The Beginning

227 2 1
                                    

Chapter 1

Halos magkandarapa sa pagtakbo si Detroit papasok ng school. Tinanghali siya ng gising dahil sa puyat, nagbasa kasi siya ng pocketbooks hanggang madaling araw. Dalawang minuto na lang at hindi na sya aabot sa flag ceremony. Nasa fourth year na sya sa high school, isa pa siya sa mga officers ng CAT. Sa pagka-alala sa CAT lalo syang kinabahan, hindi sya nakaabot sa formation kanina kaya siguradong may parusa sya ngayon. Sa wakas nakapasok na sya sa gate, unang madadanan ang headquarters ng CAT kaya hinagis na lang nya ang gamit nya sa loob ng HQ. Sakto pag-abot nya sa pila ng section nila nag-umpisa ang flag ceremony. Pagkatapos ng flag ceremony nagmamadaling umalis sya sa pila at tumakbo pabalik sa HQ para sa gamit nya. Pag-pasok nya sa HQ inabutan nya dun ang isa sa kapwa nya officer.

"Swerte mo ako ang tao dito nung naghagis ka ng bag mo!" Sabi ng bestfriend nya na si Nicholas Angelo or Nicky.

Nginisihan nya eto at kinuha ang bag nya. "Thanks sa pag-salo dude. Bakit nga pala nandito ka?"

"Pinayagan ako nila Sir na hindi na um-attend ng flag ceremony kasi may nakabangga sakin kanina sa gate na freshman, nasira yung project ko." Nakangiti nitong sagot sa kanya. "Eto nga inulit ko pa."

Eto na nga ba ang sinasabi nya, pag-ngumiti na ang bestfriend nya nakakalimutan nya na ano ang estado nila, MAG-KAIBIGAN. Sa tagal ng pag-kakaibigan nila hindi man lang yata nito nahalata na may gusto sya dito.

"Ah, ganun ba. Sige iiwan na lang kita dito para matapos mo na yan." Natutuliro sya sa pagsagot dito, dahil lang sa ngiti nito."Alis na ako." Lumakad na sya palabas ng HQ.

"Det!" Habol ni Nicky kay Detroit. "Nga pala sabi ni Sir sa break daw pumunta ka dito. Hindi ka naka-attend ng formation!" yun lang at pumasok na ulit eto sa HQ.

Iling na lang ang tanging nagawa nya. Hindi nya masyadong iniisip ang parusa sa kanya mamaya, disorriented na naman ang utak nya dahil sa bestfriend nya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto dito. Kahit na mas lamang ang canadian features nito na nakuha nito sa Daddy nito nakuha naman nito ang singkit na mata ng Mommy nito, in-short gwapo na cute ang bestfriend nya. Magkatabi lang ang bahay nila sa village nila, magkatapat pa ang bintana at pwedeng tawirin.

Pumasok na sya sa classroom nya at dumiretso sa upuan nya. Pagkatapos ng ilang klase ay nagtungo na sya sa HQ ng CAT.

"Sarap ng break ko, malamang sermon na may parusa pa." Bulong nya sa sarili ng may biglang umakbay sa kanya.

"Dude, halatang stressed ka!" Sabi ni Nickysabay tawa.

Inirapan nya ito at tinanggal ang braso nitong naka-akbay sa kanya. "Huwag ka nga umakbay baka kung ano isipin ng mga nakakakita."

Lalo nitong hinigpitan ang pagkaka-akbay sa kanya. "Ano naman iisipin nila? O baka naman may nagugustuhan ka na na schoolmate natin at you're ashamed na makita nya tayo."

"Pwede ba, Nicholas Angelo Hawkins!" Napipikon na sita nya dito.

Ngumiti ito sabay kindat sa kanya. "Pwedeng-pwede, Mary Detroit David!" Sabay kuha sa kamay nya at hinila na sya nito sa HQ.

Hindi na sya nagsalita pa at pinabayaan na lang nya etong hilahin sya. Pagdating nila sa HQ nandun na halos lahat ng kapwa nila officer. Umulan ng tuksuhan ng makita ng mga ito na hawak ni Nicky ang kamay nya.

"Sabi na eh, hindi magbestfriend ang dalawang yan oh!" Kantiyaw ni Leica na isa sa mga kaibigan nila

Humirit pa si Crischan na isa pa nilang kaibigan. "Nicky, iiyak ang mga babae ng Academia de San Jose pag-nalaman na kayo na ni Toyt." Toyt ang tawag sa kanya ng mga kaibigan nila.

"TSE!!! Tigilan nyo nga kami, di kami talo noh." Namumulang sigaw nya sa mga eto.

Hanggang sa pumagitna na ang Corps commander nila. "Toyt, punta ka na sa office ni Sir, hinihintay ka na nun." Sabay ngisi nito. "Lagot ka!"

"Ang sama mo naman Khel eh! Lalo ako kinabahan tuloy." Sabay lakad papunta ng office ng commandant nila.

At gaya ng inaasahan nila sinermunan sya nito at pinarusahan. Hindi naman mabigat ang parusa, sya ang in-charge sa paglilinis ng buong headquarters at paglulunas ng mga riffles nila.

Ng matapos ang klase nya dumiretso na sya sa HQ para gawin ang nakatoka sa kanyang task.

"Trabaho dapat to ng mga COCC eh." Himutok nya sa sarili nya. Ng may biglang nagsalita sa likod nya.

"Tulungan na kita, Det. Para naman makasabay ka na sakin ng pag-uwi." Sabi ni Nicky, eto lang ang tumatawag sa kanya ng Det.

"Akala ko nga umuwi ka na eh." Sabi nya dito, madalas kasi na umuuna eto ng uwi pag Byernes dahil kung sino-sino ang ka-date nito dahil walang pasok kinabukasan.

Nginitian sya nito saka umiling. "Di kita matiis, dude. Kawawa ka naman kasi."

"Wala kang ka-date?" Tanong nya dito.

Nilagay nito sa taguan ang mga riffle ng bago sya ulit nito hinarap. "I canceled it. Everything's done?"

Tumango na lang sya dito, na-speechless sya sa sinabi nito.

Kinuha nito ang bag nya. "Let's go then."

Lumabas na sila sa HQ at pumunta sa gate ng school, inabutan nila ang driver nito na nag-iintay sa harapan. Sumakay na sila pareho ng kotse. Napakatahimik nilang dalawa sa buong byahe nila pabalik sa village nila. Hanggang sa huminto na ang sasakyan sa harap ng bahay nila, sa tabi naman nito ang bahay nila Nicky. Mas malaki ang bahay ng mga ito kaysa sa kanila. Mayaman ang pamilya nila Nicky kumpara sa kanila, sa kabila ng estado sa buhay ng pamilya ng mga Hawkins nanatili silang humble.

"Nicho, baba na ako ha. Text-text na lang." At dumiretso na sya sa bahay nila.

Pagpasok nya sa loob naabutan nya ang kuya nya na nanunuod ng TV. Umupo sya sa tabi nito at bumuntong hininga.

"Problema, Toyt?" Sabay gulo sa buhok nya.

Nagkibit balikat sya. "Wala naman, pagod lang dahil sakin na toka ang pag-lilinis ng mga riffle."

Inakbayan sya ng kuya nya. "Kasi naman bakit pa nag CAT officer, pwede ka naman sa volleyball team?"

Dating nasa basketball team ng school nila ang kuya nya pero bigla itong lumipat sa pag-lalaro ng tennis. Nasa kolehiyo na eto at graduating sa kursong architecture.

"Wala lang, para maiba lang. Kuya parang naiilang ako pag nasa college department na ako ng school natin. I mean kilala ka dun. Sino ba di nakakakilala kay Trent Alexandrei David? Eh kahit sa high school department kuya ang daming nakakakilala sayo."

Tumawa ito ng malutong at lalong ginulo ang buhok nya. "Ganun talaga mga gwapo, tanong mo pa kay Nicky."

Tumayo sya at binuhat ang bag nya. "Ay, ewan ko sa inyo ng baliw na yun. Mga kulang kayo sa tulog!" Sabay akyat papunta sa kwarto nya. Pagpasok nya sa loob naabutan nya si Nicky na nakahiga na sa kama nya. "Hoy! Bakit andito ka agad!? Di ako pwedeng magbihis muna?" Singhal nya dito.

Parang walang narinig si Nicky, kinuha pa ang remote ng TV na nakapatong sa bedside table nya.

Lumapit sya dito at umupo sa tabi nito. "Anyare huh!? Nicho, okay ka lang?"

Tumingin eto sa kanya. "Well, I can't say I'm okay. Nalilito ako. Alam ko nahindi dapat eh, pero hindi mapigilan."

Nalito sya sa mga pinagsasasabi nito, pinaurong nya ito at humiga rin sa tabi nito, ugali na nilang mahiga ng magkatabi pag may pinag-uusapan silang seryoso. Parehas silang nakatingin sa kisame, walang lingunan.

"Ano ba yang mga pinag-sasabi mo? Saan ka nalilito?" Tanong nya dito.

"Det, I think I'm in love."

I Could Fall In Love (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon