I Could Fall In Love
Chapter 15
Umaga na ng magising si Detroit, hilong hilo syang bumangon at dumiretso sa banyo. Doon sya nagsuka ng nagsuka. Ang aga-agang hindi maganda ang pakiramdam nya.
Nagugutom na sya at pang gusto nya kumain ng tapsilog. Lumabas sya ng banyo at tinawag si Khel.
"Khel... Uuwi na ako ha."
"Hoy!!! Uuwi ka na agad? Di ba pwedeng pagkakain na natin ng breakfast?""Tapsilog kasi gusto ko kainin eh."
"Tara dun somewhere sa labasan meron."
"Khel, teka paano nga pala kayo ni Leica pag-umalis ka?"
Tumawa ito sa kanya. "Si Leica? Eh kasama ko yun sa ibang bansa eh. We're going to the same school. Toyt, kami na ni Leica!"
"Bakit di mo agad sinabi sa akin!? Okay lang kaya sa kanya sasama ako sa inyo dun?"
"Eh di itanong mo sa kanya mamaya. Papasunorin ko na lang sya dun sa tapsihan. Kaso Toyt, okay lang ba sayo if malaman nya ang kalagayan mo?"
"Okay lang, alam ko naman na I can trust her. Maliban kay Nicho eh kayo ang mga pinakamalapit sa akin."
"Tara at ng masabi na natin sa palalabs ko ang good news!"
"Khel.... Palalabs??? Talaga lang?" ng akmang kukutusan sya nito ay umatras sya. "Oi, oi, oi! Masamang mang-api ng buntis!"
"Tara na nga! Mahaderang buntis!" lumabas na ito ng bahay.
Natatawang sumunod sya dito.
=======
Pagdating sa tapsihan umorder agad si Detroit ng gusto nyang kainin. Napatawa na lang si Khel sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na si Leica.
"So gusto mong sumama samin ni Palalabs?"
"Girl, pati ba naman ikaw yan din? Bagay nga kayo, ang weird pakinggan ng palalabs noh!"
"Oi, Toyt wag mahadera! Ang tagal ko kaya naghintay dito sa ugok na kaibigan mo ha!"
Natatawang umawat si Khel sa asaran nila. "Toyt, baka naman gusto mo ng sabihin kay Leica bakit ka sasama sa amin?"
Bumuntong hininga muna sya bago kinuwento lahat kay Leica.
Galit na galit ito kay Nicho. "After all ng pinagsamahan nyo eh ganun na lang!? Lech sya! Simula ngayon wag nya akong kakausapin."
"Palalabs, ang puso mo...."
"Toyt, dapat magsabi ka na sa parents mo para makasabay ka na sa amin, malapit na graduation natin ah."
"Mamaya nga pag-uwi ko eh magsasabi na ako. Ano tara na, uuwi na ako at ikaw naman Khel i-uwi mo na to Leica." sinabayan nya ng ngisi.
Biglang hinawakan ni Leica si Khel sa braso. "Tara palalabs gawa na din tayo ng baby palalabs!"
Biglang namula si Khel kaya lalo syang pinagtawanan ng dalawa.
"Guys, wag nyo na kami tularan ni Nicho..."
"Hey, pinapatawa ka lang namin. Don't get us wrong ha, Toyt. Tara ihahatid ka na namin, mahirap na magcommute ka pa."
=====
Pagdating nya sa bahay inabutan nya ang mga magulang nya at kuya nya na nasa sala at nanunuod ng TV.
"Dy, My, can we talk po?"
Napalingon sa kanya ang mga ito at sinenyasan sya na maupo.
*
Mom: Why?
BINABASA MO ANG
I Could Fall In Love (On Hold)
HumorDetroit and Nicho are bestfriends, pero paano pag nahulog ka sa bestfriend mo at may nangyari sa inyo?