(DAY 2)
Almie PovAng ganda ng gising ko. Parang may kung anong mangyayari na ikakatuwa ko. Pero parang alam ko na. May bagong dish sa canteen ngayon. Excited na akong kumain.
Habang papasok ako, naka ngiti ang mga estudyante sa akin.
Baka sobrang ganda ko ngayon? Oh diba pansin din nila.
Biglang tumunog ang Cellphone ko.
Hannah:
Good morning girl. Punta ka sa second floor. Andoon kami. Hihintayin ka namin.Me:
okBakit kaya andoon sila? May activity siguro si maam , at doon gaganapin. Maka punta na nga lang. Pachill-chill lang pero late na kaya ako.
Nasa second floor na ako.
"Asan na kaya sila?"sabi ko sa sarili ko.
Kaya tenixt ko si Hannah.
Me:
Asan na kayo, andito na ako....Hannah:
Tumingin ka sa babaBakit naman? Tumingin naman ako sa baba, gaya ng sabi ni Hannah. At makikita mo ang buong ground. Pero isa lang ang hindi iniasahan Kong makita. May word sa ground na petals ng bulaklak ang ginamit para buhuin ang mga word na yon. Taka kayo kung ano yong Word?
Will you be my girl?
"Ano ito?"sabi ko na sobrang pagtataka.
Halo-halo na ang nararamdaman ko. Pero nangingibabaw parin ang kaba ko. Na hindi ko maiintindihan kung bakit?
Natatanaw ko na may lalaking naglalakad, papunta sa mga word na yon. May dala siyang bulaklak at malaking teddy bear.
Kahit ang layo pa niya ay makilala mo kaagad kung sino siya. Tumunog na ang cellphone ko.
Hannah:
Bumaba ka na. Nakita mo na diba?Me:
Grabe kayo. Pinapahirapan niyo ba talaga ako eh. Second floor kaya ito.Bumaba na ako at pumunta sa ground. Lahat naka tingin sa akin. Parang artista ako nito ha.
"Lapitan mo"sabi nilang anim.
Habang papalapit ako sa kanya. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Wala na akong nadidinig kundi lang ang tibok ng puso ko. Aatakihin ako nito nawala sa oras eh.
Huminto ako sa harap niya. Ni ngitian niya ako. Inabot niya sa akin ang teddy bear at bulaklak.
"May ganito pa talaga?"Taka kong sabi.
"Syempre, para hindi mo agad makalimutan"sabi niya.
Huminga muna siya nang malalim.
"Almie pwede ba? Pwede ba kitang maging girlfriend ko?"sabi niya.
Nakatitig ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Mahal na mahal kita,alam mo yon. Kahit itulak mo man ako palayo sayo,hindi ako susukong bumalik sayo ng paulit-ulit dahil ikaw lang yong taong mamahalin ko"sabi niya.
Niyakap ko siya hindi ko alam kung bakit. Pero narealize ko na hindi ko na hahayaang mawala sya sa piling ko at makuha pa ng iba.
Niyakap niya ako pabalik.
"So tayo na?"tanong niya.
"Syempre hindi. Aba uso pa ligawan ngayon. Akala mo sasagutin kita kaagad dahil dito. No way"sabi ko.
"Ano ba yan. Akala ko yon na eh"sabi niya sabay pout.
Ang OA din ng taong to.
"Gusto ko lang ma experience ang nililigawan ka no"sabi niya.
"Sige na nga para sayo."sabi nya sabay hila sa akin at niyakap niya ako.
Ang bango talaga ng lalaking to. Nakakaadik.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Joyce PovPagkatapos ng eksenang yon. Pumunta muna ako sa CR.
"Well, nagkaharap din tayo. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Look at you"sabi ni Blossom.
"Anong kailangan mo?"taka kong tanong.
"Noong una wala. Pero ngayon meron na. Lahat kayo mga sipsip sa mga Black Brother. Ginamit niyo ang mga Black Brother, para sumikat din kayo at makilala kayo ng ibang tao."sabi niya.
"Talaga. Kailan pa kita naging bestfriend para malaman ang mga plano ko. At kung nadinig mo yan sa iba, sigurado ka ba na yan talaga ang gagawin ko? Sa pagkakaalam ko kasi parang plano mo yan. Pinasa mo sa akin para ako yong magmukhang mali kaysa sayo,diba?"sabi ko.
"How dare you"sabi niya at sasampalin na sana ako pero nabigilan ko.
"Sige ituloy mo. Parang pinatunayan mo lang na ang sama mo talaga. Sayang. Ang ganda mo pa naman, kasing sama naman ng ugali mo"sabi ko at umalis.
Ewan ko sa babaeng yon. Yong totoo,naka drugs ba yon?
Bumalik na ako sa classroom.
"Ang tagal mo ha"sabi ni Hannah.
"Sorry po. Pasensya"sabi ko.
Umupo ako sa tabi ni Mokong. Umaharap ako sa kanya.
"Bakit?"taka niyang sabi na dahilan ng pag blush niya.
Ang cute talaga niyang mang blush. hahaha
Mas lalo akong lumapit sa kanya na palayo ng palayo nman sya. Sunod-sunod ang paglunok niya na mas gusto ko pa siyang pagtripan.
"Ano-ng gina-gawa mo?"tanong niya.
"Kanina ko pa gustong sabihin na"mahina kong sabi.
"Na masama ba ako?"sabi ko at lumayo sa kanya.
"Yon lang pala"sabi niya.
"Oo yon lang talaga. Bakit ano ba ang inaasahan mong sabihin ko?"sabi ko. (evil grin)
"Wala naman. Teka bakit nagtanong ka na masama ka ba? Ano naman naisip mo at nagtanong ka ng ganyan?"sabi niya.
"Naisip ko lang nga eh. Baka kasi napipilitan lang kayo makisalimuha sa akin,dahil ang sama ng ugali ko na hindi niyo gustong gawin ko"sabi ko.
"Hindi ka masama. Ikaw nga yong anghel ng buhay ko. Sinong masama sa gaanong klaseng paraan.''sabi niya.
Ngumiti lang ako. Kahit kailan talaga magugulat ako sa mga sasabihin niya. Hindi ko alam kung bakit?
Salamat Ali. Salamat
____________________________________
Keep Reading