'His love make him in Trouble,
But her love will end that Trouble'3RD PERSON'S POV.
10:27pm, nang makarating Sina Relly at Phelim sa Hospital kung saan dinala si Morven.
Agad na hinanap ni Relly ang kuwarto ni morven.
At mabilis nilang binuksan ang pinto ng kuwarto ni morven. Nakita nila ang binata sa loob ng malaking kuwartong may puting ding-ding na nakahiga sa isang puting kama na walang malay.Hindi makapaniwala si Relly sa kanyang nakikita. Ang Morven na inaway at inasar niya ay nasa hospital ngayon at walang malay.
"Morven?" tanong ng dalaga na umiiyak na ng sobra.
Nang makita ng dalaga ang maamong mukha ng binata ay maslalo siyang naiyak.
Dahan dahan naman niya itong niyakap. "Bad trip ka, hindi mo man lang ako sinundo kanina? Ang ganda kaya ng suot ko, tapos magugulat nalang ako na hindi pala ikaw ang susundo sa akin?" pag iyak ni Relly
Lalo pa nitong hinigpitan ang yakap kay Morven, habang bumubuhos ang luha niya. "Morven naman eh, Huwag ka ngang mang-iwan. Hindi pa nga ako nakakaamin na may gusto ako sayo eh, tapos malalaman ko pa sa iba na May feelings ka pala sa akin? Hindi mo man lang ba sasabihin sa akin sa personal na may gusto ka rin pala sa akin? Ang daya-daya mo?" maslalong pumatak ang luha ng dalaga.
"Ang daya-daya mo.." at diyan, humagulgol ng sobra si Relly.
Hindi nagtagal ay tumigil na din ang pag-iyak ni Relly, ngunit nabalot ng sobrang katahimikan ang buong kuwarto.
"Relly, Magkape ka muna." sabi pa ni Phelim na inaalok si relly ng kapeng hawak.
Umiling naman ito at nanatiling nakahawak sa kamay ni Morven na walang malay.
"Relly, magigising din si morves, babalikan na niyan." sabi naman ni phelim na positive lang.
Ngunit kahit anong sabihin nito ay nabalot na ng kalungkutan ang damdamin ng dalaga.
RELLY'S POV.
11:59pm na at isang minuto nalang tatagal ang magic na ginawa ng Fairy God Mother ko.
Naisip ko bigla, paano kaya yung mag wish ako na magising na si Morven? Or magpalit nalang kami ng kalagayan?
Matutupad pa kaya yun?
Ilang seconds nalang at mag 12:00mn na.
Agad ko namang hinawakan ang dalawang kamay ni Morven at isinuot ko ang Sing-sing na binigay ni Phelim kanina.
"Relly, This is my only time. And you won't see me anymore, I just came here to do my Fairy God Mother Duties. But Just like Cindy, that transformation will only last until 12:00mn, but if you picked the right man, It will be permanent."
"... but if you picked the right man, It will be permanent."
Huminga ako ng malalim bago mag wish, sana gumana.
"I choose our happy ending Morven.." sabi ko nalang at hinigpitan ang hawak ko kay morven.
"I love you, and I can't see you like this. I wish na sana ako nalang ang naaksidente at hindi ikaw." sabi ko pa at nag-abang ng sunod na mangyayari.
Narinig ko ang pagtunog ng kamay ng orasan at saktong 12:00mn na.
Hanggang sa mag 12:01 na pero wala paring nagbabago sa sitwasyon ko.
BINABASA MO ANG
Cinderella's Great Granddaughter (EDITING)
ContoThis book is a Love Story About Relly Cinder. Ang Great Great Great Great Granddaughter ni Cinderella. Unlike her Grandmother Cinderella, her story is way different than her Grandmother. Sabihin na nating hindi mawawala ang hiwaga sa Love Story ni...