RELLY'S POV.
Ayun nga, since naka graduate na ako, magtatayo na ako ng business.
Pero, ang sabi ni tita. Ako na daw ang bahala sa buhay ko.
Since, adult na naman daw ako. Papayagan na rin daw niya akong tumira ng mag-isa.
Pero, ako tong may ayaw. Kaya, dito parin ako sa tita ko nakatira.
"sa tingin ko? Puwede akong magtanong sa lugar na to." sabi ko sa sarili ko ng may makita akong lugar kung saan puwedeng magtayo ng coffee shop.
-----
"May nakakuha na po eh.." sabi ng may ari.
"ahh, sige po. Salamat" sabi ko nalang at umalis na doon.
Pang anim na lugar ko na yan eh! Nakakainis naman.
Last na to, paghindi pa ako nakahanap ng pwesto sa Mall na to nako. Ewan ko nalang!
Pumasok na ako sa mall, at naghanap ng isang staff.
At base, sa staff na natanungan ko. Puwede pa daw magpatayo ng Pwesto dito.
Pero, akala ko lang yun..
"Sorry, wala na eh." sabi ng C.E.O. nung Mall.
"ahhh.. Salamat" sabi ko nalang at lumabas na ng office niya.
Sinungaling na STAFF!
agad na akong umuwi ng bahay na malungkot ang mukha.
"Oh? Ate, nakahalumbaba ka yata diyan?" sabi ni Arvin at sinalinan ako ng Gatas sa baso.
Sa dalawang kambal, Si arvin ang sweet at close ko na ngayon.
Si Arvie kasi ang medyo, pilyo at may pagkasungit sa kanilang dalawa.
"wala akong nahanap na lugar eh." sabi ko pa at ininom ang gatas.
"Nako, makakahanap ka rin ate." sabi pa niya at uminom din ng gatas niya.
"aakyat lang muna ako Arvin." sabi ko at umakyat na ng hagdan.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay doon ko nalang tinuloy ang paghahanap ng lugar.
Naghanap ako online, at naghanap din ako ng macocontact na kaibigan ko.
Pero, wala talaga akong makita..
Napahinga ako ng malalim at humiga sa higaan ko. "sana naman makahanap na ako ng lugar~ I wish i can find a place.." sabi ko pa at nagtalukbong ng unan sa ulo.
Ipinikit ko nalang ang mata ko dahil nakakalungkot lang.
Bumuntong hininga nalang ulit ako at tinanggal ang unan sa ulo ko.
Tumayo nalang ako at kukunin sana ang Cellphone ko sa desk ko. Kaso, nagulat ako sa nakita kong lalake sa loob ng kwarto ko.
Titili sana ako pero, tinakpan na niya agad ang bibig ko. "Shhh... R-relly, huwag kang maingay. H-hindi ako kriminal. Tatanggalin ko ang kamay ko kung hindi ka sisigaw. Okay?" sabi pa niya at tumango ako.
Dahan dahan niyang tinanggal ang kamay niya at hinarap ko siya.
"Sino ka? bakit mo ako kilala? At anong ginagawa mo sa kwarto ko? Paano ka nakapasok dito?" sunod sunod na tanong ko.
"Ako si Morven at ikaw ang nagdala sa akin dito sa kwarto mo." sabi pa niya.
"Ako? At bakit naman ako? Ni hindi nga kita ki-- teka? Namumukhaan kita." sabi ko pa at nilapitan siya hanggang sa masandal siya sa pinto.
"Morven.. Narinig ko na yon eh.." sabi ko pa at kinulong si Morven ng dalawa kong braso.
Yung kapit bahay namin?
S-siya yun?
Agad naman akong napalayo sa kanya. "Ikaw yun! Yung kapit bahay namin! S-sino ka ba talaga ha?" sabi ko sa kanya.
Bumuntong hininga siya at napahawak sa sintido niya at umiling iling tsaka niya ako hinarap.
"hindi ka maniniwala sa itatanong ko pero, Kaano ano ka ba ni Cinderella?" sabi pa niya.
Nagulat naman ako sa tanong niya. Paano niya nalaman? Sino ba to? Alien?
"L-Lola ko siya. B-believe me, Okay?" sabi ko pa sa kanya.
Pero, hindi siya tumawa. NANINIWALA SIYA?!
Heol..
"Sabi na eh, bakit ba ibinigay pa sa akin ni lola tong misyon ng nanay ko? Aish!" sabi pa niya ng pabulong.
Lola niya? Misyon ng nanay niya?
"T-teka? Naniniwala ka sa akin Morven?" tanong ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin ng nakakunot ang noo at nag cross arms.
"Oo, at hindi ko ginustong maging tagapagtanggol ng GREAT GRANDDAUGHTER NI CINDERELLA." sabi pa niya na may iritang tono sa boses niya.
T-tagapag tanggol?
Kung si Cinderella ay may prince charming, hindi kaya?
"Ikaw ba ang Fairy Godmother ko?" childish na tanong ko sa kanya.
Maslalong kumunot ang noo niya.
Hindi ba siya?
__________
~Awetor Neosagi
Nasa Multimedia po ang Fictional Character ni Arvin, and Identical twins po sila ni Arvie.
BINABASA MO ANG
Cinderella's Great Granddaughter (EDITING)
Short StoryThis book is a Love Story About Relly Cinder. Ang Great Great Great Great Granddaughter ni Cinderella. Unlike her Grandmother Cinderella, her story is way different than her Grandmother. Sabihin na nating hindi mawawala ang hiwaga sa Love Story ni...