(Team Building part 1)
Joyce Pov
Andito na kami sa school ng maaga, baka maiiwan pa kami, no way. Mahirap na. Panigurado lang. Team Building na namin ngayon. Excited na ako, excited na kami lahat. Excitedag bonding sa lahat.
Nagsipasok na rin kami sa bus. Para makapili kami ng magandang pwesto. Teka saan ba magandang pwesto para umupo?
"Joyce dito" tawag sa akin ni Reymond.
Teka tatabi ako kay Ali na yan? No way. Ang awkward kaya yang katabi.
Pero friends na kami niyan. Eh kasi di ako comfortable sa lalaking yan di ko alam kung bakit. Tsk, no choice ako wala na akong mauupuan na malapit sa bintana. Kaya umupo na lang ako sa tabi niya.
Hinanap ko ang headphone ko sa bag. Mukhang nakalimutan ko pa ata. Dapat wala akong nakalimutan pero bakit. Sa kakamadali ko ito. Kainis
.
.
.
.
.Kasulukuyan na kami sa biyahe. Antok na antok ako kaso, saan naman ako matutulog baka mahulog pa ako sa kina uupuan ko at gugulong ako diyan sa sahig tapos mahuhulog ako dito sa bus maiiwan ako...No way....titiisin ko na lang muna.
Bigla akong nagulat ng may kamay na humawak sa ulo ko at nilagay sa balikat niya. Sino pa nga ba, eh siya lang naman katabi ko dito, diba? Maliban na lang kung multo.
"Matulog ka muna malayo pa yong pupuntahan natin, diba?" Mahinahon na sabi niya
Bigla akong napangiti. Teka erase. Antok lang yan.
Bigla niyang nilagay ang headseat sa tenga ko yong isa lang ha, sa kanya kasi yong isa. Ang bait naman niya. Naki share pa siya.
Sabi niya matulog ako e di matulog. Nakakaantok talaga pag nasa biyahe ka.
Good night....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako dahil may sobrang ingay at sakit sa tenga at nakakainis pang pakinggan."Hoy kayong dalawa, wala ba kayong balak na bumaba. Andito na kaya tayo. Baka nakakalimutan niyo nasa trip tayo, wala sa date." Sigaw ni Jymi.
Ang ingay-ingay niya, nagising tuloy ako. Bakit kailangan niya pang sumigaw?
"Whaaaa. Bakit hindi nila sinabi na beach pala ang pupuntahan natin? " Manghang sabi ni Almie na tumatalon pa.
Kulang na lang ay magtatakbo.
"Hindi ka kasi nagtanong. Hindi sana alam mo" sabi ni James.
Tinignan siya ng masama ni Almie.
"Ikaw ba ang kina kausap ko dito ha. Wag ka ngang assuming diyan" sabi ni Almie.
"Bakit sinabi ko bang nag Assume ako?" sabi ni Reymond.
Akala ko ba bati na itong dalawang ito? Bakit ngayon parang aso at pusa na naman ito?
"Tulungan na kita" sabi ni Clark kay Theresa.
"Hindi na kaya ko naman eh" sabi ni Theresa at iniwan si Clark.Napakamot tuloy ng ulo si Clark.
"Ok class every group may leader at ang leader niyo ang nakakaalam kung saan ang room niyo" sabi ni Mr. Santos.
Teka sino yong leader namin. May leader ba kami?
"Guys, nasa akin ang number ng room natin" biglang sabi ni Martz.
"Ikaw ang leader?" Takang tanong namin.