Almie Pov
Andito kami sa roof top. Gusto kong kausapin siya. Alamin yong lahat kasi kung wala akong ginagawa paano ko malalaman ang katotohanan?
"Almie,gusto kita"yan agad ang sinabi niya.
Ay grabe siya oh. Yan agad-agad. Kadadating ko lang kaya. Ok fine.
"Paano? Bakit? Saan nagsimula? Bakit ako pa?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung saan. At hindi ko alam kung bakit ikaw pa. Pag gising ko saka ko lang na realize na gusto ko na lagi kang nakikita, makasama. Dahil sa tuwing nangyayari yon don ko lang na realize masaya pag nasa tabi lang kita."sabi niya.
"Pakiramdam ko ang lungkot-lungkot ng buhay na meron ako sa tuwing wala ka sa tabi ko. Gustong- gusto kong maging parte ng buhay mo. Maging isa sa mga taong mahalaga sayo. Pero may pagkakataon talaga, na kahit gustong-gusto mo siyang makuha hindi mo magawa. Minsan kasi natatakot ka"sabi niya.
"Natatakot ako sa mga sasabihin mo. Natatakot na lumayo ka, dahil lang sa nalaman mo na gusto ko kita. Ang daming kong maling naiisip, pero heto parin ako bumabalik ng paulit-ulit. Kasi kong susuko na lang ako bigla na hindi ko iniisip yong pwedeng mangyari, mawawala yong taong gusto ko at taong mahal ko. At ikaw yon. Ang manhid mo lang kasi kahit pinapakita ko na, tinutulak mo naman ako palayo sayo"sabi nya.
Hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Hindi ako mangangako sayo. Gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin mapatunayan sa lang sayo at sa sarili ko, na mahal na mahal kita. Yan muna ang bibitawan kong mga salita para sayo. Gusto ko kasi ikaw ang makapag sabi sa mga ginagawa ko"sabi ko.
"Reymond hindi kita tinulak palayo. Baka naisip mo lang na tinulak kita. Ganyan kasi kayo, wala pa nga kaming ginagawa binibigyan niyo na ng kahulugan. At yang kahulugan na yan, diba minsan hindi totoo o sadyang hindi nangyayari. Inisip niyo yong mga bagay na hindi naman mangyayari sana. Minsan diba nagiging selfish kayo, kasi gusto niyo na puro masaya , gusto pag gusto niyo dapat andyan na. Hindi niyo ba naisip na pinipreasure niyo kami, dahilan ng hindi na kami makakapag-isip ng maayos. Kasi gusto niyo agad-agad may sagot na. Gusto niyo andyan na"sabi ko habang yumuko.
"Sorry ayoko lang kasi namawala ka sa akin at makuha ka ng iba"sabi niya.
"Alam ko. Pero hindi mo ba naisip na pwede akong mawala dahil sa pinag gagawa mo. Hindi mo kayanv maghintay, kahit kunting panahon lang. Yon ba yong pagmamahal? Hindi, diba? dahil ang totoong pagmamahal kayang maghintay na kahit sobrang tagal"sabi ko at aalis na sana kaso pinigilan niya ako.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Na parang ayaw na niyang bitawan o pakawalan pa.
Ang totoo lang naman, ayoko lang talagang maiwan o masaktan man lang. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin, na baka hindi ko kayang ipaglaban, yong nararamdaman ko. Sobrang takot ako.
"Paghihintay ako sayo pangako"sabi niya habang yakap ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
Joyce PovAndito ako sa library nagbabasa ng libro malamang library ito hindi canteen.
"Andito ka lang pala. Nakakapagod kayang hanapin ka, tapos andito ka lang sa library na ito"sabi ni Rhona.
"Shhhh"sabi noong mga estudyante sa kanya.
"Sorry schoolmate"sabi niya.
"Trip ko kasing magbasa ngayon, kayo lang naman hindi mahilig magbasa"mahinang sabi ko sa kanya.