Home?

46 1 0
                                    

I Could Fall In Love

Chapter 8

Detroit's Pov

=====

The whole time na nagaasikaso kami ng party eh nasa tabi ko si Nicho, laging naka-alalay sakin. Nagtataka na yung mga kasama namin dahil sobrang attentive sya sakin. Oo, nakakakilig nga pero kung iisipin ko alanganin pa din lagay ko sa kanya.

Sabagay bukas uuwi na kami, kahit paano maghihiwalay kami.

Shemay! Christmas vacation nga pala, susunod nito ang tradition ng mga family namin. Wala din akong kawala sa charm ng bestfriend ko.

Paano ba eto!?

Teka, bakit nga pala ako pilit iiwas? Eh chance ko na eto para ma-fall sya sa akin.

Paano ko naman gagawin yun ng hindi nagmumukhang desperado or clingy?

Ah bahala na, makikipag kaibigan na lang muna ako kay "Google" baka matulungan nya ako.

======

Natapos din ang trip namin sa Tagaytay. Now I'm back home, in my own bedroom.

Ang boring lang!

Di ako makapunta kay Nicho kasi naman awkward eh.

0o0

May nakita akong interesting!

Mga butiki sa kisame! Magawan nga ng story every movement nila.

(habang nakatingin sa mga butiki, kinakausap ang sarili.)

"Nagliligawan kayo ha, sige nga. (umusog yung isa palayo sa isa) Ui Butiki2 habulin mo ako! Andyan na ako butiki1 susundan kita."

Palapit ang mga butiki sa area ng ilaw ng biglang....

"Waaaaaaaah! Shucks, shucks!!!! Ang weird mo!!!"

-.-! Nahulog sakin ang butiki!!!

"TOYT!!!!!!!"

Langya naman talaga to si kuya pag nagtalumpati sa pagtawag sakin, abot hanggang school ang boses.

"Toyt, ano nangyari sayo dyan!?"

Pasigaw pa din!? Bakit ba hindi pwede magsalita ng maayos.

"Kuya, okay lang ako, nahulugan lang ng butiki." sigaw ko din.

Haist! Makababa na nga muna at baka sakali mawala sya sa isip ko.

Inabutan ko si Kuya nanunuod ng tv may hawak na cheese balls.

Ui gusto ko yan!!!

"Kuya ang gwapo mo" XD

"Toyt, alam ko na yan! Andun sa kusina may isang balot for you."

"Ang gwapo mo talaga!"

"Wag mo na akong utuin. Maiba ako di ko yata nakikita anino ni Nicky dito?"

"Kuya naman para namang napakatagal na hindi pumunta dito yung tao, mamaya yun malamang nandito na. O baka naman may date. Dyan ka na nga!"

Pumunta muna ako sa kusina para kunin ang cheese balls ko tapos bumalik na ako sa kwarto.

Wala akong maisip na gawin.

Movie! Tama makapanuod na lang ng movie.

Naglagay ako ng movie, Prince and Me.

Walanjo! Wala akong naintindihan sa palabas.

Naiisip ko si Nicho. At ang mga nangyari samin sa Tagaytay.

Sabi nya we'll take it slow and mag go with the flow.

*buntong hininga hanggang kabilang village*

Go with the flow, hindi naman sya nagpapakita sakin simula ng dumating kami galing Tagaytay.

=========

NICHO's POV

Kahit gustong gusto kong matulog eh hindi ko magawa.

Naiisip ko si Det, saka syempre yung nangyari samin.

Alam kong mali, kaso hindi ko na talaga nakontrol eh. Saka pumayag naman sya.

Ang hirap lang kasi eh hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya.

I like her a lot! Kaso enough na ang like para ipagpatuloy namin kung ano man ang meron kami sa ngayon?

Pagnasira ang friendship namin paano?

(Gago, sira ang friendship, eh nung oras na may nangyari sa inyo eh nasira na yun.)

Yeah lupit! May isang part ng utak ko na nagsasalita!

[Malay mo naman ggusto ka nya kaya pumayag sa mga nangyari]

Baliw lang ako! Kabilang side naman ni utak nagsasalita!

Mapuntahan na nga si Det! Miss ko na yun eh.

Tumawid na lang ako ng bintana namin.

Tulog ang bestfriend ko... Hehehe makahiga nga sa tabi nya at makikitulog muna.

Nahiga ako at humarap sa kanya. Tinitigan ko ang mukha nya. Ang ganda talaga ni bestfriend.

Antok na ako.

Pero bago ako matulog!

Hinalikan ko muna sya sa lips and whispered

"I wish you're mine."

I Could Fall In Love (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon