Chapter 10

60 4 0
                                    


Joyce Pov

Hinanap ko na si Justine. Teka asan na kaya siya? Bigla na lang nawawala.

"Justin asan ka?" sigaw ko.

Pero no response. Ang bilis naman niyang mawala? 

Kailangan na naming maka alis dito. Umaabon na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Alizzher Pov

Nasa activity area na ang lahat. Teka, bakit wala ata si Joyce?

"Ali nakita mo ba si Joyce wala kasi siya dito?" sabi ni Jymi.

"Hinahanap ko nga. Akala ko nga kasama niyo siya" sabi ko.

Kakakita ko lang kanina sa kanya.

"Ok thanks. Baka magkasama sila ni Justine. Sige, hahanapin ko muna si Justine" sabi ni Jymi at umalis para hanapin si Joyce.

Bigla namang dumating si Justine. Teka asan si Joyce?

Nilapitan ko siya agad dahil iba ang kutob ko.

"Asan si Joyce?" sabi ko sa kanya ka agad.

"Yon nga Alizzher kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko na siya makita. Kaya bumalik ako dito para humingi ng tulong para hanapin siya" sabi niya.

Sinuntok ko siya.

"Wala kang hiya. Magkasama kayo pero iniwan mo" sigaw ko sa kanya.

"Tama na Ali" sabi nila Dave.

Agad akong umalis, kailangan ko  siyang hanapin. 
.
.
.
.
.
.
.
Joyce Pov

Pumapatak na ang ulan. Ramdam ko na lumalakas na din ito. Nasa ilalim lang ako ng puno, naka upo. Baka may mga halimaw dito, engkanto o hindi kaya manananggal o kung anong nilalang pa yan. Sino kaya tutulong sa akin? Kakakinin nila ako kasi gutom na sila. Pinatong ko ang ulo ko sa mga tuhod ko, habang nakayuko.

Biglang may nadinig akong mga kaluskos huhuhu ayoko na dito sobrang natatakot na talaga ako. Bigla may sumagi sa isipan ko, pag natatakot kasi biglang may naalala ako.

"Pagnatatakot ka, isipin mo lang ako. Dadating ako para sayo"

Ang salitang ito ang paulit-ulit na naalala ko sa tuwing nakakaramdam ako ng takot. Hindi ko lang alam kung sino ang nagsabi niyan sa akin. Pero gumagaan ang kaluuban ko pag naalala ko ang salitang ito, makiramdam ko safe ako.

Biglang may humawak sa braso ko.

"Aaaaahhh" sigaw ko sa sobrang gulat at sa takot ko.

Aba malay ko ba kung halimaw na pala ang humawak sa akin, kakainin na niya kaya ako. Dahil sa gutom na siya.

"Joyce" bigla niyang sabi niya. Oh diba kilala ako noong halimaw...hanep

Biglang tumulo yong luha ko ng makita ko siya. Hindi ko alam kung bakit ang OA ng mga luha ko? Bigla ko siyang niyakap. Gaanon ako ka OA ngayon.

"Buti at nahanap mo ako" sabi ko.

"Andito lang ako palagi. Don't worry. I'm here. I'll protect you always" sabi niya.

Ano na naman ang kalukuhan mo heart ngayon ha? Mamaya ka na. Takot pa ako.

"Let's go" sabi niya.

Tumango ako at bumalik na kami sa resort.

Bigla naman akong niyakap noong anim. Ok na, sige na kayo na OA. OA na kaming lahat.
.
.
.
.
.
.
.
.
------

I'm Falling Inlove with a StrangerWhere stories live. Discover now