I Could Fall In Love
Chapter 20
Two weeks before ang kasal ay tinawagan ni Detroit si Nicho at pinapunta ito sa opisina nya.
Maya-maya ay may narinig na syang katok sa pinto.
"Pasok." Nakita nya si Nicho. "Nicho, upo ka." pormal nyang bati dito.
Nagulat si Nicho sa kapormalan ni Det pero hindi ito umimik, sumunod sya sa sinabi ni Det at naupo na.
Pinatay muna ni Detroit ang computer nya bago hinarap ng tuluyan si Nicho. "I know you're wondering bakit kita tinawagan. I have something to tell you, napag-isipan ko na itong mabuti. Let's cancel the church wedding, instead pakasal na lang tayo sa huwes para wala ng hassle. It's not as if naman kasi na totoo tayong mag-asawa. We're just doing this for Dallas." malamig na sabi nya kay Nicho.
Napakunot ng noo si Nicho. "Det, two weeks na lang ikakasal na tayo tapos sasabihin mo ng cancel ang wedding? Are you nuts?"
"Hindi naman cancel talaga eh, gagawin na lang nating civil. Ayaw ko magpakasal ng engrande! Kung ayaw mo eh di wag na lang tayo pakasal!!!"
"Naiisip mo ba ang mga pinagsasasabi mo? Hindi tayo papakasal? Paano si Dallas? Ang parents natin? Huwag ka naman masyadong makasarili." mataas ang boses na sagot ni Nicho.
"Ah... Makasarili na pala ako ngayon? Eh ano tawag sayo? Sa ginawa mong pagdump sakin nung sawa ka na? Kung tutuusin Nicho pwede kaming mabuhay ng anak ko ng wala ka! Nagawa namin sa loob ng ilang taon." Halos pasigaw nyang sabi kay Nicho bago huminahon ulit. "You're choice, civil or nothing?"
"May pagpipiliian ba talaga ako?" Tumayo na ito at naglakad papuntang pinto. Humarap pa ulit ito kay Detroit bago tuluyang lumabas. "Let me know kung kelan ang civil wedding." Binalibag pa nito ang pinto.
Iyon lang at lumabas na ito ng tuluyan
Napahawak si Detroit sa batok nya at pumikit. Pagkaraan ng ilang minuto kinuha nya ang cellphone nya at tinawagan si Khel.
*
Khel: Hello, Det?
Det: Khel... (Hikbi)
Khel: What's wrong? Umiiyak ka? Nasaan ka?
Det: Andito sa office, kakatapos lang namin mag-usap ni Nicho. (Hikbi)
Khel: Teka pupuntahan kita! (Shouts from the Background) *Palalabs, puntahan ko muna si Det, umiiyak eh.* Det, papunta na ako dyan okay, kalma ka lang ha.
Det: I'll wait for you, bye!
*
Tumayo siya at pumutnta sa private washroom nya, nakita nya ang reflection ng sarili nya sa salamin. "Weak ka! Pagdating talaga sa kanya weak ka, konti encounter nyo miserable ka agad. Paano pa pagkasal na kayo?" Pagkausap nya sa sarili.
BINABASA MO ANG
I Could Fall In Love (On Hold)
HumorDetroit and Nicho are bestfriends, pero paano pag nahulog ka sa bestfriend mo at may nangyari sa inyo?