CGG 13 - Boy Friend

52 3 0
                                    

RELLY'S POV.

Nagising ako sa isang lugar na puro puti. At ramdam kong masakit parin ang katawan ko.

"Anak, Buti nalang at nagising ka na." rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

"Lord? Ikaw ba yan? Bakit hindi kita ma-- aray!" sabi ko at napatingin sa gilid ko.

Ang sakit, kinurot ba naman yung pisngi ko?

"Ano ba ate? Pinapatay mo ba sarili mo?" sabi ni Arvie sa gilid ko.

"Arvie, ate mo yan." Rinig kong sabi ni tita sa gilid.

"Gandang bungad Arvie ah? Ganyan ba bumati sa taong na aksidente?" sabi ko pa kay Arvie.

Pang-asar eh?

"Hindi, Tulog ka pa kasi yata kanina ATE. Tinatawag mo pa nga si Lord eh, ano ka? Nasa langit? Doon ka ba dapat
pumun-- A-AARAY!" sabi pa niya na kinurot ko sa pisngi.

"heh! Quits na tayo." tipid na sabi ko.

"Oh! tama na! Masyado na kayong Sweet. Bitter ako, ano ba?" pabirong sabi ni tita na ikinangiti namin.

*Door opens*

Napatingin kami kay arvin na pumasok sa pinto na may dalang pagkain.

"Ma, Gis-- Ate! Buti gising ka na! Isang araw ka ba namang Tulog? Okay ka na ba?" bungad naman ni Arvin at lumapit sa akin.

"Isang araw?!" gulat na sabi ko.

Tumango naman si Arvin at tita. "Napahaba ang idlip mo eh. Akala nga namin, mang iiwan ka na." sabi pa ni tita.

"Eh, Hindi pa ba Hala--" sabi ni Arvie na pinutol ni tita.

"Arvie?" masamang tingin ni tita kay arvie.

"Nako, Ikaw talaga. Namiss mo lang inisin si ate eh." sabi naman ni Arvin kay Arvie.

Pero, walang Sinagot si Arvie. Malakas trip niyan eh, ganyan yan pag nakamiss ng isang tao. Hindi niya man ipakita, pero pag inasar ka ng todo, doon mo mapapansin na namiss ka niya.

"Sino nga pala nagdala sa akin dito?" Pambabasag ko ng panandaliang katahimikan.

"Si Morven/Si Kuya Morven." sabay na sabi nilang tatlo.

So, tama nga ako.

Pumunta Siya.

I'm so tats [touched].ㅠ_ㅠ

"Nasaan siya?" bigla ko namang natanong.

"Hindi pa siya dumadalaw ngayon." sabi ni Arvie.

"Basta, alam ko? Tinawagan ni kuya morven yung phone ko kahapon, tapos sabi niya, nasa Hospital ka daw." sabi naman ni Arvin.

"Tinawagan naman ako ni Arvin kaya nalaman ko, tapos pagdating namin dito kahapon binabantayan ka niya." sabi pa ni tita.

kailangan kong magpasalamat kay Morven, Niligtas niya kasi ako.

"Kailangan ko ng gumaling agad." sabi ko naman sa kanila.

"Hala? Ate, walang Instant. Ano ka si Wonder woman? Tignan mo nga yang itsura mo, may benda yung noo mo, tapos bali pa yung right hand mo, idag-dag mo pa yung Left foot mo na nabalian din. Sa tingin mo ba? Sa bali-bali mong buto na yan. Makakakilos ka pa ng maayos?" Sarcastic na sabi ni Arvie.

"Concern lang si Arvie sayo Relly. Masmabuting hinay-hinayin mo muna ang paggaling mo." agad na sabi ni tita.

"Huwag ka mag-alala ate, bibisitahin ka nun." nakangiting sabi ni Arvin.

"Sino ba namang Girl friend ang Iiwan ng Boy friend niya diba?" naka cross arms na sabi ni Arvie.

Teka?

Sino ba tinutukoy nila?

Huwag mong sabihin...

*Door Knocks*

Napatingin kaming lahat sa pinto. "Ako na." sabi pa ni tita at agad na tumayo.

"Sinong boy friend?" pabulong na tanong ko kay Arvie.

"Sino pa ba? Edi siya." pabulong din na sabi ni Arvie at may tinuro sa harap ko.

Nagulat nalang ako sa nakikita ko.

Imposible, hindi puwedeng siya yun. Paano?

Bakit si Morven?

__________

Cinderella's Great Granddaughter (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon