table niya.
"Have a seat Ms. Lopez." sabi nito habang may hinahanap siya sa drawer. Umupo ako at palingon lingon sa office. May divider saka isa pang pinto sa loob, malamang sakaniya ang office na 'yun.
Ilang saglit lang ay may pinabasa sa 'kin na kontrata. Regular employee na ako at ang dami kong incentives.
Nakalagay din doon na kung saan pumunta ang manager in charge which is si Sean, ay kasama ko. Kahit bumalik siya ng states kailangan nandoon din ako.
PA ata ni Sean ang hanap nila eh.
Binalik ko ang kontrata sinabi ko na hindi tama ang mga nakalagay doon. May mali.
I applied for the position as a secretary. Unfortunately, they told me that for the meantime my training will be at cold kitchen. I accepted that.
Then after three months, I will have my training again as a secretary at the back office. It's fine with me.
Experience. That's what I really want. Pero ang maging PA? Joke time ba 'to? Hindi na legit ah.
Nakiusap sa 'kin si Mrs. Garcia. Sabi ko sakaniya, okay na ko maging secretary ni Sean for two weeks, kaya kong tiisin 'yun. Pero ang maging PA niya...
Iba na 'yun. Saka sa hotel ako nagtatrabaho hindi porket anak siya ng isa sa mga stock holder ganoon nalang ang gagawin niya sa 'kin.
Nalaman ko na singer/composer siya sa states. May album din siya. Gumagawa siya ng mga covers from different artists. So, gusto niya kasama ko sa mga tours niya, eh di PA nga.
Palabas na 'ko ng office, nang makasalubong ko siya. Ayaw niya kong padaanin.
"Excuse me, sir." pinipilit kong kumalma. Nakatingin ako sa ibaba. Pero hindi siya umalis sa harapan ko. Lakad ako sa kaliwa, hinarangan niya. Sa kanan hinarangan din niya.
Tinulak ko siya, naiiyak nanaman ako. Nagflashback sa 'kin ang mga nangyari. Effort ko na nauwi sa wala, nasayang lang. Sinayang niya.
Tumakbo ko sa elevator, madali kong pinindot ang button para bumukas ito pagkapasok ko mabilis ko ding pinindot ang closed.
My hands are shaking
My knees are shaking.
Punong-puno na ng luha ang mukha ko.
Kung gaano ko kabilis napindot ang closed button ganoon din siya kabilis na nakapasok sa elevator.
Dalawa lang kami pero pakiramdam ko napakaliit ng elevator para samin.
Lumapit siya sa 'kin ng dahan dahan. Napaatras ako sa isang sulok. Wala pa rin akong tigil sa pag-iyak. He pulled me closer to him at niyakap ng mahigpit. Sinusuntok ko ang dibdib niya.
"Umasa ako Sean eh! Alam mo ba 'yun? Pero anong ginawa mo? Ginawa mo kong tanga!" tahimik lang siya.
"Yung babaeng buhat mo nakita ko, ano nagsex ba kayo? Kaya pagbukas mo ng pinto ganoon nalang ang suot mo, nakakalat pa sa sahig 'yung damit niya! Tapos wala kong narinig mula sa'yo. Ni isang sorry kahit sa text na lang, naghintay ako pero wala!" gusto kong kumalas sa pagkakayakap niya sa 'kin, hirap na kong huminga.
"Oo nga pala, p*tang*na! Kasi wala akong karapatan! Hindi mo ko girlfriend para magpaliwanag ka sa 'kin!" humihikbi na ako, kailangan ko ng hangin.
Hinawakan niya ang mukha ko ng dalawa niyang kamay, kahit nakatingin ako sa mata niya malabo ang nakikita ko dahil sa patuloy na pagtulo ng mga luha ko.
"Ang sakit sakit. Alam mo ba 'yun?! Ikaw ang kauna unahang lalaking nanakit sa 'kin! Naiintindihan mo ba ko?!" wala na kong lakas, nanghihina na 'ko.
Mas lalo niyang nilapit amg mukha niya sa 'kin. Pumikit ako.
"You know what Summer, I'm scared. Very scared. I'm trying to avoid you everyday. I don't want you to be closed with me. I don't want to hurt you. Because you don't deserve it baby. But it's happening now." nakadikit na ang noo niya sa noo ko. Pinapakinggan ko lang siya.
"I'm sorry for causing you so much pain. I didn't mean to hurt you so bad. I hate it when someone's crying because of my stupidity. I'm so sorry Summer." nangangatog na ang boses niya.
Umiiyak din siya?
"Why I'm doing this? Because I'm not staying here for good. Sooner, I will leave and I don't want you to be left hanging. I don't want to hurt you again and again." Iniayos niya ang mga takas kong buhok sa pagkaka-ipit.
"Kahit natatakot ako, I want to be in your world. Just tell me to give it a try, baby, I'm going to give up everything just for you."
Habang nakapikit, nagsisimula na naman pumatak ang mga luha ko. Wala akong maisagot sakaniya. Ayokong maging makasarili. Ayokong igive up niya ang lahat para sa 'kin. Kahit na konting bahagi ng isip ko gusto ko pero mali 'yun. Saka sino ba naman ako?
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.
I opened my eyes to see if it's real. He's kissing me! My first. He's kissing me so gentle na para bang iniingatan niya ko na wag mabasag. Ang lambot ng labi niya. Pinaghalong mint at yosi ang nalasahan ko. Hindi ko alam kung paano ang humalik, pumikit na lang ako ulit at sinabayan ko nalang siya.
Bakit hindi ako pumalag o hindi ko siya tinulak o sinampal man lang?
Dumilat ako ng tumigil siya. Naglabas siya ng panyo at pinunasan ang mga luha sa mukha ko.
Sakto namang pagtunog ng elevator na nasa basement na kami.
Teka, bakit sa basement?
"I'll drive you home. You can't work properly after what happened."
Pakiramdam ko sobrang wasted ko. Tumango nalang ako sakaniya.
"Paano ang gamit ko?" mahina kong sabi. Wala talaga kong lakas. Narinig ko may tinawagan siya. Maya maya lang hiningi niya ang code ng locker ko. Ilang minuto hinintay namin, may nagdala na ng mga gamit ko.
Dahil sa kawalan ko ng lakas, si Sean na din ang nagsuot ng seatbelt ko. Hinalikan niya ko sa noo pagkatapos at inayos ang upuan para makahiga ako.
"Take a nap. I'll just wake you up later." he's holding my hand.
Tinignan ko lang siya at saka pumikit.
****
Again, please play the song while reading this chapter.
Feel free to comment :)
xoxo
BINABASA MO ANG
Give It A Try
General FictionSiguro ganito talaga pag natutunan mo na kung paano magmahal.. Kahit alam mo na masasaktan ka lang, sa huli susugal ka pa rin. Kasi malay mo.... Ikaw naman ang manalo.