Chapter 5

67 5 0
                                    

Joyce Pov:

Tumigil muna ang mundo sa nangyari. Parang teleserye lang ang peg.

"Nakita mo ba sila Dave kanina ko pa sila hinahanap" tanong niya.

Yon lang pala. Bakit Joyce ano ba ang inaasahan mong sasabihin niya? Baliw na talaga siguro ako.

"Aaaah nasa canteen sila. Gusto mo bang pumunta doon sabay na lang tayo. Doon din kasi punta ko" sabi ko.

Teka bakit ang bait ko naman ata? Close ba kami nito.

"Hindi ka na galit sa akin?" sabi nya.

Galit ba ako sa kanya? Aaah oo noong naka eyebags ako dahil sa kanila. Maliit na bagay.

Maliit na bagay daw? Ang Oa ko nga sa araw na yon.

"Huh? Tara na, ang dami mong tanong" sabi ko sabay unang naglakad.

"Akala ko kasi galit ka" bigla niyang sabi.

Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya. Bakit naman ako magagalit sa kanya?

"Mukha bang bad girl ang pagmumukhang ito. Ikaw lang naman ang masama ang ugali dito ha. "sabi kosabay turo sa sarili ko.

"Ako? Mukha ba akong masama ang ugali, sa gwapo kong ito" sabi niya.

"Hindi ka lang pala masama ang ugali ang yabang pa. Di ikaw na ang gwapo" sabi ko.

Bigla siyang natawa. Baliw na ba siya tapos tinitigan niya ako bigla.

"Bakit?" Taka kong tanong.

"May iniisip lang ako" sabi niya sabay iwas ng tingin.

May iniisip tapos titigan ako. Iba din pala itong mag isip

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" taka kong tanong sa kanya.

Bigla niyang ginulo ang buhok ko na kinabigla ko. Iba lang kasi ang dating sa akin.

"Para ka talagang bata" sabi niya sabay ngiti.

Dub.dub.dub.dub.dub.

May heart attack ata ako guys help me hindi ko nakaya ang lakas ng tibok ng puso ko, what is happening. Aatakihin na siguro ako.

"Natulala ka ata" sabi niya bigla.

Tumigil kasi bigla ang mundo. Tanga

"Huh?Tara na nga" sabi ko at umalis.

Pagdating ko sa table ayon nagtatawanan sila lahat anong meron. Bigla ata silang naging close.

"Andito na pala kayo"sabi ni Joerilyn.

"Sabay pa ha" dagdag ni Martz.

Umupo muna ako. Hindi na ba pwedeng magsabay?

"Girls may sasabihin ako mamaya sa bahay" sabi ko.

"Paano kami?" singit ni Dave.

Teka kaibigan ba namin sila?

"Girls talk. Boys is not allowed. Gaanon yon." sabi ni Theresa.

"Tungkol saan yang paguusapan niyo?"tanong no Clark.

"Girls talk nga lang kasi paulit-ulit ka" sabi ni Theresa.

"Pasensya Ms.Sungit" sabi ni Clark.

Tinignan lang siya ng masama ni Theresa.

"Wala ba tayong balak na pumasok sa next class" singit ni Hannah.

I'm Falling Inlove with a StrangerWhere stories live. Discover now