I Could Fall In Love
Chapter 10
Natapos ang Christmas break at balik klase na sila Det at Nicho. Sabay sila pumasok that morning. At dahil first day after ng break wala pa silang masyadong ginawa. Nagdesisyon si Det na pumunta sa HQ para umidlip.
Pagdating nya dun nakita nya agad ang mga kaibigan nila ni Nicho.
"Hoy! Bakit nandito kayo? Wala din kayong klase?" tanong nya kay Crischan.
"Alam mo naman pag first day ah, kaw nga nandito din."
Luminga linga sya. "Si Nicho, nandito?"
Bigla umilap ang mata ni Crischan. "Nasa canteen na yata."
"Sige sundan ko na lang sya dun, medyo gutom ako eh."
Nagsimula na syang maglakad palayo ng bigla itong sumabay sa kanya.
"Sama na ako, Det ha? Sabay tayo kumain."
Pagdating sa canteen hinanap agad ng mata nya si Nicho. Nakita nya eto na nakaupo sa isang sulok. Lalapit na sana sya ng makita nyang may umupo na babae sa tabi nito.
Umiwas sya ng tingin at lumakad papuntang counter. Sumabay sya ng pag-order kay Crischan at nagkunwaring hindi nakita si Nicho.
Pagkakuha nila pareho ng pagkain nila, umupo sila sa pinakamalapit na mesa
"Di mo ba tatawagin ang bestfriend mo?" Tanong ni Crischan.
"May kausap pa eh, mamaya pagnakita tayo nyan lalapit din yan dito." Pagkukunwari nya.
Tinuloy na nila ang pagkain, pagkatapos nila kumain napalingon sya sa area nila Nicho pero wala na ang mga ito dun.
Hindi nya tuloy alam kung ano ang dapat nya maramdaman.
======
Natapos ang lahat ng klase ng araw na iyon. Palabas na sya ng classroom para puntahan ni Nicho ng may natanggap sya ng text.
From: Nicho
Det, Sorry nauna na ako ha, may lakad lang. Ingat pag-uwi.
Napailing na lang sya at lumakad palabas ng gate ng school ng makita nya sila Khel, Leica at Crischan.
"Toyt sama ka, nagyaya etong dalawa dumaan ng mall ngayon bibili kasi ng regalo. Ako kinaladkad eh kaya be a responsableng mamamayan, samahan mo ako." Nag make face pa si Leica.
Natawa silang tatlo sa sinabi nito.
"Ihahatid naman kita sa inyo pag-kagaling natin ng mall." Nakangiting sabi ni Khel.
"Wag ka na humirit, Crischan. Sasama na ako. Daan muna tayo sa college department kasi papaalam ako kay kuya."
======
Habang naglalakad sa mall ay panay ang tawanan nila, Nakabili na sila ng pangregalo at napagkasunduan nila na manuod muna ng sine bago umuwi. Pagkabili nila ng ticket bumili sila ng makakain at inumin.
Bigla syang natigilan ng may mahagip ang mata nya.
Si Nicho!
May kaakbay na babae!?
"Nicky!!!" Sigaw ni Leica.
Napatingin sa kanila si Nicky at ang babaeng kasama nito. Lumapit ang mga ito sa kanila.
"Dude! Small world!" Sabi ni Crischan. "Sya yung kasama mo kanina sa canteen, right?"
Pinakilala ni Nicho ang kasama nya. "Si Yuki, guys. Yuki mga kaibigan ko, Khel, Crischan, Leica and Det."
Inabot nya ang kamay niya para makipagkamay. "Hi, I'm Det. Bestfriend ni Nicho."
Durog na durog ang pakiramdam ni Det pero hindi nya pinahalata. Naramdaman nyang may kamay na umalalay sa kanya, pagtingin nya nakita nyang nakangiti si Khel sa kanya.
"Saan ba kayo, Nicky? Manunuood kasi kami ng movie." Tanong ni Khel.
"Sakto, Khel manunuood din kami eh."
Sumagot si Leica. "Sabay-sabay na tayo." at naglakad na eto papunta sa entrance.
Naramdaman ni Det na kinuha ni Khel ang kamay nya. Hinila sya nito at bumulong sa tenga nya.
"Toyt, alam ko nasasaktan ka. Andito lang ako ha, labanan mo ang luha mo. Kapit ka lang sakin, ituring mo akong kuya na sandalan." Ngumiti pa ito sa kanya.
"Salamat, Khel." Niyakap nya eto.
"Oi tara na!" Si Leica.
Sabay pa silang napatingin kay Leica at natawa.
BINABASA MO ANG
I Could Fall In Love (On Hold)
HumorDetroit and Nicho are bestfriends, pero paano pag nahulog ka sa bestfriend mo at may nangyari sa inyo?