I Could Fall In Love
Chapter 4
Tagaytay.....
Detroit's POV
Excited na ako! Yehey! Share kami ni Nicho ng kwarto!
Naman tagal na kaya kaming share ng room pag may out of town ang families namin.
Kabado ako!
Baka mahalata na nya na in love ako sa kanya.
BEEEEEEPPPPP!
Ay Shemay andito na ang sundo ko. (as if ang layo ng pinanggalingan hehehehe)
"Oi, Det!!! Ano pa iniintay mo!? Magkatabi na lang bahay natinlate ka pa?"
Sigaw naman agad tong Nicho na to!
Pasalamat sya mahal ko sya!
Dumiretso na ako sa kotse sa paglabas ko ng bahay namin.
Napagusapan naman na magkikita na lang kaming lahat sa Tagaytay na at dun na lang mag-convoy papunta sa resthouse nila Nicho.
"Nicho, kumain ka na?"
"Hindi pa pero nagbaon na lang ako ng sandwich alam ko naman kasi na magugutom ka sa byahe eh ang takaw mo."
Okay na sana eh kinilig na ako dahil inalala nya ako na ipagbaon ng breakfast kaso binawian naman ako na matakaw!
"Isa kang malaking TSEH!!!!"
"Kaw talaga Det di ka mabiro. Lam mo naman mahal na mahal kita eh kaya pinagbaon kita ng food." Kinindatan pa ako.
Shemay Nicho! Mahal na mahal din kita!
Kaso di pwedeng sabihin ng malakas wahahahaha.....
(after more that isang oras na byahe andito na sa resthouse kasama ang lahat)
"Anak na toxic! Nicky lufet ng resthouse nyo! Wagas!" Narinig naming sigaw ni Leica.
Ngumisi lang ni Nicho.
Nilapitan ko si Khel.
"Khel, pwede na ba akong pumunta muna sa kwarto? Lalabas din agad ako." nagpa-cute pa ako kay Khel.
"Geh." Tapos tumalikod na sya agad.
Ako naman bitbit ang bag na pumunta sa kwarto. Naman, alam ko aling room gagamitin ko. I mean namimn ni Nicho. Ilang years na namin ginagamit yun, kahit bigyan pa ako ng ibang kwarto ng parents nya eh hinihila nya din naman ako dun sa kwarto nya kaya ayun naging kwarto na namin yun.
Pagkababa ko ng gamit ko dumiretso na ako ng higa sa kama.
Pipikit lang ako saglit para mawala ang feeling na hilong hilo.
=======
Nagising ako sa pakiramdam na may nakatitig.
"Det, kakain na tayo. May formation daw mamaya ang mga COCC."
"Formation agad? Wala talagang patawad si Khel noh?"
Tinawanan lang nya sinabi ko. Tumayo na ako at sumama sa kanya sa baba.
=======
BINABASA MO ANG
I Could Fall In Love (On Hold)
HumorDetroit and Nicho are bestfriends, pero paano pag nahulog ka sa bestfriend mo at may nangyari sa inyo?