Rhona Pov
Nag mamadali ako papuntang dalampasigan at pansin ko wala talagang tao.
"Excited na ako ma meet siya" sabi ko.
Hinanap ko na agad siya kung saan siya. Ano kaya itsura niya o hindi kaya mabait ba siya? Sana nga lang talaga, ayokong ma disappointed
Napahinto ako ng nakita ko si Jm sa dalampasigan, nakaupo sa buhangin na tinitignan ang karagatan.
Paanong? Bakit kaya andito siya?
Hindi kaya siya? Pero impossible naman ata yon. Baka nagkataon lang na nagpahangin siya?
Nagtago kaagad ako. Hindi niya pwede akong makita. Pero hindi pa naman tayo sure, kung siya nga.
Biglang tumunog ang phone ko kaya dali-dali kong sinagot
"Saan ka na?" Tanong niya.
Pero hindi ako sumagot ng marinig ko ang sabi ni Jm, na pareha sa narinig ko ngayon sa phone ko.
Imposible. Yan lang ang sinsabi ng isipan ko ngayon.
Agad-agad kong pinatay ang tawag at tumakbo pabalik ng kwarto namin. Hindi pwedeng siya.
"Oh, bakit andito ka agad? Diba may meet kayo noong Chat mate mo?" biglang sabi ni Jymi habang nagbabasa.
Hindi ko alam kung anong dapat gawin ngayon. Naguguluhan pa ako sa mga nangyayari
"Ahh kasi nagtext kasi siya na hindi siya makarating bumalik na siya sa kanila may emergency kasi daw" sabi ko sabay higa.
"Sayang gusto ko pa naman makita siya. Hindi pa siguro ito yong time sa inyong dalawa. Hintayin mo na lang yong taman oras" sabi ni Jymi.
Tadhana nga talaga. Hindi nga talaga ang panahon.
Makatulog na nga lang.
.
.
.
.
.
.12 na ng midnight hindi parin ako makatulog. Akala ko madali lang matulog, pero hindi madaling matulog pag may kumagabag sayo. Ang daming kong iniisip at hindi ko na rin naiitindihan ang mga pinag-iisip ko.
Waaaah, ang bigat na ng mata ko hindi parin ako makatulog. Seriously. Makaka eye bags ata ako ngayon. Ramdam ko na ang mga eye bags ko
.
.
.
.
.
.
.Morning
Nakatunganga lang ako ngayong umaga.
"Oh, anong nangyare sayo bakit nagmukha kang zombie?" tanong Theresa.
Nagpout lang ako huhuhu. Mukha na nga ba akong zombie?
"Tara na breakfast na" sabi ni Theresa.
Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Kumakain na ang lahat at syempre naka yuko lang ako. Mukha akong suspect ng isang crime sa ginagawa ko.
"Nga pala Jm. Nakita mo na ba yong chat mate mo kagabi?" biglang sabi ni Dave.
Biglang tumigil saglit yong hininga ko ng marinig ko yon. Kainis naman. Bakit yan pa ang topic na naisip niya?
"Hindi siya pumunta. I don't know why" sabi niya at nag walk out.
Anyare doon. Naapektuhan ba siya dahil sa hindi ako pumunta? Wag assuming Rhona. Ang landi mo
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Theresa Pov