Pre-retreat

65 1 0
                                    

Chapter 3

Tahimik na nakaupo ang lahat ng officers sa HQ, pinag-uusapan kung kailan at saan gaganapin ang "retreat" ng officers at COCC.

"We'll leave by Friday after school at babalik ng Sunday afternoon naman. Ang tanong saan tayo?" Tanong ng nakatayong si Khel. 

Nagtaas ng kamay si Nicky para kunin ang atensyon ng lahat. 

"Eh, kung sa Tagaytay na lang?"

Hindi sya nakatiis at binatukan ito. "Naman, Nicho! Pipili ka lang ng lugar sobrang lamig pa, baka nakakalimutan mo December ngayon!?"

Hinuli nito ang kamay nya bago sumagot. "Det, mas ayos kasi pag-doon tayo, I mean we have a resthouse there, I'll ask my parents if we can use it para hindi na tayo maghanap pa ng place to stay."

"Oks yan, Nicky. Tipid!!!" Sabi ng nakangising si Leica. "Khel? Pwede na siguro yun?"

"Okay, ganito na lang. Nicky ask ka ng permission sa parents mo kung pwede nating gamitin ang resthouse nyo then I'll talk to the school admins about this. Syempre kakausapin ko din si Sir." Paliwanag ni Khel. "Leica, paki-ready ang permission slip para sa the rest ng mga buddy natin at yung para sa mga COCC na din."

Tumayo sya at lumipat sa tabi ni Khel. "Ui, baka pwede ng mag-snack? Gutom na ako eh." she flashes him her cutest smile.

Inakbayan sya ni Khel at ginulo ang buhok nya. "Lakas mo sakin!" Tapos inilapit nito ang bibig sa tenga nya at bumulong. "Alam ko kung ano tong ginagawa mo."

Bigla syang namula dahil buko na sya ni Khel. "Wag ka maingay ha, please...."

Kinurot lang nito ang pisngi nya bago humarap sa lahat at nagsalita ulit. 

"Settled na ha, wait nyo na lang ang desisyon ng parents ni Nicky at school admins tapos ipapamigay na namin ang para sa mga parents natin."

Naglabasan ang ibang officers at naiwan naman ang iba. Akala nya aalis na din si Nicky pero bigla itong lumapit sa kanila ni Khel. 

"Det, tara!" 

Nagulat sya at bigla itong nagyaya. 

"Saan?"

I Could Fall In Love (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon