I Could Fall In Love
Chapter 14
Natapos na si Detroit gawin ang lahat ng instruction sa box ng pregnancy test pero hindi nya makuhang tignan ang resulta. Huminga sya ng malalim at nagdesisyong tignan na ito.
Tama ang hinala nya!
Buntis nga sya....
Paano na? Ano na lang ang sasabihin ng pamilya nya, mga kaibigan? Hindi pa nga sya graduate ng high school. Kailangang mag-usap sila ni Nicho mamaya. Dapat nya ba itong sabihin kay Nicho?
Nagdesisyon syang umuwi na at itext si Nicho na pumunta na agad sa kanila.
Pagdating nya sa bahay nila naabutan nya ang kuya nya na naglilinis ng kotse nito.
"Oi Toyt! Saan ka galing ha, bakit ka namumutla?" Lumapit pa ito sa kanya at sinalat ang noo nya.
Umiling sya dito. "Ayos lang ako kuya, I'm just a little exhausted. Pasok na ako sa room ha." Lumakad sya palayo dito pero bago sya pumasok ay nilongon nya ulit ito. "Kuya, anong pabango mo? Ang sakit sa ilong eh." saka sya dumiretso ng pasok sa loob.
Pagdating sa kwarto ay nahiga sya sa kama habang iniintay si Nicho. Hanggang sa nakatulugan na nya ang paghihintay.
Nagising sya na may humahagod sa buhok nya. Pagdilat nya nakita nya si Nicho na nakahiga sa tabi nya.
"Hey, kumusta?" Bati nya dito.
Niyakap sya nito ng mahigpit. "Ayos lang, Det may sasabihin ako sayo."
Naramdaman nya ang unti-unting pagluwag ng yakap nito, kinabahan sya ng unti-unti na etong lumayo sa tabi nya.
"May problema ba Nicho?" tanong ulit nya dito. "May sasabihin din sana ako sayo, pero mauna ka na."
"Det, alam ko matagal na tayo magkaibigan, madami na tayo napag-daanan. Hanggang sa dumating ang punto na na-attract na tayo sa isa't-isa."
Hindi nya nagugustuhan ang mga pinupunto ni Nicho, lalo sya kinakabahan sa tinatakbo ng mga sinasabi nito.
Nagpatuloy si Nicho sa pagpapaliwanag kay detroit. "Det, sorry... Sinubukan ko talaga mahalin ka, pero pure attraction lang talaga ang naramdaman ko eh. Sorry hindi ko sinasadya na masaktan ka." inabot nito ang mga kamay nya. "Det, saktan mo ako kung gusto mo, sampalin mo ako... Sana lang maibalik pa din natin yung dating pagkakaibigan natin."
Umiling sya at sumagot. "Pareho nating ginusto ang mga nangyari kaya bakit kita kailangang sampalin, sana lang sinabi mo sa akin ng maaga na hanggang dun lang pala para hindi ako nagmukhang tanga. About sa friendship natin, siguro mas okay muna na hindi tayo mag-usap. Tignan na lang natin kung ano ang mangyayari." Pinipigilan nya na mapaiyak sa harap nito.
Yumuko si Nicho. "Naiintindihan ko. Sorry talaga, Det. May sasabihin ka din sakin diba, ano yun?"
Umiling sya ulit dito. "Nothing important. Tatanong lang sana ako kung ano plano mo sa bakasyon. Sige na umuwi ka na, matutulog na ako ulit."
"Sige, sorry talaga ulit, Det. Uuwi na ako." Hinalikan pa sya nito sa noo bago ito tuluyang umalis.
Pag-kakita nyang nakabalik na sa kwarto nito si Nicho tuluyan na syang napaiyak.
Lumapit sya sa bintana ng kwarto nya at sinara iyon at tinakpan ng kurtina. Simula sa araw na ito ay lagi na nya isasara ang bintana na iyon.
Nahimas nya ang flat pa niya na tyan. "I'm sorry baby, wala kang magiging daddy. Hindi pala ako mahal ng daddy mo, hindi ko na nasabi sa kanya na nandito ka na." Pagkausap nya sa tyan nya.
Naisipan nyang kunin ang cellphone nya at tinawagan si Khel.
*
Det: Hello, Khel. Busy ka?
Khel: Hindi naman, bakit? Teka umiiyak ka ba?
Det: Sunduin mo naman ako, wag motor ha please.
Khel: Sige, sige hintayin mo ako.
Det: You're the best talaga, pwede ba makitulog dyan sa apartment mo?
Khel: Pwede naman, basta paalam ka kila tito at tita ha. Sige na punta na ako dyan.
Det: Okie, bye Khel.
Khel: Bye.
*
Naghanda sya ng gamit na gagamitin nya sa pag-oovernight sa bahay ni Khel. Pagkatapos ay bumaba sya at hinanap ang magulang nya, nagpaalam sya sa mga ito. Dahil tiwala ang mga ito kay Khel ay pinayagan sya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay narinig na nya ang kotse ni Khel. Pinuntahan nya ito at pinapasok muna sa bahay nila. Pinagpaalam pa din sya nito sa magulang nya bago sila tuluyang umalis.
Pagdating nila sa apartment ni Khel ay dumiretso sya ng upo sa sofa.
*
Khel: Oy babae, kumain ka na ba?
Det: wala akong gana...
Khel: Bakit ba ha, ano ba nangyari sayo? Nag-usap na ba kayo ni Nicho?
Det: Yeah, ayun sinabi nya sa akin na attraction lang daw ang reason kaya may nangyari sa amin.
Khel: May nangyari na sa inyo!!!??? Toyt naman!!! Bakit ka pumayag???
Det: Basta! Wag mo na alamin ang details... Khel ang sakit eh... Hindi lang yun ang problema ko...
Khel: Ano pa ang problema? Don't tell me na buntis ka?
Det: Khel....
*
Tuluyan ng napaiyak si Detroit... Dali-dali naman syang dinaluhan ni Khel at niyakap.
" Toyt, tahan na... Malalampasan mo din lahat yan. Sinabi mo ba sa kanya ang sitwasyon mo?"
Umiling lang sya dito.
"Bakit di mo sinabi?"
"Paano ko pa masasabi kung diniretso nya na ako na wala sya nararamdaman sakin."
"Karapatan nyang malaman at responsibilidad nya kayo ng anak nya."
"ah, basta Khel. Ipangako mo na hindi mo ito sasabihin kahit kanino ha."
"Paano ang mga magulang mo at kapatid mo?"
"Ayaw ko muna sabihin sa kanila. Ayaw ko sila bigyan ng problema, saka ayaw ko magkagalit ang pamilya namin ni Nicho dahil saming dalawa."
"Paano ngayon yan? Toyt, paano kita tutulungan eh pagka-graduate natin alam mo naman na sa ibang bansa ako magpapatuloy ng pag-aaral."
Napaisip si Detroit sa sinabi ni Khel.
"Alam ko na Khel! Sama ako sayo, sabihin ko kila mommy at daddy na sa ibang bansa na din ako mag-aaral! Papayag yung mga yun pag sinabi kong kasama kita!"
"Toyt, oras ng biruan??? Paano ang baby mo?"
"Eh di dun ako manganganak! Syempre yung first year ka, ako tambay muna... Pag nakapanganak na ako eh di babalik aral ulit."
"Sa akin walang problema na sumama ka. Paalam ka muna sa parents mo. Kahit sa magiging bahay ko pa ikaw tumira." tumayo ito at binitbit ang bag ni Det. "Magpahinga ka na, masama daw sa buntis ang stressed at puyat."
Napasunod na lang sya dito...
BINABASA MO ANG
I Could Fall In Love (On Hold)
HumorDetroit and Nicho are bestfriends, pero paano pag nahulog ka sa bestfriend mo at may nangyari sa inyo?