Chapter 15

47 1 0
                                    

Joyce Pov

1 month later

Nasa canteen kami kasama si Alex. Naging kaibigan na namin siya. Simula noong nakikilala namin siya.

"Malapit na ang festival" biglang sabi ni Almie.

Parang alam ko na ang iniisip niya. Pagkain na naman. Ano pa ba ang bago sa kanya?

"Joyce gusto mo ng chocolate cake?" bilang sabi ni Alex.

"Oo, bakit bibilhan mo ako?" Tanong ko.

"Sige bili muna ako" sabi niya at umalis.

Yes, libre na naman.

"Pansin ko Joyce lagi ka niyang ni lilibre tapos kami hindi." sabi ni Almie.

"Oo, nga gaanon na ba kami ka invisible pag nililibre ka niya kaya hindi niya kami nakikita" sabi ni Hannah.

Mukhang gaanon na nga siguro.

"Sa tingin ko may gusto yon sayo eh" sabi ni Theresa na kumakain ng burger.

Gusto agad-agad? Hindi ba pwedeng mabait lang yong tao sa akin?

"Oo nga parang ang sweet niya sayo" sabi ni Joerilyn.

"Tanungin mo kaya Joyce para malaman mo" sabi ni Jymi.

Ako magtatanong?

"Sige next time "sabi ko lang.

Hindi ko alam kung kaya ko ang part na yon.

"Heto yong cake mo" sabi niya at inabot sa akin at tumabi na ulit siya sa akin.

"Salamat" sabi ko.

"Una na kaming anim ha may gagawin pa kasi kami" sabi ni Jymi at umalis na kaagad sila.

Si Theresa dinala na lang niya yong burger niya kasi hindi pa siya tapos. Anong nangyri sa mga yon?

"May homework ba tayo?" tanong bigla ni Alex.

"Wala naman. Bakit mo naman na itanong?" sabi ko at kumain ng Cake.

"Kasi nagmamadali yong anim" sabi niya.

Nabaliw lang yon?

"Wag mong intindihin. Baliw lang yon" sabi ko.

"Wag mong ubusin yong cake sobrang matamis" sabi niya.

"Huh?Gusto ko pa namang ubusin" sabi ko.

"Ubusin mo na lang pero uminom ka ng maraming tubig. Baka magkasakit ka pa. Mukhang ang tamis" sabi niya.

May sakit na nga ako. Hindi ba halata.

"Hmmm Alex pwede samahan mo ko sa library may hihiramin akong libro. Trip ko kasing magbasa eh" sabi ko.

Hindi namam talaga ako magbabasa eh. Plano ko lang na magtanong sa kanya gaya ng sabi ni Jymi. At bakit sa library pa? Well baka may makita ako ng magandang libro, kung sakali.

Library

Habang nasa library kami naghahanap ng libro. Na isipan ko time na siguro.

"Hmmm Alex pwedeng magtanong?" simula ko.

Kinakabahan naman ako. First time na ganito ang mangyayari. Baka kasi assuming lang ako.

Wala naman sigurong mawawala kung magtatanong lang

"Ano yun?" Tanong niya habang may binabasa sa isang libro.

"Hmmm kasi naiisip ko lang na hmmm may gusto ka ba sa akin? Tinatanong ko lang" tanong ko.

I'm Falling Inlove with a StrangerWhere stories live. Discover now