Another chance

44 0 0
                                    

After ng pagktagal.

I could fall in love

Chapter21

Dumating si Khel sa opisina ni Detroit at nakita nyang namamaga ang mata ng kaibigan.

"Det, ano ba talaga ang problema nyo ni Nicho?"

"Wala namang problema talaga, natatakot lang ako."

"Saan?"

"Natatakot akong magtiwala sa kanya. Natatakot akong gawin nya ulit ang ginawa nya dati."

Napabuntong hininga si Khel sa sinabi ni Detroit sa kanya.

"Det, maybe it's time to let go of the past and take the risk. Para na din kay Dallas."

"I am taking the risk, that's why I'm marrying him."

"That's not what I meant." napatawa si Khel sa sinabi ni Det. "You love him, don't you?"

"Eh..." Umiwas sya ng tingin kay Khel. "Siguro... Basta natatakot ako."

"Natatakot ka kasi mahal mo pa sya. Give the guy a chance. Pagsinaktan ka nya ulit kami na makakalaban nya."

"I'll think about it, 'kay?"

"Sure... Anyway, do you want to come over sa bahay for dinner tonight? We missed you and Dallas."

"Hindi ba kami istorbo mag-ina?"

"Timang! Ano kayo, ibang tao? I'll invite Nicho para maumpisahan mo ng bigyan ng pagkakataon yung tao."

"Okay, we'll be there later. Uuwi lang muna ako para sunduin si Dallas. I'll call Nicho para sabay-sabay na kaming pumunta sa inyo."

Tumayo si Khel at ginulo ang buhok ni Detroit. "That's my bestfriend! So aalis na ako ha at tutulungan ko pa si palalabs ko."

"Ewww! Until now palalabs pa din tawagan nyo!? Kadiri!"

Napatawa ng malakas si Khel bago ito tuluyang tumungo sa pinto. "See you later."

*******

Pag-alis ni Khel ay dinampot nya ang kanyang cellphone at tinawagan si Nicho.

Nicho: Det? Bakit?

Det: Uhm.. pinapasabi ni Khel na dun tayo magdinner sa kanila tonight, are you free?

Nicho: Even if I'm not, I'd gladly clear my schedule para sa inyo ng anak natin.

Det: So see you mamaya, iintayin ka namin ni Dallas sa bahay ha.

Nicho: Okay, what time nga pala?

Det: after office hours, probably 6?

Nicho: Okay, I'll see you later.

*********

Nakaayos na si Detroit at Dallas ng dumating si Nicho.

Sinalubong agad ni Dallas si Nicho. "Dad!"

"Hey buddy! How's your day?"

"It was great Dad! I played with Lowlow and lowla earlier. Can I go inside the car now? I'm a little tired."

" Sure son."

Lumapit si Detroit kay Nicho at hinawakan nya ang isang kamay nito.

"Nicho can we talk bago tayo umalis?"

"Uhmm... okay. About what?"

"I want to say sorry sa inasal ko kanina sa office. "

Ngumiti ng tipid si Nicho kay Detroit. " Wala yun, sorry din kasi napagtaasan kita ng boses kanina." napabuntong hininga si Nicho pagkatapos ay nagpatuloy ito. " Det yung tungkol sa kasal natin, desidido ka na ba dun?"

"That's one of the reasons why I want to talk to you. Payag na ako sa kasal na pinlano nyo. Kalimutan mo na yung sinabi ko kanina." Namumulang sabi nya kay Nicho.

Bigla syang niyakap ni Nicho. "Salamat Det. Buti na lang pumayag ka na. I'll do everything para maging the  best husband and father sa inyo ng anak natin."

"Wag mo kaming bibiguin ng anak mo, this is your last chance." Hinalikan nya sa pisngi si Nicho at naglakad na papunta sa kotse habang nasa likod nya ang tulalang si Nicho na hawak pa ang pisnging hinalikan nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Could Fall In Love (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon