Win her back?

32 0 0
                                    

I Could Fall In Love

Chapter 18

Walang nagawa si Detroit sa desisyon ng daddy nya na ipakasal sya kay Nicho. Kahit ang mommy at kuya nya sinabihan sya na isipin na lang ang anak nya na sabi na sabik sa daddy nito. Pumayag sya sa mga ito pero sa kondisyong sa huwes lang sila papakasl ni Nicho, hangga't maaari ay ayaw nya na magkaroon pa ng selebrasyon. Siguro kung nuon nangyari ang ganito ay malamang bongga ang kasal nila.

Palabas na sya ng kwarto ng makarinig sya ng malakas na kalabog galing sa sala. Napatakbo sya pababa.

Naabutan nya si Nicho na nakaupo sa sahig at may basag na vase sa tabi nito at ang kuya nya ay humihingal na nakatayo sa harap nito.

"Kuya, Nicho... Anong nangyayari dito?"

Tumingin sa kanya ang kuya nya. "Matagal ko ng gustong gawin sa kanya yan, simula pa lang nung malaman kong buntis ka at sya ang ama! Ilang taon kong kinimkim para sa iyo

Det. Hindi ko magawa yan dati dahil sikreto natin ang tungkol kay Dallas. Since the secret's out, I Can do this to him now!" Iyon lang at sinugod ulit nito si Nicho na hindi naman lumalaban.

Bigla syang pumagitna sa mga ito at niyakap ang kuya nya.

"Tama na kuya. Please..." awat nya sa kuya nya.

Napailing na lang ito. "Pasalamat ka at hindi ko nagawa ito dati kung hindi baka patay ka na Nicho." Nilapitan nito si Nicho at tinulungang tumayo. "Bakit hindi ka lumaban?"

Ngumiti si Nicho ng mapait. "I know I deserve it, dude. I apologize sa mga ginawa ko sa kapatid mo, hayaan nyo akong bumawi sa kanila ng anak namin."

"Siguraduhin mong hindi mo sasaktan si Det kung hindi itutuluyan kita." Banta ng kuya nya bago bumaling sa kanya. "Det, gamutin mo muna si Nicho bago ka umalis."

"Ha!? Bakit ako nadamay sa kalokohan nyo?" Tanong nya sa kuya nya.

"Sino ba dahilan ng paggulpi ko dyan, eh diba ikaw? Eh di gamutin mo na! Sige na malelate ako. Grabe magbunganga si Leica pagdating sa oras!" Sabay alis.

Parehong Architect ang kuya nya at si Leica. Civil Engineer naman si Khel at Nicho.

"Nicho, tara sa kwarto ko, may first aid kit ako dun. Nagkita na ba kayo ng anak mo?"

"Yeah, kasama ng mga lola nya ngayon, balita ko aalis sila nila mommy at tita mamaya."

"Nabanggit nga ni Mommy kagabi. Buti na lang nga eh kasi i have a meeting with a client mamayang lunch."

"Sinong client yan? Lalaki ba? Sa labas kayo? Maglunch kayo together?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Yes sa lahat ng tanong mo. Umayos ka nga Nicho. I don't meddle with your schedule so please do the same." sabi nya dito habang ginagamot ang pumutok na labi nito.

"I have all the right para makialam, Detroit.'" nakatitig na sabi nito sa kanya. "In few days you'll be my wife."

Hininto na nya ang pag gamot dito. "Wife sa papel, not for real!"

"Eh di gawin nating totoo!"

Lumayo na sya dito. "Siguro kung nuon mo sinabi sa akin yan baka nagmamadali pa akong nag-asikaso ng kasal natin. Nicho it's been years, nagbabago ang bawat tao."

"I'm gonna make you fall for me again" bulong nito. "Tara na, sabay na tayo umalis ihahatid kita sa office nyo."

She grab her bag at lumakad palabas ng bahay. Dumiretso sya kila Nicho. Nakita nya ang mommy nya at mommy ni Nicho kalaro si Dallas.

"Mom, Tita." Tawag nya sa atenson ng mga ito. 'Dallas, sweetie. Mommy and Daddy going to work na."

Dallas run to her open arms, niyakap nya gad ang anak at hinalikan sa noo.

"Mommy can we go out later?"

"Let's see mamaya ha sweetheart."

"Nicho anong nangyari sa mukha mo?" Nadinig nyang tanong ng mommy nya, nasalikod na pala nya si Nicho.

"Wala po Tita na-off balance lang kanina kaya natama yung mukha ko."

"Dad, you look so funny po." humahagikgik na sabi ng anak nila.

Nagpaalam na sila sa mga ito at umalis na.

Pagdating nila sa building kung nasaan ang opisina nila ay nagpark si Nicho.

"Bakit ka pa nagpark?" tanong nya dito.

Ngumiti ito sa kanya. "Hindi mo ba alam na nasa isang building lang ang office natin? Hindi ba nila sinabi sayo? Akala ko alam mo na since sa firm namin nagtatrabaho si Khel."

"What!? Wala silang binanggit sa akin ah, sila ang naghanap ng space para sa company namin. Sabagay convinient etong ginawa nila Khel at Leica dahil sa kabilang building lang ang office nila kuya Trent at Leica eh."

"Tara akyat na tayo." hinawakan pa nito ang kamay nya.

Wala na syang nagawa at napasunod na lang dito.

Paano ba nya iiwasan ang lalaking ito, ayaw na nyang masaktan ulit. Paano pagdumating ulit ang puntong mahulog ulit sya dito at magsawa na namin ito, kawawa na naman sya. Madadamay pa ang anak nya.

"Det, malapit na tayong ikasal." nakangiti nitong sabi sa kanya.

"Sa totoo lang Nicho, ayaw ko magpakasal sayo, naiipit lang ako sa sitwasyon. Yung feeling na gusto ko na ulit bumalik sa Singapore, kami ng anak ko. Tahimik na ang buhay ko eh. Bakit ba kasi bumalik pa kami dito."

"Sabi ko nga sayo babawi ako Det, bigyan mo lang ako ng chance."

"Ewan ko Nicho. As magkaibigan baka pwede pa."

"Tatanggapin ko muna ang friendship, Det. Pero hindi ako titigil until maging akin ka ulit."

I Could Fall In Love (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon