CGG 20 - Girl na Friend

47 4 0
                                    

RELLY'S POV.

Tahimik na tinutulak ni morven yung wheel chair ko pauwi ng bahay.

Naawa kami kay Rimie, hindi man namin kilala ng lubos yung bata. Pero, Grabe din yung nakita namin.


"Morven" tawag ko sa kanya.


"Ano?" tipid naman na sabi niya.


"Gusto kong tulungan yung bata, battered child na siya eh." sabi ko pa.

Nakita namin ng harap-harapan na pinapalo si Rimie ng dahil sa amin.

Narinig naming sumigaw ang tatay niya na 'Huwag ka nga dibang makipag Usap sa ibang tao?!' at saka siya pinalo ng Kahoy ng paulit-ulit.

Pupunta na sana ako sakanila, pero nakita ako ng tatay at humugot siya ng baril. Atsaka niya pinapasok ang bata sa bahay.

Kuwawang Rimie..

"Gusto ko mang tulungan yung bata, wala na tayong magagawa doon. Bago pa lang niya tayong nakilala, wala tayong karapatan." sabi pa ni Morven.


"Irereport ko yung tatay niya sa baranggay bukas." galit na sabi ko.


-Kinabukasan-

Agad akong nag-ayos at umupo ng wheel chair, para pumunta ng baranggay.

Nang makalabas na ako ng Pintuan ng bahay namin ay nakita ko si morven sa garahe niya.

At mukhang nakita niya din ako. "Relly, kung itutuloy mo yung sinabi mo kagabi, huwag kan--" pinutol ko ang sasabihin niya.


"seryoso ako morven, hindi makatao yung ginawa ng tatay nung bata." sabi ko pa at nagsimulang gulungin yung gulong ng wheel chair ko.

"Hindi pa ako tapos." sabi niya pa at tumayo ng upuan niya. "Huwag kang aalis ng wala ako." seryosong sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya at medyo nahiya, iniwas ko nalang yung tingin ko at sinabing "sige, samahan mo na ako."

Hindi nagtagal ay nakarating na kami ng Baranggay at naireport na namin yung nangyari kay Rimie.


Pero, Huli na ang lahat.


"Rimie ba kamo ang pangalan nung bata?" sabi ng Baranggay Captain.


"Opo." sabi ni Morven


"pasensya na kayo, pero may nabangga kasing Bata kaninang madaling araw malapit sa tawiran ng Village, At nakita naming anak siya noong Darren Song, na hindi biological father noong bata." sabi pa nung baranggay captain

"So, ano po ang ibig niyong sabihin?" sabi ko pa.


"Patay na Si Rimie Tzuki, at siya yung batang namatay kaninang umaga." sabi pa ni kuyang baranggay captain.


Nagulat kami ni Morven sa narinig namin. Ngayon pa naman ang birthday nung bata.


Kuwawa naman siya.


"Let's just go home." sabi nalang ni Morven na may lungkot.


"Ang cute pa naman nung bata." sabi ko pa


"let's just move-on. Masaya na siguro si Rimie sa lugar na pupuntahan niya" sabi pa ni Morven.


"oo nga, hindi ko manlang nabati ng happy birthday kahapon." sabi ko pa.


"Abnormal ka kasi" sabi pa ni morven.


"ako pa yung abnormal? Eh, sino ba yung malapad ang ngiti kahapon?" sabi ko pa na nirerecall yung nangyari kahapon.


"Tss, I just find the kid cute. Kailangan lahat napapansin?" sabi pa ni morven sa akin.

"Eh, napansin ko eh." sabi ko pa at ngumiti.


Napabuntong hininga nalang si Morven at napa-iling.

Bigla kong naisip na, nagkakasundo na pala kami ni Morven ng hindi namin napapansin.

"Friends na tayo diba Morves?" sabi ko pa at ngumiti.

"Only My Close friends calls me morves." sabi pa niya na umiiling.


"Edi, yan." sabi ko naman at nilapit ang wheel chair ko kay morven. "Close Friends na tayo?" sabi ko pa na may ngiting pang-asar.


Napatawa naman siya ng konti. "Ang Corny ng joke mo." sabi niya at tinulak ako.


"Sus, Havey kaya. Ngumiti ka eh." sabi ko pa at nginitian siya.


"Fine, It's not bad to have one Close Girl na Friend." sabi pa niya at ngumiti.


Napangiti na din ako sa kanya Na may halong pagka kilig.

Is this Real?

__________

Cinderella's Great Granddaughter (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon