RELLY'S POV.
So, tama nga yung hinala ko. Nilibre niya ako ng Ice cream kahit naka wheel chair parin ako.
Siya yung taga-tulak, at ako yung taga-kain.
"Thank you Morven!" sabi ko pa at kinain na yung strawberry ice cream ko. "Ayaw mo?" pag-alok ko.
Umiling siya at kinuha yung Ice cream niya. "Ayoko ng Straw berry flavor, masyadong matamis." sabi pa niya.
"eh, mas matamis kaya yung Caramel. " sabi ko pa at tinuro yung Ice cream niya.
"Hindi ah, Lasang kape to." sabi pa niya habang kinakain yung ice cream niya.
"Eh? Akala ko ba hindi ka mahilig sa kape?" sabi ko pa na nakapagpa kunot ng kilay niya.
"Hindi mo ba alam yung salitang 'Medyo'?" sabi pa niya na naka poker face.
"alam ko, pero masmatamis parin yan." sabi ko pa at kinain nalang yung Ice cream ko.
Wala nalang siyang inimik at tinutulak lang niya yung wheel chair ko, Hindi ko trip na mag saklay eh.
"Punta tayo ng park." bigla kong pag-aaya kay Morven.
"Doon nga tayo pupunta." sabi pa niya na seryoso sa pagkain ng ice cream.
Nakatingin lang ako sa magagandang puno na dinadaanan namin sa iba't-ibang street, hanggang sa makarating kami ng Park.
Maraming batang naglalaro ngayon, at maganda ang simoy ng hangin, Pero ubos na yung Ice Cream ko.
Napatingin ako kay Morven na naka upo na sa bench at kumakain ng Ice cream.
Lumapit ako ng kaunti sa kanya. "Ano, Morven. Pwedeng patikim?" sabi ko pa na nakakuha ng attention niya.
"Akala ko ba sabi mo matamis? Tapos titikim ka?" sabi pa niya na parang batang nag dadamot.
"Tikim lang eh, titignan ko lang kung lasang kape ba talaga yan." sabi ko pa na nagpapalusot.
"Tsk, huwag mong ubusin ah? " sabi pa niya na ikinagulat ko.
Medyo cute siya ngayon :3
Kinilig naman ako Nung ilapit niya yung cone sa akin para tumikim, para iwas malisya. Siyempre, kinuha ko yung cone at tumikim ng konti bago ko ibalik sa kanya.
"Ano? Lasang kape?" sabi pa niya
"Oo na, lasang kape nga." sabi ko pa at ngumiti "Thanks!"
"Ang sweet niyo naman po." nagulat ako sa batang nagsalita sa harap namin na may hawak na Origami na Crane?
"Sino ka?" sabi ko sa bata.
"Abnormal, Hindi ganyan magtanong sa bata, ano siya? Multo? Na sasabihan mo ng Sino ka?" sabi pa ni Morven at nginitian yung bata.
Maslalong gumwapo ang tingin ko kay Morven nung ngumiti siya.
Parang Prince Charming.
"Anong name mo?" sabi ni morven na may ngiti doon sa bata.
"Rimie po, Ang cute niyo po ni ate, Girl friend niyo po ba siya?" sabi pa nung bata.
"Nako Rimie Hindi kami mag Boy friend and Girl friend, Magkaaway kami niyan." sabi ko pa doon sa bata.
"Mag-kaaway? Eh, bakit po kayo magkabati kanina? Diba bad po ang mag-away? Magkabati na po ba kayo ngayon?" sunod sunod na sabi ni Rimie.
"Rimie, Friends lang kami ni ate Relly huwag kang maniniwala sa sinabi niya ha?" sabi pa ni morven na may ngiti.
Bakit ganon? Yung bata nginingitian niya, pero ako Poker face, Kunot kilay face, Inis Face, wala ba diyang Smiley Face?
"Opo, Ang cute cute niyo po talaga ni ate eh.. Pwede po bang kayo nalang?" sabi pa ni Rimie.
Aba! Ang Daming alam?
"Eh, Bata ilang taon ka na ba?" sabi ko pa doon sa bata na akala mo siga sa kanto.
"mag e-eight years old po, Bukas." sabi pa ni Rimie at ngumiti.
"Wow~ Happy Birthday Rimie!" masiglang sabi ni Morven na nakapagpa ngiti sa akin.
"Thank you po kuya!" sabi pa nito at ngumiti.
Ang Cute nilang tignan, para silang mag-amang nag uusap.
Naalala ko tuloy sila mama at papa.
"Ate, I gegreet mo din po ba ako ng happy Birthday?" sabi pa nung bata.
Nginitian ko siya at akmang sasabihan na ng happy birthday, kaso bigla siyang nalungkot.
Kita ko ang lungkot sa mata ng bata. "A-ate, kuya.. Babay po! N-nandiyan na si D-daddy." sabi pa nito at agad na tumakbo sa kaliwang direksiyon.
Nakita kong may takot sa mga mata ng bata. At nakita din namin na hinigit siya ng tatay niya.
"Morven, kuwawa siya.." sabi ko pa kay morven.
"I can feel it too.." sabi pa niya na may lungkot na tono.
__________
BINABASA MO ANG
Cinderella's Great Granddaughter (EDITING)
Короткий рассказThis book is a Love Story About Relly Cinder. Ang Great Great Great Great Granddaughter ni Cinderella. Unlike her Grandmother Cinderella, her story is way different than her Grandmother. Sabihin na nating hindi mawawala ang hiwaga sa Love Story ni...