I Could Fall In Love
Chapter 5
Tagaytay.... Pa din
=======
NICHO'S POV
Pagdating namin ni Det sa kusina kumakain na ang iba.
Pinaupo ko sya at tinabihan para makakain na din kami.
Pagkatapos kumain sumunod kami sa labas para manuod ng formation ng mga COCC.
Ang problema hindi maalis ang mata ko sa kanya.
Hindi maintindihan ang nararamdaman ko. Dati naman sanay ako sa presensya ni Det.
Parang may iba... Ang ganda ng mata ni Det.
Pag ngingiti sya parang my paru-paro sa loob ng tyan ko.
WEIRD!!!
Yun, yun ang tamang explanation, isa akong dakilang weird.
Naiirita ako pag naglalambing sya kay Khel.
"Huy! Anyare, Nicho?"
Nagulat ako sa kanya, nakatitig pala sya sakin. "Wala naman, may naiisip lang ako."
Hinampas nya balikat ko. "Asus! Nakakatulala talaga yang iniisip mo noh?"
Hindi ko alam isasagot ko kaya tumahimik na lang ako at lumayo ng konti sa kanya.
"Nicho? May problema ba?" Tanong nya sa akin.
Hindi ko alam isasagot ko.
========
DETROIT'S POV
Ang labo naman nitong si Nicho, parang ilag na ilag.
Baka naman nahahalata na nya ako ah!? Lagot!!!
Hala lalayo nga muna ako para ma-divert ang isip ko kahit sandali.
Pumunta ako sa tabi nila Leica.
"Ayos din eto retreat na sinasabi ni Khel ah. Nag-outing lang tayo eh." Sabi ko kay Leica.
BINABASA MO ANG
I Could Fall In Love (On Hold)
HumorDetroit and Nicho are bestfriends, pero paano pag nahulog ka sa bestfriend mo at may nangyari sa inyo?