I Could Fall In Love
Chapter 19
Dahil sa nalalapit na kasal ni Detroit at Nicho nangailangan ang kompanya nila Detroit ng extra pang interior designer. Naalala nya ang kapit-bahay nya sa Singapore na si Gwen Horan. She's half British half Filipina. Naalala nya na hindi talaga nito gusto magtrabaho sa ibang bansa. Naisip nya itong tawagan at aluking magtrabaho sa kompanya nila.
*
Det: Hello, Gwen?
Gwen: Yes? Who is it?
Det: Si Detroit ito. Kumusta na?
Gwen: Hi, Detroit! Everything's fine, just like before. You know how I hate working outside of our country.
Det: Well kaya kasi ako tumawag is to ask you if you're interested to work sa comapany namin, our base is here sa Philippines. Hindi kita ni-rurush mag-desisyon ha. Basta let me know kung ano mapapagdesisyunan mo.
Gwen: Sure Det. Pag-iisipan ko ngayon. I'll call you tomorrow.
Det: Sige. So I'll hang up na ha. Thanks. Bye.
Gwen: Ingat. Bye!
*
Bigla nyang naalala! Crush nga pala ng kuya Trent nya si Gwen. Siguradong hindi titigilan ng kuya nya si Gwen kapag pumayag itong magtrabaho sa kanila.
"So, inalok mo pala si Gwen dito magtrabaho."
Nagulat sya sa boses ng kuya nya, hindi nya namalayang nasa loob na ito ng opisina nya.
"Eh ano naman sayo kung inalok ko sya?" tanong nya sa kuya nya.
"Malay mo may chance na kami. Seriously lil' sis, balak ko pumunta sa Singapore kapag hindi na masyadong busy."
Napatitig muna sya kay Trent bago nakapagsalita. "Kuya? Gusto mo talaga sya?"
"Well, nung nakita ko sya parang may something intereting kasi." Namumulang sagot nito sa kanya.
Napatili sya at niyakap si Trent. "OMG!!! Kuya, you're blushing!!! Ang playboy kong kuya! Tinamaan din sa wakas!"
Tinakpan nito ang bibig nya. "Oi Toyt wag kang maingay! Nakakahiya ka!"
Nagpumilit syang makawala dito. "Eh, anong nakakahiya dun?"
"Basta! Wag ka na magulo, hindi ko pa nga alam kung ano talaga to nararamdaman ko eh!"
Biglang bumukas ang pinto ng opisina nya at nakita nya si Nicho.
"Det? Busy ka?" Tanong nito at biglang bumaling kay Trent. "Bayaw! Ginagawa mo dito?"
"Ako pa tinanong mo? Dinadalaw ang kapatid ko, paki mo!?" Masungit na sagot ni Trent.
"Bakit ba dito kayo pareho sumisiksik sa opisina ko!? Magsibalik nga kayo kung saaan kayo dapat!" pagtataboy nya sa dalawa.
"Det, sabay tayo maglunch." yaya sa kanya ni Nicho.
"I can't, Nicho. I have plans." Sungit nya dito. "Pwede ba, out! Tsupi! Kayong dalawa." Sabay nya parehong tinulak ang mga ito palabas ng opisina nya.
Nakita nya ang sekretarya nya na nakatulala sa dalawang lalaking tinutulak nya palabas. Kaya naman pala nakalusot ang mga ito eh, mukhang na star struck pa ang secretary nya. Binalingan nya ito.
"Miss Cruz, next time pagnakita mo ang mga mukhang ito ipapaalam mo muna sa akin. Okay?"
"Opo Ma'am." Kabadong sagot nito.
Nakita nyang nakikipag-ngitian si Nicho sa secretary nya. "Hoy, Nicho! Bumalik ka na sa office mo. Kung saan-saan ka nakatingin eh."
"Selos ka naman ha, Det!?" Nakangisi nitong tanong sa kanya.
"Manahimik ka! Tseh!!! Alis, alis, alis!!!" Taboy nya dito.
"Sige aalis na ako. Papadeliver na lang ako ng food mo. See you later baby." Sabay nakaw ng halik sa labi nya at tumakbo na ito sa elevator kung saan naghihintay ang kuya nya.
"Nicholas Angelo!!!" sigaw nya dito.
Pumasok na sya sa loob ng opisina nya. Naupo sya at napaisip. May mali sa nangyayari sa kanya. Oo at pumayag na syang pakasal kay Nicho pero nangako na sya sa sarili nya na hindi na nya ulit ito papayagang saktan sya ulit. Paano kung ulit nito ang ginawa nito noon. Paasahin at biglang bitawan... Paano na naman sya babangon ulit?
Hindi dapat sya magpadala sa mga ipinapakita nito ngayon.
BINABASA MO ANG
I Could Fall In Love (On Hold)
HumorDetroit and Nicho are bestfriends, pero paano pag nahulog ka sa bestfriend mo at may nangyari sa inyo?