Theresa Pov
Habang papasok ako sa school ang daming nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung bakit.Hindi ko na lang sila pinansin ang mga matang nakatingin sa akin ngayon at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Saka lang ako tumigil sa paglalakad dahil sa mga bulungan nila, hindi ko alam kung bulong ba ang tawag nila, kasi dinig na dinig ko naman talaga.
"Feelingera pala yang babae na yan"
"Feeling maganda kasi"
"Akala mo kung sino"
"Hindi naman pala girlfriend, pero maka asta parang girlfriend na"
"Yong lalaking akala niya ay boyfriend niya ayon may kasamang girlfriend. Yong totoong girlfriend"
Ayoko ng gulo. Kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit gusto ko ng umiyak.
Pumasok na lang ako sa classroom. Andoon na sila lahat kaya umupo na lang ako katabi nitong lalaking ito.
"Bakit wala ka kahapon? May sakit ka ba?" tanong niya.
Oo, may sakit ako Clark. Sobrang sakit nga.
Tumango lang ako.
"Good morning class. You have new classmate. Come in" sabi ni Sir.
Pumasok siya. At unti-unting tumigil yong mundo ko. Bakit andito siya?
"Hi classmmate. I am Sofia Villasquez" sabi niya.
"Take your seat Sofia" sabi ni Sir.
"Sir. Can I set beside Clark? Siya lang kasi yong kakilala ko dito" sabi nitong Sofia.
Nananadya ba ito? Siya lang kilala? So kami hindi niya kakilala?
"Sure. Theresa transfer in front" sabi ni sir sa akin.
Lahat nakatingin sa akin. Yong iba nagbubulungan na. Haaay.