RELLY'S POV.
Kasalukuyan akong naglalakad pauwi, 7:00 na rin ng gabi at usually, 8:00 na ako nakakauwi.
Maaga kasing natapos ang klase ko ngayon. Kaya maaga akong nakauwi.
Nang makarating na ako sa tapat ng gate namin ay tinawag ko ang kambal. "Arvie! Arvin! tao po! pabukas po nang gate!" sabi ko pa
Mukha namang narinig na nila at lumabas na si Arvie.
"Ang aga mo yata ngayon ate?" sabi pa ni Arvie habang binubuksan ang gate.
"Bakit? Ayaw mo?" sabi ko pa at pumasok na sa gate.
"Hindi naman, magluluto na sana si Arvin eh." sabi pa ni Arvie habang sinasara ang gate.
Yes, tama kayo. 13 years old cooking? Oo naman! Responsible na ang kambal. At marunong na yan sa gawaing bahay, tinuruan na kasi sila ni tita noong mag twelve sila.
"Bakit hindi mo tulungan?" sabi ko pa habang hinihintay si Arvie.
"Sabi niya si--- Uy! Kuya!" sabi pa ni arvie at napatingin ako sa kanya.
Wow, Friends na pala sila ng kapit bahay? Ibang klase.
"Uy, hello arvie?" sabi pa nung lalake at kumaway kay arvie.
binale wala ko nalang sila at akmang papasok na sa loob ng pinto ng biglang..
"Opo! Ako po si Arvie." Hinablot ako ni Arvie "Eto naman po yung ate ko, si ate Relly." sabi pa niya.
"a-arvie?!" pabulong kong sita sa kanya.
"H-huh?!" sabi nung lalake at Lumapit ng kaunti sa gate.
"T-teka, Relly ba yung sinabi mo?" sabi pa niya na nagtataka."Opo, ate ko po siya." sabi pa ni arvie at bumitaw na ako.
Napatingin sa akin yung lalake ng may pagtataka at tinignan ko naman siya ng walang imosyon.
"Magkakilala po ba kayo?" sabi naman ni Arvie.
"Hindi" sabay naman naming sabi at umiwas ako ng tingin.
"A-ahh.. Ang tagal kasi ng titigan niyo." sabi pa ni arvie. "ano po ba ulit pangalan niyo kuya?" sabi pa niya.
"Morven." sabi pa niya kay Arvie.
Hindi na masama yung pangalan niya sa Itsura niya.
"ahh, cool." sabi pa ni Arvie.
"Nga pala, mauuna na muna ako ha?" sabi pa niya at umalis na.
"Bye kuya Morven" sabi pa ni Arvie.
Umiling iling nalang ako at pumasok na sa loob ng bahay.
"Oh? Ate, nandito ka na pala. Nagluto ako ng Itlog." sabi naman ni Arvin.
"Sige arvin, mauna nalang kayo ni arvie." sabi ko pa at umakyat ng hagdan.
Ang weird talaga ng kapit bahay na yon.
Aish! Bakit ba kailangan kong isipin yung lalakeng yon?
Dibale, tatawagan ko na nga lang sila mama.
Agad ko namang binuksan ang skype ko at hinintay na tumawag si mama.
Lagi kasi niya akong tinatawagan pag 8:00 na. Inaabangan niya akong magbukas.
Pero, bakit kaya hindi pa tumatawag si mama?
Dibale, hihintayin ko nalang muna.
-----
Ilang oras din ang lumipas, ngunit 12:00 na pero wala paring tawag na galing kay mama.
Kahit si papa ay hindi rin open ang account. Nakapag message na rin ako sa kanila sa Facebook pero wala eh, Active 1 day ago daw.
Busy ba sila sa business?
*Door knocks*
Napatingin ako sa pintuan ko at nakita kong pumasok si Tita.
"Bakit po tita?" tanong ko sa kanya.
Lumapit si tita sa akin ng may lungkot sa mata. Nagulat na lang ako ng umiyak siya bigla.
"Relly, ang mama.. At papa mo.." nanghihinang sabi ni tita at maslalong umiyak.
Bigla naman akong kinabahan at parang nalungkot.
"T-tita, bakit?" sabi ko pa na naguguluhan.
"W-wala na sila.." sabi pa ni tita at umiyak lalo.
Hindi ko napigilang, mapaluha.
"Hindi puwede.." sabi ko pa at tuluyan ng umiyak.
Akalain mo yun?
Nine years old ako nung maiwan ako kay tita. Oo, tinanggap ko yun. At hindi sumama ang loob ko sa kanila.
Pero, ang hirap pala?
Kaunti lang ang panahon na nakasama ko sila.
Bakit kailangan nilang mamatay ng hindi manlang nagsasabi sa akin?
Ni hindi ko pa nga sila nasabihan ng maayos na I Love you sa personal.
Tapos ganito?
Nakakainis..
___________
~Awetor Neosagi
Nasa multimedia po ang Fictional Character ni Morven.
BINABASA MO ANG
Cinderella's Great Granddaughter (EDITING)
Короткий рассказThis book is a Love Story About Relly Cinder. Ang Great Great Great Great Granddaughter ni Cinderella. Unlike her Grandmother Cinderella, her story is way different than her Grandmother. Sabihin na nating hindi mawawala ang hiwaga sa Love Story ni...