I Could Fall In Love
Chapter 16
From the airport ay dumiretso na sila sa bahay ng mga magulang nila. Pagdating nila doon ay nagulat pa sya ng makita nyang may inihandang welcome party ang parents nya.
Sinalubong sya ng yakap ng daddy at mommy nya, nagsisunuran naman ang mga kaibigan nila na imbitado.
Nakita nya ang parents ni Nicho na palapit na din, sinalubong nya ng yakap ang mga ito.
"Tito, Tita kumusta na po?"
"Ayos lang naman kami iha, halos walang pinagbago maliban sa few lines na dumagdag." Nakangiting sagot ng mommy ni Nicho.
Inakbayan naman sya ng daddy ni Nicho. "Nicho's very excited to see you, when he heard the news that you're coming back he kept asking me and his mom about your flight details."
"Where is he po?" tanong nya sa mga ito.
"He's just around here somewhere." Sagot ng daddy ni Nicho.
She turned her head around to see if he's watching her from somewhere. "Tito, Tita I'll leave you po muna ha, I have to talk to Khel and Leica."
Nakita nya ang dalawa na nakikipagkulitan sa anak nya. Lumakad sya palapit sa mga ito.
"Hey... What's going on here?" Niyakap nya si Dallas.
"MOM!!! I told you, no cuddling in front of many people." Sinamaan pa sya nito ng tingin. "Mom, can I ask you something? There's this one guy talking to uncle Trent few minutes ago, he patted my head and said that I look like someone very close to you mom. Who is he?"
Nagkatinginan na lang silang tatlo sa tanong ni Dallas. Mukhang mapapaaga ang pagkakakilala ng mag-ama. Since wala naman syang balak itago si Dallas kay Nicho mabuti na din na sabihin na agad nya. Ang problema lang nya ay ang mga magulang nila. Maliban kay Khel at Leica, ang kuya Trent lang nya ang may alam ng identity ng ama ni Dallas.
"Guys, have you seen Nicho? I have to face him anyway so why not do it now, diba?" Tanong nya sa dalawa.
Tumango si Leica sa sinabi nya. "Mabuti na din yun dahil panay tanong na nyang inaanak namin kung sino ang daddy nya."
"Sweetie, c'mon. I'll introduce you to someone." hinawakan nya ito sa kamay at pumunta sila sa loob kung saan nandun ang kuya nya at si Nicho.
Pagpasok nila nakita nya agad ang isang lalaki na kausap ng kuya nya, nakatalikod ito sa kanila ni Dallas. Sa tayo pa lang nito ay alam nyang si Nicho ang kausap ng kuya nya. Lumaki ang katawan nito at lalo tumangkad, and his butt looks sexy.
Napailing sya sa naisip. Tama bang isipin pa nya yun? She's over him kaya hindi na nya dapat binibigyan ng pansin ang mga ganung bagay. Mabuti pang ipaalam ko na na nandito kami.
"Kuya, excuse me."
Napatingin ang dalawa sa kanila ni Dallas.
"Oi, Toyt! Miss mo agad ako?" tanong ng kuya nya.
"Det..." tawag sa kanya ni Nicho.
"Nicho, pwede ka bang makausap saglit?" tanong nya dito. "Kuya pwede bang iwan mo muna kami?"
"Sige, maiwan ko muna kayo dyan. Nicho maya na natin ituloy ang kwentuhan." naglakad na ito palabas.
Pareho silang natahimik pag-alis ng kuya nya. Mukhang nainip naman si Dallas kaya nagsalita na ito.
"Are you guys are just gonna stare at each other?"
Natawa sila ng sabay ni Nicho sa sinabi ni Dallas.
BINABASA MO ANG
I Could Fall In Love (On Hold)
HumorDetroit and Nicho are bestfriends, pero paano pag nahulog ka sa bestfriend mo at may nangyari sa inyo?