CGG 5 - My Ninang's Son

92 5 2
                                    

RELLY'S POV.

"Ikaw ba ang Fairy Godmother ko?" childish na tanong ko sa kanya.

Maslalong kumunot ang noo niya.

Hindi ba siya?

"Ano ako? Babae? Hindi noh?! Anak ako ng dapat na Fairy Godmother mo." sabi pa niya.

Sabi na eh hindi din siya yon.

"Sorry, hindi ko alam eh. Tsaka, bakit ikaw ang nagpunta dito at hindi yung nanay mo na ninang ko?" sabi ko pa at nag cross arms.

"Hindi ko na siya nakilala, Yung lola ko ang nagpalaki sa akin. Atsaka, pwede ba? Huwag kang chismosa?" sabi pa niya.

Tss.. Sungit ah?

"Nagtatanong lang!" sabi ko pa at inirapan siya.

"Aalis na ako dito, Huwag mo na ulit akong tawagin. Okay?" sabi pa niya at lumabas na ng kwarto ko.

Dapat ba tanungin ko siya paano siya nakapasok dito?

At paano ko siya natawag?

"T-teka lang!" bigla kong sabi at hinabol siya.

Buti naman at hindi pa siya nakakalayo, ang kaso lang. Muntik ko na siyang mahawakan nang madulas ako pababa.

Buti nalang paupo ang pagdulas ko sa hagdan.

"Ate! Okay ka lang?" rinig kong tawag ni Arvin at inalalayan ako.

"Malamang hindi, Gasgas na kaya yung pwetan ko." sabi ko pa at hinimas ang pwetan ko.

"Oh? Anyare?" parang walang alam na tanong ni arvie "K-kuya Morven?" sabi pa niya at tinuro si morven na nasa taas.

" Hello.." sabi ni morven na may pilit na ngiti.

"anong ginagawa mo dito? " sabi pa ni arvie na nagtataka.

Bago pa magsalita si Arvin ay Inunahan ko na siya "Kasi! P-pinapunta ko siya dito. Hehe.." palusot ko.

"Bakit hindi ko siya nakitang pumasok?" nagtatakang tanong ni Arvin.

"a-ako kasi yung nagpapasok sa kanya. Ahaha! S-sige na, aalis na siya eh. Hatid ko na siya sa labas." sabi ko pa at bibitaw na sana sa pag-alalay ni Arvin.

"Hindi, ako na ate. Hindi ka nga makatayo ng maayos oh?" sabi pa ni Arvin.

"Hindi, kaya ko to" sabi ko pa at tumayo, pero masakit sa pwetan.

"T-tara na! Hehe.." aya ko kay Mervon at binigyan siya ng 'Makisama ka na lang look'

"A-ahh.. Tama si Arvin, magpahinga ka na sa taas. Mauuna na ako." sabi pa ni Morven at akmang lalabas na sana ng pinto. Pero, hinablot ko yung t-shirt niya, kahit hirap na ako sa paglakad.

"May itatanong pa ako." bulong ko sa kanya.

"magpagaling ka nalang. Tsaka mo na itanong saakin yan." sabi pa niya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa damit niya.

"a-ahh sige.. Bye!!" awkward na sabi ko at nag wave ng kamay.

Agad naman akong tumalikod Ng dahan dahan. "Paano kayo nagkakilala?" tanong ng kambal sa akin.

"Basta, wag mo ng alamin." sabi ko pa at napahawak sa pwetan ko "Ahh~ Ang sakit ng pwetan ko! Tulong naman oh!" pagiba ko ng usapan at inabot ang kamay ko sa kanila.

"Arvie, alalayan mo si ate, tatawagan ko si Mommy." sabi naman ni Arvin at dumiretso sa sala.

Agad naman akong inalalayan ni Arvie "Ate, sabihin mo na kasi!" pangungulit ni arvie.

"Mahabang kwento, basta alalayan mo nalang ako pa-akyat." sabi ko pa at humawak sa balakang ko.

Hustisya naman oh! Ang sakit eh! ㅠ_ㅠ

-----

Kasalukuyan akong naka dapa at hinihilot ni tita. "Nako, Relly ikaw talaga. Magpahinga ka muna dito okay? At huwag ka munang maghanap ng lugar para sa business mo, ako na ang bahala." sabi pa ni tita habang hinihilot ang balakang ko.

Ang sakit kaya~

"S-sige po tita-- aaaahhh!" sabi ko pa at napareklamo sa sakit.

"Sorry." mahinhin na sabi ni tita at hinilot pa ang balakang ko.

Paano na ako niyan?

Mukhang si tita nga ang maghahanap ng lugar para sa business na binabalak ko.

Pero, bakit kaya ganon?

Paano nakapasok sa loob ng bahay  si morven?

At paano ko siya natawag?

Diba, Fairy Godmother ko ang nanay niya?

"Tapos na, magpahinga ka muna okay?" sabi pa ni tita at tumayo na.

"Tita" sabi ko pa.

"Bakit?" sabi ni tita habang nililigpit ang oil na pinahid sa akin.

"Diba? Great grandmother ko si Cinderella? Edi ibig sabihin non? May Fairy Godmother ako." sabi ko pa.

"Hmmnn.. Alam ko, sinabi sa akin ng lola namin ng mama mo, Na posible iyon. Ang hindi ko lang alam, kung papaano mo matatawag ang fairy Godmother mo. Sabi ng nanay mo, nag wish lang daw siya noon. Pero, nung sinubukan ko, wala namang dumating." sabi pa ni tita.

Wish?

Hindi kaya?

"sana naman makahanap na ako ng lugar~ I wish i can find a place.."

"...I wish i can find a place.."

BELIEVE ME, OKAY?

yung wish ang may dahilan..

___________

Cinderella's Great Granddaughter (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon