RELLY'S POV.
Inabot ako ng isang araw para lang maibalik ang dilaw na mug ni Morven.
At eto ako, nasa tapat ng Gate niyang Dilaw.
Yung totoo?
Mahilig ba siya sa Dilaw? Ang tingkad tingkad kaya?
"Tao po!" sigaw ko sa labas ng bahay niya.
"Tao po!!" tawag ko pa ulit.
Nako, pag ako inabot ng ilang araw dito kakasigaw sa labas. I susummon ko talaga tong morven na to.
"Tao po!!" sabi ko pa at kinatok ang gate. pero, biglang nabuksan ito.
Hindi naka lock? Aba! Pasalamat siya, Hindi ako magnanakaw.
Agad naman akong naglakad papasok at tumapat sa pintuan ng bahay niya.
"Morven? Nandiyan ka ba?" tawag ko sa labas ng bahay niya habang kumakatok sa Brown niyang pinto.
"Tao po!" sabi ko pa at kumatok pa ulit.
Nako, huwag mong sabihin na pati yung pinto eh..
Pinihit ko ang door knob niya at nagulat nalang ako dahil bukas nga ito.
"Ay, wow! Pasalamat talaga siya at hindi ako magnanakaw." sabi ko pa at dahan dahang pumasok sa loob ng bahay niya.
Woah~
Napanganga ako sa itsura ng sala niya. "Simple, pero ang ganda ng design.." sabi ko pa.
"Ang ganda naman dito. ╥﹏╥" sabi ko pa at inikot ikot ang tingin ko sa bahay niya.
Lalake ba talaga siya?
Grabe ang ganda dito..
"Sino ka?!" nagulat naman ako sa sigaw ni morven sa likod.
Dahan dahan akong humarap at nagtaas ng kamay.
Nanlaki ang mata ni Morven at kumunot ang noo niya "Anong ginagawa mo dito?!" galit na sabi niya.
"E-eto, yung baso mo naiwan. I-isasauli ko sana, ayan oh." sabi ko pa at inabot na ang mug sa kanya.
"Grabe, ibabalik lang yung mug, Nag trespassing pa talaga." sabi pa niya at kinuha na yung mug niya.
"Sorry ah! Hindi ko s--" naputol ang pagsasalita ko dahil sa tunog ng cell phone ko.
*RING.. RING.. RING.. RING.. RING.. RING.. RING.. RING.. RING..*
Agad ko namang kinapa kapa ang shorts ko.
*RING.. RING.. RING.. RING.. RING.. RING.. RING..*
"sagutin mo yung tawag ang ingay eh." sabi naman ni Morven.
"Hindi ko makuha yung phone ko-- ayan! Shhh.." sabi ko pa at sinagot na ang tawag.
"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.
(Hello? Si Ms. Relly Cinder po ba ito?) sabi ng kabilang linya.
"opo, ako nga po. Sino po sila?" sabi ko pa.
(Ahh.. Ako po si Abby, yung hinire niyo po na Interior designer? I-cacancel ko po pala yung offer niyo, gawa po ng busy ako, sana po okay lang sa inyo.) sabi pa niya.
"Ahh.. Ganun ba? Okay lang, maghahanap nalang ako ng ibang designer, Salamat." sabi ko pa at inend ang Call.
Napabuntong hininga naman ako, at napatingin kay Morven.
"Labas!" sabi pa niya at tinuro ang pintuan.
Napa sulk nalang ako "Teka nga, May kilala ka bang kayang mag design ng coffee shop ko?" sabi ko pa.
Napataas naman yung dalawa niyang kilay "Wala, maghanap ka nalang doon!" sabi niya pa at tinulak ako papalabas.
"Wait! Sino ba nagdesign sa Bahay mo?" sabi ko pa habang tinutulak niya.
"Ako." sabi niya at hinawakan na ang pinto.
"Pwede ba---" magtatanong pa sana ako, kaso pinutol niya.
"HINDI!" sabi niya at sinarahan ako ng pintuan.
Bastos! Mag-aalok na nga ng offer eh!
"SIGE NA MORVEN! TATAASAN KO ANG BAYAD~" sigaw ko pa at pagkatok sa pintuan.
Bigla naman itong bumukas at nakita ko si Morven na may wand na hawak.
Kumunot ang noo niya at winave ang wand at tinapat sa akin.
"Bye!" sabi niya at nagulat nalang ako dahil nandito na ako sa kwarto ko.
"Aish!! Tignan natin kung sinong hindi tatanggap ng offer." sabi ko pa
Nasa akin kaya ang alas!
Humanda ka MORVEN!
___________
BINABASA MO ANG
Cinderella's Great Granddaughter (EDITING)
Historia CortaThis book is a Love Story About Relly Cinder. Ang Great Great Great Great Granddaughter ni Cinderella. Unlike her Grandmother Cinderella, her story is way different than her Grandmother. Sabihin na nating hindi mawawala ang hiwaga sa Love Story ni...