RELLY'S POV.
After 7 months...
Kauuwi lang namin ni tita galing ng England, kinuha na kasi namin ang Iniwang mana ni Mama at Papa sa akin.
Doon na rin sila naka-cremate sa England. Hindi ko na dinala ang abo nila, dahil baka malungkot lang ako.
Since Graduation ko na next week, gagamitin ko nalang ang perang iniwan nila sa akin pang Business.
Wala na kasi akong tuition na kailangang bayaran.
Magpapatayo ako ng Coffee Shop. At doon, tutulungan ako ni tita na magpalago ng business.
Pero, Nagpaplano palang ako.
"Relly, okay ka na ba?" tanong sa akin ni tita at tumango nalang ako.
"Malapit na tayo sa bahay." sabi pa niya at iniliko na ang kotse sa street kung saan malapit ang bahay namin.
"Tara na, We're here." sabi pa ni tita at binuksan ang gate ng bahay at ipinark na ang kotse.
Hindi nagtagal ay, pumasok na kami sa loob ng bahay.
"Arvie? Arvin?" tawag ni tita sa kambal.
"Carley nandito ka na pala, tulog pa yung dalawa mong anak." sabi ng sister in law ni tita na si Tita kate. "Kamusta?" sabi pa niya
"Nako, medyo nahirapan kaming pumunta sa England pero, naayos din naman" sabi pa ni tita "ay, nga pala. May pasalubong ako sayo." sabi pa ni tita at ibinigay ang pabango kay tita kate.
"nag-abala ka pa, pero salamat. Nga pala Relly, nakikiramay ako" sabi pa ni tita kate at tumango nalang ako.
"Paano ba yan, sakto lang din na pinapatawag ako sa opisina. Deretso na ako pauwi ng bahay namin. Huwag ka ng mag abalang bayaran ako Carley, kahit alam kong namatay na ang kapatid ko. Parte ka parin ng pamilya namin. O'sya, sige na at baka ma late na ako. Bye Carley! Bye din Relly" sabi pa ni tita kate
"Bye ate~ salamat!" sabi pa ni tita at nakiwave na rin ako ng kamay.
"Tita, aakyat na po muna ako." sabi ko pa at tumango nalang si Tita.
-----
Lumipas ang ilang araw at Mag G-graduate na ako, hinanda ko na ang susuotin ko at nag make-up.
Nang matapos na ako ay bumaba na ako ng kwarto ko.
"Tara na?" tanong ni tita at ngumiti sa akin.
"sige po" sabi ko pa at sumabay na kay tita palabas ng bahay.
"Arvie, Arvin. Tara na, aalis pa tayo." tawag ni tita sa kambal na nasa labas.
"ang ganda mo ate." sabi ni Arvin at ngumiti.
"baka joke lang yan?" sabi ko pa at medyo ngumiti.
Kahit papaano. Medyo, natatanggap ko ng wala na akong magulang. Pero, may pamilya parin ako.
"Napangiti ka rin namin ni Arvin, sus! Yun lang pala sagot eh." sabi pa ni Arvie.
"Ay wow arvie ah. Grabe, si arvin lang kaya nagpangiti sa akin." sabi ko pa at sumakay na ng kotse.
"Plano namin yun." sabi pa ni Arvin.
"Oh, Ano?" mayabang na sabi ni Arvie.
"Ikaw talaga!" sabi ko pa at nagkunwaring papaluin si Arvie.
"Kayong tatlo, tama na yan. Aalis na tayo" sabi pa ni tita at nagsi-ayusan na sila ng upo.
-----
Nang matapos na ang Graduation ay kumain kami nila tita sa isang Restaurant.
"Congratulations!" bati sa akin ni Tita at ng Kambal.
"wow, thank you! And thank you ulit kasi, nanatili kayo sa tabi ko bilang pamilya ko." sabi ko pa at ngumiti.
"Oh! Napangiti ka na namin ah? Kasama ako dun!" sabi pa ni arvie at nagtawanan kami.
"oo na lang." sabi ko pa at ngumiti.
Masaya na ako, dahil may pamilya parin ako.
At thankful ako doon.
Ano naman kaya ang mangyayari sa buhay ko ngayon?
Eh, kung tutuusin. Ibang iba ang kwento ng buhay ko sa kwento ng lola ko.
Magagaya din kaya ako sa lola ko?
But BELIEVE ME, OKAY? the story was just starting.
__________~Awetor Neosagi
Nasa multimedia po ang Fictional character ni Arvie.
BINABASA MO ANG
Cinderella's Great Granddaughter (EDITING)
Short StoryThis book is a Love Story About Relly Cinder. Ang Great Great Great Great Granddaughter ni Cinderella. Unlike her Grandmother Cinderella, her story is way different than her Grandmother. Sabihin na nating hindi mawawala ang hiwaga sa Love Story ni...