Jymi Pov:
Sobrang nasaktan ako sa nangyari Kay Theresa. Ang epal talaga ng Sofia na yon. Pag naubusan talaga ako ng pasensya sa kanya, naku makaka eye bags talaga siya.
Papunta na ako sa library ngayon, dahil may hihiramin akong libro. Alam niyo yong black spell? Kung alam niyo yon, okay hahaha. Hoy, hindi ako gaanon kasama ha. Wag kayo mga readers, kung ano-ano pinag-iisip niyo.
"Oh! Andito karin?" takang sabi nitong Cyril nato.
"Bakit bawal bang pumunta dito?" taka ko ding sabi sa kanya.
"Hindi. Nagtataka lang kasi ako, dahil hindi ka naman mahilig magbasa o sa madaling salita..." sabi niya pero hindi niya tinuloy.
"Anong sa madaling salitang sinasabi mo?" sungit na tanong ko.
Kung ano-ano na naman ang naiisip ng lalaking ito. Ang mahirap niyang basahin, kung nag-iisip ba siya.
"Kaya nga hindi ko tinuloy diba kasi nga, wala na akong sasabihin. Wag kang assuming" sabi niya at umalis.
Wow ako pa ang assuming. Ang kapal ng pagmumukha ng lalaking yon. Akala niya ang gwapo niya. Ang gwapo nga naman talaga. Ahhh basta ang kapal-kapal talaga ng pagmumukha niya.
Makahiram na nga lang ng libro.
Hinahanap ko na yong librong gusto kong basahin. Asan na ba kasi yon?
"Andito ka na naman? Sabihin mo nga ang totoo, Gusto mo ba ako?" Tanong niya.
Ang galing din ng lalaking ito. Andito lang ako, gusto agad. Hindi ba pwedeng nagkataon lang na andito ako at andito siya.
"Sasabihin ko na nga ang totoo" seryoso kong sabi, habang papalapit sa kanya.
Pansin ko na sunod-sunod ang paglunok niya.
"Alam mo gustong-gusto kitang ibaon sa lupa ngayon. Para mawala yang kapal ng mukha mo at pagiging hangin mo. Tandaan mo, hindi lang ikaw ang gwapo sa mundo. Kaya wag kang puro confident na gusto ka ng maraming tao. Baka kasi bukas pag gising mo, ang mga babaeng naghahabol sayo, ay mawala na parang mga bola. Kasi akala mo, hindi mangyayari kasi hindi yon ang mga gusto mo, hindi yon ang mga inaakala mo. Minsan pwede ba, mag-isip ka mo na" sabi ko at umalis sa tabi nya.
Akala niya. Wala akong masasabi. Pwes, meron ang haba kaya ng sinabi ko. Nasa kanya na yon kung naiintindihan niya yong sinabi ko.
Pagdating ko sa classroom. Ayon chika minute na naman.
"Saan ka galing?" Tanong ni Joyce.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Hannah.
"Sinong kasama mo?" Tanong ni
Joerilyn."Sa library mag-isa lang. Naghahanap ng pwedeng basahin" taka kong sabi.
Anong nangyayari sa kanila?
"Naghahanap ng babasahin? o naghahanap ng mamahalin?" Tanong ni Rhona na pinagtaka ko.
"Ano bang iniisip niyo?" taka kong tanong at umupo.
Sinungpong na naman ata sila.
"Isa lang ang nasa isip namin. At yon yong magkasama kayo ni Cyril sa library. Ano yon friends or more than friends na?" sabi ni Almie.
"What? Oo nasa library kaming dalawa pero hindi kami magkasama. Nagkataon lang na andoon siya." Depensa ko.
Grabe mag-isip ng mga babaeng ito.