CGG 23 - Real Fairy God Mother

41 5 0
                                    

RELLY'S POV.

Habang papasok ako ng Entrance ng Party ni Phelim, ay hinanap agad ng mata ko si Morven.

Nasaan na kaya siya?

Sa dami ng taong nandito, hindi ko na alam kung nasaan ang mukha ng Morven na yun.

Nagulat ako sa Humawak sa wrist ko. "Hal-- phelim? H-happy Birthday!" sabi ko pa at yumakap kay phelim atsaka bumitaw agad.

"thanks" matipid na sabi ni phelim.

"Woah~ Hello Relly! I'm Tito Phy" gulat naman na sabi ng tatay ni phelim sa gilid.

Ngumiti naman ako "Hi T-tito Phy." sabi ko pa at nag-shake hands.

"You look more Beautiful than what I expected." sabi pa ng Tatay ni phelim "Right phelim?" sabi pa niya.

"M-mmmn, y-yes you are." sabi pa ni phelim na halatang nahihiya.

Ramdam kong nag init ang pisngi ko. " Thank you po." sabi ko pa at ngumiti.

Natawa naman si tito phy "It's so nice to meet you Relly, I'll leave you with my son for a while, May iba pa akong visitors na i-wewelcome." sabi pa ni tito phy at umalis na.

Natahimik kami ni phelim dito, dahil naghahanap ako ng gumagalang Morven sa gilid.

"Looking for someone?" tanong ni phelim.

"yup, wala ba yung pinsan mo dito?" sabi ko pa na naghahanap parin.

"Alam ko pupunta siya, pero hindi ko alam kung anong oras." sabi pa niya at tumango-tango nalang ako.

"Hihintayin ko nalang siya." sabi ko pa at umupo ng maayos sa wheel chair ko.

"Pwedeng mag-tanong?" sabi ni phelim na naka-upo naman sa harapan ko.

"sige lang, Anong tanong?" sabi ko naman.

Nakita ko namang nagbago ang expresyon ni Phelim, hindi ko maexplain pero, parang seryoso.

"May gusto ka ba sa pinsan ko?" tanong sa akin ni phelim.

"Paano pag sinabi ko---" naputol ang sasabihin ko ng dahil sa Emcee.

"HELLO EVERYONE, WELCOME TO THIS SPECIAL 22nd BIRTHDAY CELEBRATION OF OUR NEW C.E.O. OF THE COMPANY, THE SINGLE AND HANDSOME, MR. PHELIM HARVIS~" maingay na sabi ng emcee at maraming nagpalakpakan

"I'm sorry, bye!" agad na sabi ni phelim at tumakbo papuntang harap.

Napa-iling naman ako at pinaandar nalang yung wheel chair ko para mag-C.R. saglit.

Habang nag Iintroduce ang emcee sa harapan, papunta naman akong Comfort room.

Ng makapag C.R. na ako ay nagulat nalang ako bigla sa pangyayaring nang bulabog sa akin.

Bigla akong nabuhusan ng tsaa ng isa sa mga Bisitang guests na nandito, na muntik ng madapa. Napa ''Aray'' naman ako sa init na natapon sa akin.

"Oh my, I'm sorry.." sabi nung babaeng parang kasing edaran ng nanay ko at pinahiran niya ako ng panyo.

ㅠ_ㅠ  ang init~

"Thank you po." sabi ko nalang at ngumiti "are you okay po?"

Napangiti naman ang babae. "yeah, I'm fine. But you are not, Nabasa ka na iha, Halika, let me help you." sabi pa ng babae at tinulak niya ang wheel chair ko papasok ng C.R.

Lumingon-lingon ang babae sa paligid at Nagulat nalang ako ng biglang maglabas ng wand ang babae. "Sshhh.." sabi pa niya na naka hand sign.

"Biboodee Babeedii Boo~" sabi ng babae at nag wave ng wand sa akin.

Nagulat ako dahil nagbago ang suot ko at agad namang gumaling ang Pilay ko, nakatayo na akong muli at nakakalakad na.

Naging green din ang suot ko, at naging green din ang glass slipper ko.

Ang ganda~

"No need to thank me Relly, Isa lang akong ninang na may pagkukulang." sabi pa nito at bigla akong niyakap. "I know, you'll choose that man in your heart, and i know him from the start." sabi pa nito at bumitiw sa yakap.

"Relly, This is my only time. And you won't see me anymore, I just came here to do my Fairy God Mother Duties. But Just like Cindy, that transformation will only last until 12:00mn, but if you picked the right man, It will be permanent." dagdag pa niya na may ngiti.

"I have to go. I love you dear, and please tell my son, I love him so much and I'm so sorry." sabi pa nito at agad na naglaho at bumagsak ang wand na hawak niya kanina.

"wait!" sabi ko pero huli na.

Nangitim ang wand at nawarak na parang abo ng akmang kunin ko sana.

Siya nga siguro ang nanay ni Morven. Kailangan kong mahanap si morven dito.

Agad akong lumabas para hanapin si morven sa buong venue, pero wala akong makita.

"here you are!" nagulat ako sa isang pamilyar na boses "Relly, you should come inside and have a dance." sabi pa ni tito phy at sinamahan ako sa loob ng venue.

Ng makapasok ako, ay nagulat ako dahil binigyan ako ni tito phy ng mask. "Here, put it on and go at the front." sabi pa ni tito at isinuot ko naman ang mask.

Dahan dahan akong nakisama sa kapwa ko dalagang nasa harapan din.

"So, Our Birthday Celebrant will choose his lady, to dance with." sabi naman ng Emcee

Sasayaw?

"Hala~ Makakasayaw ba natin si phelim?" bulong ng isang babae na naka blue, malapit sa akin.

"Sana makasayaw ko siya." sabi naman ng babaeng nakapink sa gilid ko din.

Huminga nalang ako ng malalim habang tinitignan si phelim na naglalakad.

"Okay, I think our Celebrant  spotted his lucky Lady tonight." sabi pa ng Emcee

Napayuko naman ako ng bahagya ng makita kong papalapit si phelim sa pwesto ko.

Teka? Alam niya bang ako tong pinupuntahan niya?

"To the Lady in Green Dress? May our celebrant have you as his Dance Partner?" nagulat ako sa sinabi ng emcee at napatingin kay phelim na nakatayo sa harap ko at nakalahad ang kamay.

Kinuha ko naman ang kamay niya at lumapit sa kanya.

"and now, Ms. Lady in Green Accepted the Invitation." sabi ng emcee "music please?"

Sa pag-tugtog ng music, may spot light na tumutok saming dalawa ni phelim, kaming dalawa lang ang sumasayaw at ang ibang babae ay nasa gilid lang.

Naalala ko ang kuwento ni Cinderella, halos ganito din siya.

Pero, Kahit kasayaw ko ang prinsipe, Ang Fairy naman ang nasa isip ko.


Morven.. Nasaan ka na ba?

__________

Cinderella's Great Granddaughter (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon