Chapter 49

41 1 0
                                    

Jymi Pov

Wala kaming pansinan. Tahimik lang kami walang ni isa gustong magsalita ngayon.

"Nagtext na si Joyce sa akin. Uuwi na muna sila" sabi ni Tita.

"Kasama si Ali?" takang tanong ni Almie.

Magkasama kaya sila?

"Yes. So let's continue the party" sabi ni Tita.

Ibig sabihin ok na sila. At ibig sabihin alam na ni Joyce ang totoong dahilan. Siguro? Sana ok na sila.

"Ok na silang dalawa?" biglang tanong  ni Cyril sa akin.

"Bat ako tinatanong mo? Alam ko ba?E andito lang ako ha sa tingin mo may alam ako" sabi ko.

Ini inis ako ng isang to ha.

"Galit ka pa ba sa akin?" mahinang tanong niya, pero dinig ko pa rin.

"Hindi ako galit sayo, nagtatampo lang ako sayo" sabi ko lang.

"Talaga" sabi niya at bigla niya akong niyakap.

Aba.

"Touching ka ha." sabi ko at lumayo sa kanya.

Pa hard to get kasi si ako minsan, nagpapalambing lang. Ang landi. To be honest namiss ko yong mga yakap niya.

"Babawi ako sayo" sabi niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. Aasahan ko yon.

"Anong sabi mo?" tanong ko.

Nadinig ko naman talaga sinabi niya, pa as if lang talaga ako. Mukhang tanga lang.

"Sabi ko ang ganda mo" sabi niya.

"Ahhh ok" sabi ko lang.

Matagal na akong maganda.

Para na akong engot nito. Pinipilit kong pigilan na wag ngumiti.
.
.
.
.
.
.
.
.
Theresa Pov

Kanina pa ako, hindi comfortable dito sa kinauupuan ko.

"Ok ka lang" bigla niyang tanong.

"Yeah" sabi ko lang kahit di naman talaga.

"Sabi ni Tita, sasali ka sa fashion week." sabi niya.

Tumango lang ako. Kailan pa sila naging close ni mommy?

"Gusto mo bang e invite natin si Coco Chanelsa kasal natin. Ang isa sa mga sikat na fashion designer" sabi niya sabay inom ng wine niya.

Yon yong sikat na  Fashion Designer? Oh my god, naiisip ko pa lang na andoon siya sa kasal ko sobrang natutuwa na ako.

"Sige" tuwa kong sabi.

"So, payag ka nang pakasalan ako?" Tanong niya.

Anong sinabi niya? Parang nabingi ako bigla ha.

"Huh? Wala akong sinabing ganoon" sabi ko.

"Anong wala pumayag ka na kaya. Wala ng bawian" sabi niya.

"Hoy wala akong sinabi" sabi ko.

Wala talaga akong sinabi.

"Tumigil nga kayong dalawa" saway ni Joerilyn sa amin.

"Una na kami" sabi bigla ni Martz.

"Uuwi na kasi kami. Kita na lang tayo bukas" sabi ni Joerilyn at umalis na silang dalawa.

I'm Falling Inlove with a StrangerWhere stories live. Discover now