Para sa taong naghintay sa matagal ko na UD.
I Could Fall In Love
Chapter 13
Ilang araw pa ang nakalipas at lalong lumala ang sitwasyon ni Detroit at Nicho. Halos di na sila magpansinan sa school.
Malapit na ang JS nila at problemado si Det kung sino ang date nya. Nung isang taon si Nicho ang partner nya at dahil hindi sila nag-iimikan hindi nya alam kung eto pa din ang kasama nya.
Nagpunta sya sa ladies room, while nasa loob sya ng isa sa cubicle ay may narining syang mga boses na bagong pasok sa loob.
Girl 1: I'm so lucky! Ako ang niyaya ni Nicky sa JS.
Girl 2: Oo nga eh, pero paano kaya yung bestfriend nya? Sya yung kasama last year ah.
Girl 1: Ewan, paki ko! Basta this year ako ang kasama. Saka di naman sya kagandahan eh.
Girl 2: Kaya nga! Eh balita ko pati si Khel nilalandi nya!
Girl 1: As if naman papatulan ni Khel yun.
Narinig nya ang pinto na bumukas at lumabas ang dalawang babae.
Lumabas na din sya sa ladies room at dumiretso sa HQ. Naupo sya sa isa sa upuan sa tapat ng desk ni Khel. Hindi nya namalayan na napaiyak na sya.
"Ako hindi kagandahan? Malandi? Kelan pa ako naging ganun?" pagkausap nya sa sarili nya. Ng biglang may magsalita sa likod nya.
"Sino may sabing malandi ka?"
"Ano ginagawa mo dito? Di ba may klase pa kayo?" tanong nya.
"Tapos na po klase ko baby Toyt. Hinahanap talaga kita eh kasi may sasabihin ako."
"Siguraduhin mo lang matutuwa ako ha, Khel."
Napakamot ito ng ulo sa sinabi nya. "Pwede ba kitang maging date sa prom natin?"
Napaisip muna sya. "Eh, paano si Leica? Insted na magkalapit kayo eh lalo kayo nagkakaron ng gap dahil sakin."
"Don't worry about that, gagawan ko ng paraan yan bago tayo mag-graduate."
"Khel naman ilang taon ka ng ligaw tingin!"
Nakita nyang namula ito sa sinabi nya. Bigla nitong inipit ang leeg nya sa mga braso nito.
"Oi Toyt sobra ka ha! Anong ligaw tingin? Hindi nga ako makatingin sa kanya ng diretso."
"Waaah TORPE!!!! Hahahaha! Teka, bago mo ako i-salvage may naisip na ako na paraan, ask natin si Crischan if may kadate sya sa JS."
Naguguluhan itong tumingin sa kanya. "Anong papel ni Crischan?"
"Relax, patapusin mo ang magandang kausap mo! Pagdating sa prom natin eh di swap tayo ng partner. Oh di ba genius ako noh?" pumapalakpak niyang sabi dito.
"Malala ka na, Toyt!" ng bigla itong mapatingin sa labas. Sinundan nya ng tingin ang tinitignan nito pero kinabig sya nito pasubsob sa dibdib nito. Nagpumilit syang kumawala.
Sana hindi na lang sya kumawala at nagpumilit tumingin.
Hindi sana sya nasaktan....
Nadurog ng paulit-ulit....
Si Nicho may kahalikan na babae.
Napayakap na lang sya kay Khel ng tuluyan.
"Tara, Toyt. Ayusin mo ang sarili mo. Dun na lang tayo sa canteen. Tama na yan."
=====
Ilang araw pagkatapos ng JS prom nila nakita na naman nya si Nicho na may ka holding hands na ibang babae.
Nagbago si Nicho, hindi nya malaman kung saan sya nagkamali, saan sya nagkulang.
Binigay na nga nya ang lahat. Kulang na lang pati sarili nyang buhay eh ibigay na nya.
Hindi na sya nakatiis at tinext nya ito at tinanong kung pwede ba silang mag-usap.
Ilang minuto ang lumipas at nag-reply din ito na pupunta na lang sa kwarto nya mamayang gabi.
Naisipan nyang bumili ng mga personal stuff nya dahil masyado pa naman maaga para umuwi.
Lakad habang tulak-tulak ang push cart.
Napadaan sa lane ng mg chips, kumuha ng napakarami.
Lakad ulit sya para kumuha naman ng lotion at facial wash nya ng mapadaan sya sa area ng mga sanitary pads.
Bigla nyang naalala na hindi dinatnat nung isang buwan!
Sa sobrang kakaisip nya kay Nicho hindi nya namalayan na delay na sya. Pag-hindi na naman sya dinatnan ngayong buwan na ito....
Napasapo sya sa noo nya at tumingala.
Kailangan nyang mag-isip....
Nagbayad sya ng mga pinamili at dumiretso sa pharmacy.
Bumili sya ng pregnancy test kit. Hindi na sya naghintay pa na makauwi. Kailangan nyang malaman agad... Bago pa sila mag-usap mamaya ni Nicho.
BINABASA MO ANG
I Could Fall In Love (On Hold)
HumorDetroit and Nicho are bestfriends, pero paano pag nahulog ka sa bestfriend mo at may nangyari sa inyo?