CGG 11 - Find a girl

63 4 0
                                    

3RD PERSON'S POV.

Nang makarating ng mall sina Relly at Morven ay agad na silang pumunta sa Moon Bucks.

"Isa pong Iced americano and Blueberry cake." sabi ni Relly.

"Iced americano din please." sabi naman ni morven.

Agad namang binigay ang order nila at naghanap na sila ng table. Walang nagsalita sa dalawa, tanging ingay lang ng mga tao ang naririnig nila.

'Bakit nga ba ako sumama sa kanya?' sabi ni morven sa isip habang umiinom.

'ano na gagawin ko? Tutunganga? Paano ba to?' sabi naman ni Relly sa isip.

'Siguro naman, kaya ko pang magpakabait sa kanya kahit ngayon lang.' sabi pa ni morven sa isip.

"Morven, M-mahilig ka ba sa kape?" Nahihiyang sabi ni relly.

Napatingin si Morven kay Relly at tumigil sa pag-higop sa straw. "Medyo, si Phelim lang yung mahilig sa kape." sabi pa niya.

"Ahh, nga pala. K-kamusta ka na? " nahihiyang sabi ni relly at kumain ng cake.

"okay naman, Normal yung buhay ko. Walang gulo, walang problema, Peaceful." sabi pa ni morven at dumekwatro.

'So, mas gusto niya pala talagang wala ako.' sabi ni Relly sa isip.

'okay naman siguro yung sinagot ko?' tanong naman ni morven sa isip.

"Ayaw mo sigurong sinusummon kita." sabi pa ni relly na may lungkot at nakatingin sa gilid.

Napa-iling nalang si morven sa sinabi ni relly 'Hindi pa ba obvious? Bakit ko pa ba sinabi yun?' sabi pa ni morven sa isip at humigop ng kape.

"Lagi ka kasing naiinis kapag ginagawa ko yun, at saka. Hindi manlang kita napapangiti pag kasama kita, Ang sungit ba naman ng aura mo. Minsan nga naisip ko kung lalake ka ba talaga or.. Gay." sabi pa ni relly at sumubo ng cake.

Napakunot naman ang kilay ni Morven. "Gay? Sa Gwapo kong to? Gay pa talaga ang naisip mo?" inis na sabi niya.

"aba, Nagdalawang isip lang naman ako ah? Atsaka, may Bading kayang Gwapo." sabi pa ni Relly at sinubo ang huling portion ng cake.

"ano ngayon? May Lalake din namang gwapo kagaya ko." sabi pa ni Morven at inis na humigop ng kape.

"Mo? Ang hangin mo naman. grabe, Tinangay na ako sa sobrang lakas." sarcastic na sabi ni Relly.

"Tss, wala akong pake sa pagiging OA mo." inis na sabi naman ni Morven.

Napangiti nalang si Relly at natawa bigla ng walang dahilan.

Napatingin naman si Morven sa kanya ng may pagtataka. "Aba, Anong meron? Bakit ka tumatawa?" sabi pa niya.

Tumigil naman si relly at ngumiti "ang cute mo kasi eh, namiss ko lang yung kasungitan mo." sabi pa ni relly.

Namula naman si Morven sa pag appreciate ni Relly, at iniwas niya ang tingin niya. "Tss, Hindi naman kailangang tumawa ng malakas." sabi pa niya.

"Bakit? Masama?" sabi naman ni Relly.

"Mukha kang may Tama sa utak." sabi pa ni morven at nag smirk.

"Hala! OMG! nag smirk ka?" sabi ni Relly na gulat.

Kumunot naman yung kilay ni morven. "Smirk lang natuwa na." sabi pa nito.

"Bakit? At least malapit na yun sa ngiti." sabi pa ni Relly at tumawa.

"Tss, may tama ka na talaga." sabi ni morven at humigop nalang ng kape habang naka ngiti si Relly.

----------

Habang magkasama si Morven at Relly, si Phelim naman ay nasa kuwarto ng tatay niya at kasalukuyang inaalagaan ito.

"Phelim, Mag asawa ka na." biglang sabi ng dad ni phelim.

Napa-ubo ang binata "Dad? Asawa? Sure ka ba?" sabi naman ni phelim na pabiro.

"Yes, I'm sure. You're at the right age na, and you have a lot of money to survive a family." sabi pa ng dad niya.

"Dad, I'm not ready." sabi ni phelim ng may lungkot na tono.

"Well, okay? I'll gave you time to think." sabi pa ng dad niya. "But, at your birthday. I want to meet your girlfriend." dagdag pa nito.

"Dad, Next next week na yun. And I can't just grab a girl that I can date? In fact, wala pa nga akong nakakadate eh."  sabi ni phelim.

"I know you met a girl." sabi pa ng dad niya.

'A girl? Si relly ba yung tinutukoy niya?' sabi ni Phelim sa isip niya.

"Seriously dad, are you stalking me?" sabi ni phelim.

"well, medyo? Hindi mo ba alam na intouch ako sa mga Employees mo?" sabi ng dad niya

"alam mo dad? Let's just stop this topic okay? You should rest." sabi pa ni phelim at inalalayan ang dad niya.

"But I still want to meet that girl." sabi pa ng tatay nito. "kahit meet lang, please?"

__________

Cinderella's Great Granddaughter (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon