CGG 1 - HANDSOME NEIGHBOR

153 8 0
                                    

{RELLY'S POV}

Kasalukuyan akong naglilinis ng kusina ng bigla akong tawagin ng aking stepmother.

ESTE, TITA KO.

Iniisip niyo sigurong hindi mabait ang tita ko sa akin noh?

Well, mali kayo. She's an Angel at Parang nanay ko na siya, She's the only one na nag-alaga sa akin simula noong mag 9 years old ako. Dahil sa business na inaasikaso nang magulang ko sa England.

"Relly?" pag tawag ng mahinhin kong tita sa akin.

"Nandito po ako tita." sabi ko pa habang kinukuskos ang lababo.

Narinig ko naman ang yapak ni tita na papalapit. "Naku! batang to. Tama na nga iyang paglilinis mo diyan. mag a-apat na oras ka na diyan sa paglilinis ng lababo. Kumikintab na nga oh." sabi pa niya.

Lababo lang ba nilinisan ko? Buong kusina kaya.

"Buong kusina po ang nilinisan ko." sabi ko pa at nagkuskos pa ulit.

Hinablot naman ni Tita ang Sponge na hawak ko at iniharap ako sa kanya. "Relly, Huwag ka ng magtampo sa dalawang anak ko, Sige na. Please?" sabi pa ni tita.

Well, you Read it right. Since apo nga ako ni Cinderella, hindi na mawawala ang Role ng Dalawa niyang Bratinellang Step-sisters.

Pero dahil hindi naman ako ang Lola ko, Naging TWO ANNOYING COUSINS ang dapat na step-sisters ng buhay ko.

Huminga ako ng malalim at tumingin kay tita. " Sige na po tita. Patatawarin ko na yung kambal." sabi ko pa.

Agad kong hinanap ang dalawa at malayo palang ay na ririnig ko na ang usapan nila. Sumilip ako ng bahagya sa pader at tinitignan silang nakaluhod sa sahig.

"Ikaw kasi eh, bakit mo ginupit yung picture ni ate Relly? Napagalitan tuloy tayo." sabi ni Arvie na inis na inis sa kapatid.

Oo, tama kayo. Lalake sila. At
Sila ang kambal na pinsan kong 13 years old.

"Eh, aksidente lang naman talaga iyon eh, at saka hindi naman ako pina explain ni ate Relly" sabi pa ni Arvin na nakayuko.

Naawa naman ako sa dalawa, kaya dahan-dahan akong pumunta sa kanila.

"Kayong dalawa. Tumingin nga kayo sa akin." sabi ko na may seryosong tono.

Napalingon silang dalawa sa akin at niyakap ang binti ko.

"Ate Relly! Sorry!!" sabay nilang sabi at nagmakaawa.

Napabuga naman ako ng hangin sa ginawa nilang dalawa "Kayo talaga, tumayo na nga kayo diyan. At wag na kayong mag alala, narinig ko na ang lahat at pinapatawad ko na kayo." sabi ko pa at tumayo na nga ang dalawa.

Niyakap nila ako ng sobrang higpit. "Thank you ate Relly!!" sabi nilang pareho at niyakap ko rin sila.

Nang matapos ang pagbabati namin ay naging normal na ulit ang mga pangyayari.

Maaga akong nagising para makapag handa ng gamit ko sa School.

College na ako, at mag gagraduate na din ako This year. Kaya nag-iisip na rin ako ng magiging trabaho ko.

Nang matapos kaming mag almusal at mag prepare ay sabay sabay na kaming umalis ng bahay.

Napatingin naman ako sa katapat naming bahay.

May Tao? Bagong lipat?

"Sino naman kaya ang bagong lipat diyan sa tapat?" tanong ni tita sa amin.

"Nako, nakita namin kung sino." sabi ni Arvie.

"Sino?" curious na sabi ko.

"Gwapo siya ate Relly at parang kasing edad mo lang." sabi pa ni Arvin.

Yun talaga ang unang sabi eh noh?

"Ah, Share niyo lang?" sabi ko na may pagka sarcastic.

"Tingnan mo sabi na eh, ganyan ang magiging reaction ni ate." sabi pa ni Arvie.

"Kayong dalawa talaga." sabi ko pa at nag cling ng braso ko sa mga leeg nila.

"A-ahh! Ate Relly!" sabi pa nilang dalawa.

"Kayong tatlo, itigil niyo na 'yan." sabi pa ni Tita at nagsimulang mag drive.

Tinigil ko din naman ang paghawak sa leeg nila.

At napatingin nalang sa bahay na katapat namin sa Labas.

Siya ba yun?

"Ayun! Ayun yung kapit bahay natin!" sabi pa ni Arvin.

Inilayo ko nalang ang tingin ko at nag cross-arms ng makita ko ang hitsura ng bago naming kapitbahay.

Hindi ko maitatanggi, gwapo nga siya.

___________

~Awetor Neosagi

Nasa multimedia po ang Fictional character ni Relly.

Cinderella's Great Granddaughter (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon