CGG 10 - Coffee?

74 4 0
                                    

RELLY'S POV.

After 3 weeks..

At sa wakas, natuto na din akong gumawa ng kape. Pero, hindi parin ako ganun ka expert.

"ganyan lang kadali yon." sabi ni phelim habang tinuturuan ako.

Medyo close na din pala kami ni phelim, friends ang turingan namin sa isa't-isa.

"ahh, nagegets ko na." sabi ko pa habang abala sa pag explore sa Coffee machine ko.

Yes, coffee machine ko. Last week kasi natapos gawin yung shop ko kaya, nakabili na ako agad ng appliances at gamit.

"Ayan, tama na yan, Patikim nga." sabi pa ni phelim.

Binigay ko naman ang kape at tinikman niya iyon. "Masarap?" sabi ko.

"Medyo kulang sa tamis. pero at least, na gets mo na kung paano gawin." sabi pa niya.

"nako, thank you talaga sa pagtulong mo Phelim." sabi ko pa.

"no problem, pero? bakit mo ba gustong magtayo ng coffee shop? Eh, hindi ka rin naman marunong gumawa ng kape?" sabi pa niya at natawa ng kaunti.

"gusto ko kasing ituloy yung business ng magulang ko." sabi ko "eh ikaw? Bakit ka nagtayo ng coffee shop?"

"hmmn.. yun kasi ang Last will ni Dad." sabi pa ni phelim at humigop ng kape.

"ouch, pareho lang pala tayong namatayan." sabi ko pa.

Napatawa naman si Phelim sa akin. "Hindi, buhay pa ang dad ko. Pero, may sakit siya at Gusto kong pasayahin si dad." sabi pa ni phelim at humigop ng kape. "ang nanay ko lang ang namatay na, since I was born." sabi pa niya.

"ang saklap naman ng buhay mo." sabi ko pa

Nginitian niya naman ako "Medyo, pero kahit ganon, kaya parin ng isang tao na maging masaya." sabi pa niya at ngumiti.

"Sa bagay, may point ka rin." sabi ko naman at ngumiti.

"Ikaw? Ano nangyari sa magulang mo?" sabi naman ni Phelim.

"mm..namatay sa car accident, 7 months ago.."sabi ko nalang.

"oh, how sad. I'm sorry to hear that." sabi pa niya at humigop ng kape.

*Door Opens*

Napatingin kami sa biglang pagbukas ng pinto.

At nagulat ako sa pagpasok ng isang taong hindi ko expected na pumasok.

"Morven?" sabi ko na hindi makapaniwala.

Nakakamiss din pala yung mukha niyang naka poker face. Pero, mukhang nag-aalala siya ngayon.

Tinignan lang niya ako na parang hindi ako kilala at agad na tumingin kay Phelim "Phelim, si tito inatake na naman ng high blood." sabi pa niya kay phelim.

Nagulat naman si phelim at napalitan ng takot ang ekspresyon ng mukha niya.

Agad niyang kinuha ang phone niya at inilagay ito sa bulsa "I'm sorry Relly I need to go, Morven, ikaw na bahala kay Relly." sabi niya at nginitian si morven at dali-daling lumabas.

So what now?

Ng mawala na si Phelim ng tuluyan ay napatingin ako kay morven.

Pero bakit ganito?

Ng magtama ang tingin namin ay biglang tumibok ng mabilis yung puso ko.

Hindi kaya?

HALA?! BAKIT GANON?

"Wag ka ngang tumitig ng parang galit diyan, Inaano ba kita?" sabi niya na nakapagpatino sa akin.

Ramdam kong naginit ang pisngi ko, kaya hindi ako nagsalita at iniwas nalang ang tingin ko.

Pero yung puso ko..

Kumakabog  ㅠ_ㅠ

"Babae." nagulat ako sa pagtawag sa akin ni morven.

Tumingin ako ng nakakunot ang noo. "Hindi ka parin nagbabago, Relly pangalan ko." sabi ko nalang.

"Okay, Re-lly. Sabi ni phelim aralin mo nalang yung ibang Books na binigay niya sayo. Kaya mo na naman daw gumawa ng kape. Kaya, hindi ka na niya tuturuan." sabi niya na may binabasa sa phone.

I think, katext niya si phelim.

"Okay, no problem." sabi ko pa at ngumiti.

Napabuntong hininga naman si Morven at akmang aalis na sana, pero tinawag ko siya.

"Lalake!" sabi ko pa.

napalingon siya na naka kunot ang kilay. "Excuse me, Morven po ang pangalan ko." sabi pa niya.

Naks, may po.

Napatawa naman ako ng konti bago mag salita. "Ano, T-tara? Treat kita ng kape." sabi ko pa ng may ngiti.

Hindi ko alam bakit ko nasabi yun. pero, Namiss ko kasi siya kaya ko siguro nasabi yun.

Halatang nagtataka pa siya sa sinabi ko, kaya hindi makasagot.

Agad kong kinuha ang gamit ko at hinila ang wrist niya. "Wag ka ng mag sungit, Lilibre kita sa Moon Bucks." sabi ko pa at hinayaan nalang niya ako.

"Siguraduhin mo lang na walang lason yang kapeng ipapainom mo sa akin." sabi pa niya.

"wala ka bang tiwala sa akin? Ano ako? Mangkukulam?" sabi ko pa habang hila ko siya.

"Abnormal." sabi pa niya at bumitaw sa hila ko.

Hinarap ko naman siya. "Hala, choosy pa? Ililibre na nga." sabi ko pa.

"Sakay." sabi niya sa akin at tinuro yung kotse niya.

"Malapit lang yun." sabi ko pa at medyo natawa.

Tinaasan niya lang ako ng dalawang kilay at nilagay ang kamay niya sa bulsa niya.

"Doon oh!" sabi ko pa at tinuro yung katapat ng coffe shop ko na mall.

"Tss, Hindi pa sinabi agad, Bilisan mo." sabi pa niya at naglakad na.

__________

Cinderella's Great Granddaughter (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon