Comment naman if you like me to continue eto. Thanks!
Chapter 2
Hindi nya alam kung ano ang dapat nya maging reaksyon sa sinabi ni Nicky, eto in-love? Kanino? Itatanong ba nya? Nagdesisyon siya na hintayin kung sasabihin nito sa kanya kung sino. Bumangon sya mula sa pagkakahiga.
"Nicho, kuha muna ako ng meryendahin natin, ano trip mo?" tanong niya dito.
"kahit na ano na lang na meron, dude." Sagot nito na hindi tumitingin sa kanya.
Lumabas sya ng kwarto na iniisip ang sinabi ng bestfriend nya. Dahil wala sa sarili hindi nya napansin ang kasam-bahay nila na busy sa kusina.
"Toyt?" puna sa kanya ni Lucy.
Napatingin sya dito. "Ate Lucy? May sinasabi ka?"
"Wala naman, nagtataka lang ako kasi parang di mo ako nakikita dito. Sige magluto muna ako." yun lang at bumalik na ito sa ginagawa bago pa man sya pumasok ng kusina.
Lumapit sya sa refrigerator at kumuha ng egg-mayo na palaman. Nilabas na din ang isang litro na bote ng coke. "Ate patulong naman ako na dalhin ito sa kwarto ko."
"Andyan si Nicky? Kayo na ba?" Tukso nito.
"Ate! Kung kami nun hindi na yun makakatambay sa kwarto ko lalo at andyan si Kuya Trent." namumulang sagot nya at umalis na sa kusina dala sandwich nila.
Pagkaalis ng kasam-bahay sa kwarto nya, nagdesisyon silang manuod ng DVD dahil wala namang pasok kinabukasan. Napagkasunduan nilang manuod ng TV series na FRIENDS.
Hindi namalayan ni Detroit na tulog na si Nicky sa tabi nya. Nagulat pa sya ng may pumatong na binti sa binti nya. Pag-tingin nya nakita nyang tulog na si Nicky. Sanay na sya na nakakatulog si Nicky sa kwarto nya, kaso iba na ang sitwasyon ngayon. Nahulog na ang loob nya sa bestfriend nya. Hindi nya tuloy alam ang gagawin nya. Maya-maya hindi na nya napigil ang antok at nakatulog din sa tabi ni Nicky.
Isang malakas na sigaw ang nakagising sa kanilang dalawa. Nasa pinto ng kwarto nya si Ate Lucy at ang Mommy nya. Saka lang nya namalayan na nakayakap na sa kanya si Nicky habang nakasiksik sya sa leeg nito.
"Detroit, anong nangyayari dito?" Tanong ng mommy nya. "Nicky?"
Sya na ang sumagot sa mommy nya. "Mom, wala! Nakatulog kami eh, nanunuod kami ng DVD."
BINABASA MO ANG
I Could Fall In Love (On Hold)
HumorDetroit and Nicho are bestfriends, pero paano pag nahulog ka sa bestfriend mo at may nangyari sa inyo?