CGG 8 - Pinsan Ko

67 5 0
                                    

RELLY'S POV.

"Ayoko nga!"

"pwede ba? Tigilan mo na ako?!"

"Ano na naman?!"

"Ang kulit ng lahi mo ah!"

"HUWAG KA NG MANGEALAM SA BUHAY KO!!"

*Door closed*

Mag iisang week ko ng sinusummon si Morven. At yan? Yang nasa itaas? Yan lang naman ang sinasabi niya sa akin sa tuwing sinusummon ko siya.

Akala niya hindi ko siya titigilan? Aba! Ako na nga ang nangangailangan sa kanya eh, siya pa choosy?

Agad akong nag ayos ng sarili ko at naghandang isummon ang Morven na yon. "I wish, Morven's here." sabi ko pa.

And as expected, Nandito nga siya, sa likod ko.

"Ano? Payag ka na?" sabi ko pa at nilingon siya.

Nagtaka naman ako sa itsura niya, dahil may hawak siyang kalan.

"Pffftt-- nagluluto ka pala?" sabi ko pa na nagpipigil ng tawa.

Naka poker face lang siya sa akin. "Ano bang problema mo? Hindi ba't sinabihan na kita na huwag ka ng mangealam ng BUHAY KO? At pwede ba! Itigil mo na ang kakasummon sa akin." sabi pa niya at lumabas na ng kwarto ko.

"Oh! Kuya Morven, Anong--" rinig kong sabi ni Arvin.

"Huwag mo ng tanungin." sabi pa niya at lumabas na ng bahay.

"Ate, ikaw ah." sabi naman sa akin ni Arvin.

Bumaba naman ako ng hagdanan at lumapit kay arvin. "anong ako?" painosenteng sabi ko.

"Madalas ko yatang nakikita si kuya morven na labas pasok ng bahay, at GALING PA NG KWARTO MO." sabi pa ni Arvin na nagtataka.

Inakbayan ko naman si arvin at dinala sa sala "Alam mo arvin, Isipin mo nalang na wala kang nakita." sabi ko pa at iniwan siya sa sala.

"aalis lang ako, may pupuntahan lang." sabi ko pa at kinuha na yung bag ko at lumabas ng bahay.

Pupuntahan ko na muna yung lugar na rerentahan ko

-----

Habang tinitignan ko ang lugar ay, inoobserbahan ko na ang pwedeng design ng Coffee shop ko.

Cute siguro kung Fairytale style?

Ano kaya kung gawin kong kagaya ng Coffee prince yung theme ng coffee shop ko?

Edi ang staffs ay puro male, and dapat may Itsura sila.

Kaso, dapat may talent din sila sa paggawa ng kape.

"Hmmmnn... Sino nga ba ang pwede kong hingan ng tulong?" sabi ko nalang sa sarili ko at lumabas na ng coffee shop.

ano kaya kung manghingi ako ng tulong kay Morven?

May kilala naman siguro siya, sa totoo lang. Masarap naman yung ginawa niyang kape noon eh.

Hayy...

I susummon ko na nga, sana hindi siya busy.

"I wish, Morven's here." sabi ko pa ng nakapikit.

Agad ko namang hinanap si morven sa likod ko, Hindi ako nagkamali, nandito nga siya.

"Morven." sabi ko pa at bigla siyang humarap.

"Bakit ba ang Kulit mo? Diba sinabihan na kita na huwag na akong isummon? Ang tigas din pala ng ulo mo noh?" sabi pa niya na nakakunot ang noo.

"Gusto ko lang humingi ng tulong." sabi ko pa at nag sulk.

Huminga naman ng malalim si Morven at tumingin sa akin. "Tulong ba talaga ang hinihingi mo or Nangyayamot ka lang ng tao? Alam mo? Wala na akong panahon para pag-aksayahan ng oras yang kalokohan mo, matagal ko ng sinabi na AYOKO NG OFFER MO. AT AYOKO NG SINUSUMMON AKO. At Dinala mo pa talaga ako sa malayo." sabi pa niya at nagsimulang mag lakad palayo.

Aish! Lalake ba talaga to? Ang daldal niya masyado ah?

Pero, hinabol ko siya agad at hinawakan yung braso niya ng mahigpit.

"Morven, seryoso ako ah! Hindi na ako nag jojoke! At kung ayaw mong tanggapin ang offer ko na mag design ng coffee shop ko. Edi huwag! Hindi na kita pipilitin. Pero, sana naman may ma-suggest ka manlang na kaibigan mo or kakilala na marunong gumawa ng masarap na kape." sabi ko pa ng may sincerity.

Tinanggal naman niya yung kamay ko sa braso niya. "Magtatayo ka nalang ng Coffee shop, Hindi ka pa marunong gumawa ng kape? Anong klase yan?" sabi pa niya na nakakunot ang noo.

"Sige na morven, alam kong may kilala ka. Sa totoo lang, natikman ko yung kape mo nung pangalawang beses na sinummon kita." sabi ko pa at yumuko.

Kahihiyan..

"W-wala akong pake! Tsk!" sabi pa niya at tinignan ko siya.

Kinuha niya ang Cell phone niya at nagulat ako ng ilahad niya ang kamay niya sa akin.

"B-bakit?" sabi ko pa.

"Yung Cell phone mo. Akin na, ibibigay ko sayo ang Number ng Pinsan kong may CO-FFEE SHOP." sabi pa niya.

Agad naman akong napangiti sa tuwa. Hah! Sabi na eh! May kilala tong lalakeng to eh!

"Salamat Morven!! Haha! Yes!" sabi ko pa at nagtatatalon sa tuwa.

"Oh, Cell phone mo!" sabi niya at kinuha ko na ang cell phone ko.

"Yiee~ sabi na eh, Thank you Morven! Hulog ka ng langit!" sabi ko pa at niyakap siya ng walang malisya.

Tinulak naman niya ako agad."Ano ka? Wag ka ngang matuwa diyan! May kapalit yan!" sabi pa niya.

"Ano?" sabi ko naman.

"Don't Summon me Anymore, at WALANG. PAKIELAMANAN. NG. BU-HAY." sabi pa niya at umalis na.

Hindi ko alam pero, parang nalungkot ako ng sabihin yun ni morven.

"Ah! Morven.. B-bye.." sabi ko nalang ng mahina.

Ayaw naman niya sa makulit na katulad ko eh. At least, makakahanap na ako ng makakatulong sa akin.

Tinignan ko ang pangalan ng Pinsan niya sa Screen ng Phone ko.

"Pin-san.. ko?" pag basa ko sa pangalan sa screen ng phone ko.

Namilik mata ako sa pangalan na nakalagay sa screen ko.

Ay, wow! Ang galing ah! Yun talaga yung nakalagay?

Ang ganda ng pangalan ng pinsan niya.

Grabe, ka insulto.

___________

Cinderella's Great Granddaughter (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon