I Could Fall In Love
Chapter 12
Nagising si Detroit sa tunog ng alarm clock nya. Maaga sya papasok dahil dadaanan sya ni Khel. Sabay sila papasok ngayon.
Pagkatapos nya maligo humarap sya sa salamin at kinausap ang sarili.
"Tama lang naman na iwasan ko na sya diba? Ang labo ng trip nya, tama na nga lang siguro na mag bestfriend na lang kami."
Naiiyak syang lumabas ng banyo at nagbihis. Pagkatapos nya magbihis ay lumabas na sya ng kwarto at dumiretso sa kusina. Naabutan nya ang Parents at kuya nya na nag-aalmusal.
Humalik lang sya sa mga eto at nagpaalam.
"Uuna na po ako, nandyan na po kasi si Khel, sa labas na kami magbreakfast."
"Si Khel? Asan si Nicho?" Tanong ng daddy nya.
"Ewan ko po, di pa po kami ulit nagkakausap since kahapon ng tanghali. Alis na po talaga ako." Sabay lakad palabas.
Inabutan nya si Khel na nakaupo sa motorbike nito.
"Good morning, baby." Nakangiting bati nito sa kanya.
"Hey BIG BRO! Treat mo ako ng breakfast?" nag pout sya dito.
Natatawang isinuot nito sa kanya ang helmet. "Wag ka na magpa-cute, libre na kita sige. Anong gusto mo?"
"Hotdog sandwich sa 7/11?"
"Yun lang?" napatitig ito sa kanya. "Umiyak na naman ang baby ko? Sabi sayo wag mo masyadong alagaan ang pain. Life is great tandaan mo. Maaayos din kayo."
Napatango na lang sya bago umangkas sa likuran nito.
======
Dumaan lang sila sa 7/11 para sa breakfast nila at dumiretso na sila sa school. Naabutan nila ang ibang officers sa HQ.
"Oi, anong meron at ang aga-aga eh magkasama na kayo?" tanong ni Crischan.
At dahil nakita na ni Khel si Nicky na nasa loob at nakaupo, sya ang sumagot kay Crischan.
"Sinundo ko si Toyt at sabay kami nagbreakfast."
Nakita ni Detroit na napayuko si Leica kaya bumitaw na sya kay Khel at lumapit kay Leica.
"Bakit ang aga nyo naman lahat dito?"
Tumingin si Leica sa kanya. "Ewan ko nga eh, timing lang siguro."
Ng biglang napuno ng sound ng phone ni Nicky ang buong HQ.
"Hello, yeah.... Now na? Blake, may klase pa ako, how 'bout mamaya after school? Sure... What!? Oh my! Okay I'll meet you in front!"
Yun lang at pinatay na nito ang phone at pinasok ang bag nya sa locker bago nag-umpisang lumakad palabas ng HQ.
"Gotta go peeps. Nag-iintay ang date ko sa harap."
Yun lang at nawala na ito.
Naramdaman ni Detroit na hinawakan ni Khel ang kamay nya at bumulong eto sa kanya.
"Be strong baby."
BINABASA MO ANG
I Could Fall In Love (On Hold)
HumorDetroit and Nicho are bestfriends, pero paano pag nahulog ka sa bestfriend mo at may nangyari sa inyo?